Litrato

58 2 26
                                        

Amoy ng usok ng mga sasakyan na dumaraan ang naaamoy ko sa kalye,mga sigawan ng mga tao at maduming kapaligiran. Sa tinagal-tagal ko sa mundo, hindi pa rin natutupad ang kahilingan ko. Ang hiling kong napakasimple pero mahirap abutin. Ang kahilingan na makita ko na ang hinahangaan ko.

Gusto kita-- mali mahal kita hindi ko alam ang pakiramdam na ito na sa tuwing nakikita ko ang mukha mong maaliwalas ay kikiligin ka, magwawala. Ganyan ako. Hanggang sa napamahal na ako sayo dahil lang sa simpleng tawa mo.

Napanganga ako nun, akalain mo naman na ang kinababaliwan ko ay may pagkaseryoso pero kahit ganun ang gwapo mo pa rin. Ni minsan sa buhay ko di ko naranasan na magmahal. Bukod sa mga crushes ko ay wala na. Bakit kasi siya ganyan, bat ba sa simpleng ngiti niya lang yung puso ko nagwawala na parang gustong kumalawa.

Sa tuwing lumilingon ako sa ibang lalaki ay dumadaloy ang guilt sa puso ko. Baka kasi malaman mo na may iba akong nagugustuhan. Baka kasi magalit ka. Baka kasi magtampo ka. Baka kasi magselos ka. Baka kasi. Baka.... baka. Hanggang baka nalang ba ako? Hanggang dun lang ba?

Nakakainis din kasi di kita masasabing 'AKIN' kasi wala namang kami at ang pinakamasakit ay di mo ako kilala. Mabuti na lang at may karamay ako sa mundo , ang mga fangirls. Ganoon din sila halos kabaliwan ka pero kailangan ko lang i accept na kailanman ay di mo ako makikilala.

Ngayong malapit na ang concert mo ay parang ang puso ko ay pinunit, binasag, initsa, tinapon sa basura at inapakan sa sobrang sakit kasi hindi ako makakapunta sa concert niya. Halos magmakaawa ako sa nanay ko na papuntahin ako sa concert pero wala. Nung nalaman ko talaga na may concert ka rito ay umiyak na ako. Umiyak ako ng ilang balde at nagkulong sa kwarto ko.

Wala akong imik mga ilang araw ngunit napagdesisyunan kong mag-ipon kahit malapit na ang concert at baka isang araw pa lang ubos na ang ticket ay ginawa ko talaga ang lahat. Wala eh, ganun talaga. Mahal kita eh at masyadong ka ding paasa at ako namang si tanga na umaasa na mapapansin ako.

Naalala ko nun, una kitang nakita sa LITRATO na nasa wallet ng aking kaibigan. Tinanong ko siya kung sino ka, sabi niya ikaw daw ang asawa niya. Napatawa na lang ako sakanya at di na nagtanong pa. Kaya simula nun nagustuhan na kita. Hinihiling ko rin na sana mahalin mo ako katulad ng pagka mahal ko sayo.

Pasko na. Alam mo ba! Natupad ang kahilingan ko. Sinorpresa ako ng magulang ko sa gift nila sakin, isang VIP ticket ng concert mo. Halos magwala ako nun -- hindi nagwala talaga ako nun. Ang saya ko. Umiyak ako sa harapan nila at nung time pala na pinipilit ko magulang ko na gusto kong makapunta sa concert mo ay nakabili na pala sila para sa akin.

Ako na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo dahil may magulang akong sumusuporta sa akin. At ikaw na kahit malayo, mahirap abutin at hanggang LITRATO lang ay masaya na ako. Sa wakas.

New Year na. Imbes na magsaya ako ay umiiyak ako sa kwarto ko bakit? Kasi nabalitaan ko mayroon ka nang girlfriend. Masaya na araw ko nun eh pero nasira dahil sa pinakilala mong non-showbiz na babae na natitipuan mo.

Unang bumungad sa akin ang mga posts ng mga spazzers na nagluluksa dahil may gf ka na. Nag scroll down pa ako baka sakaling nag jjoke lang sila o hindi pala totoo. Pero may nakita akong article sa pag scroll down ko agad ko itong pinindot at dahil nasa Pilipinas ako ay sobrang bagal ang net na nilamangan pa ng pagong sa sobrang bagal.

Nang mabuksan ko na ay agad kong binasa ang article. Bigla nalang tumulo ang butil ng luha galing sa mga mata ko sa nabasa ko. Kaya mong igive up ang career mo alang-alang sa babaeng yun. Ang swerte niya. Hindi mo hinayaan na malaman nila kung sino ang mahal mo, ang buhay mo.

Ilang mura ata ang nabigkas ko dahil sa mga sinasabi mong nakakakilig. Pero imbes na kiligin ay tiningnan ko lang ang computer sa harapan ko. Wala akong imik.

LitratoStories to obsess over. Discover now