"Marry me," sabi niya.
Sinong matinong tao ang magsasabi sayo na pakasalan mo siya? Ni hindi ka niya kilala e. Ang malala pa eh nickname at address mo lang ang alam niya. Paano niya ako mapagkakatiwalaan kung ganoon? Hindi niya ako ganoon kakilala pa tapos sasabihin niyang pakasalan ko siya? Nahihibang na ang lalaking to.
At ang taong yan ay si Fabio Garcia. Nalaman ko ang pangalan niya dahil sinabi niya sakin. Actually, bago ko pala siyang kapitbahay. Di ko man lang alam. Ang sama ko namang kapitbahay sa kanya. Grabe! Pero heto siya inaalok ako ng isang kasal? What the hell right!
"No, Fabio."
Sinagot ko siya ng seryoso. I must refuse to him. Kahit ba mukhang nagbibiro lang siya. Wala pa rin akong tiwala no! Ano yun? Sa isang iglap lang magkakaroon na ako ng asawa? Porket gusto kong makasal na syempre hindi naman ako ganun kadesperada para mag-aya na lang sa kung sino-sino na magpakasal, di tulad niya.
Tinanong niya ako- wait he never asked! Sinabi niyang pakasalan ko siya. Hibang na talaga ang lalaking yon.
"What? I asked you to marry me but you said no? Wow, hindi mo ba alam na this is the perfect moment to asked someone to marry? Perfect dahil mukha naman tayong ikakasal. Nakasuot ka ng wedding gown tapos may dala-dala ka pang bulaklak na hindi ko na alam kung anong klase. Habang ako naman naka suit na parang groom. So tell me, diba perfect moment to? Mind to tell you meron pa akong dalang singsing. Para dapat to kay Jasmine e! But she said no. Pati ba naman ikaw?" sabi niya.
Napailing na lang ako. At oo, nakawedding dress ako. Supposed to be wedding day ko ngayon with Greg. Pero dahil sa kanya na balewala lahat ng preparation namin. He left me in the altar. Sinabi niya na hindi pa siya handa. Sinabi niya na hindi niya kaya. Sinabi niya na natatakot siya, natatakot siya na once na makasal siya sakin hindi niya magawang maging isang asawa sakin. Fck! Sa ilang taon na pinagsamahan namin. 16 years old ako nung maging kami, 7 years na kaming dalawa ni Greg. Nabalewala ng ganun lang?
At yung kay Fabio, si Jasmine yung girlfriend niya I mean ex-girlfriend pala. Nagplano siya ng isang dinner date para sa kanila. Nakakatawa lang dahil halos parehas kami ng pinagdadaanan. Inalok niya si Jasmine na magpakasal pero tumanggi si Jasmine. And she said, she's breaking up with him. Saklap diba?
Ngayon kaming dalawa ang magkasama. Nakaupo kami sa hall ng condominium namin. Magkatapatan lang naman kami ng unit. May hawak siyang beer na kanina pa niya iniinom. Ganoon din ako dahil binigyan niya ako kanina pero di ko binitawan yung bouquet.
I DON'T WANT TO MARRY ANYONE RIGHT NOW, but maybe Fabio may change my mind.
----
-nielle :))))))
ŞİMDİ OKUDUĞUN
MARRY ME
Genç Kurgu"Marry me," sabi niya. Sinong matinong tao ang magsasabi sayo na pakasalan mo siya? Ni hindi ka niya kilala e. Ang malala pa eh nickname at address mo lang ang alam niya. Paano niya ako mapagkakatiwalaan kung ganoon? Hindi niya ako ganoon kakilala...
