Mensahi sa mga Tita ko. (Pasko)

139 4 0
                                    


Ikaw! Oo ikaw na Tita ko,
Tanong ko lang sayo,
Hindi ito biro,
Bakit ang pangit mo?


Maligayang pasko sa inyo,
Ginawa ko itong tula habang masakit ang ulo,
Galing lagnat kasi ako at medyo masakit pa ang maskulo,
Pero maganda ka wag kang iiyak Tita ko.


Sisimulan ko na ang tula,
Basahin mo ng malakas Tita,
Para marinig nila,
Nang kanilang tenga.


Pasko ay sumapit na naman,
Kay bilis kay tahimik lang parang ganyan,
May mga problema man lagi pero kaya naman,
Wag lang mawalan ng pag-asa kaya natin yan.


Away dito away dun,
Bakit kayo ganun?
Pera lang un,
Mawawala at maibabalik din un.


Hindi man tayo kasing asenso,
Hindi man kasing ganito,
Mag tulungan lang tayo,
Tiyak dahan-dahan tayong tatayo.


 Lilipas ang maraming pasko,
Pero ang bilang na tayo,
Hindi mawawala sa tao,
Kasi tayo'y kumpleto.


May mawawala,
May babalik lang ng bigla,
May aalis man na isa,
Babalik naman ang higit pa.



 Iisipin man ang masayang nakaraan,
Hindi na natin ito kayang balikan,
Kumbaga ito ang masayang nilipasan,
Sana un ay maging gabay ng ating daan.



Maligayang pasko,
At mag patuloy kayo Tita ko,
Alam kung pangit man kayo sa totoo,
Wala akong pake kasi sweet lang talaga ako.  

By: Elvin Malacad Soquena (elvin2,HiHoiT)

Facebook: www.facebook.com/elvin.soquena

Twitter: www.twitter.com/elvin002





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mensahi sa mga Tita ko. (Pasko)Where stories live. Discover now