"Baby?" tanong niya at mabilis akong nag-angat ng tingin.

"Huh?" Nangunot ang noo niya sa tanong ko at sumulyap siya sa akin bago iniliko ang sasakyan.

"Do you know Tyrone?" ulit niya. He's referring to his friend noong college at napatango akong muli.

"Yes, of course," sagot ko naman at lumipad na naman ang utak ko sa lalaking tinutukoy niya.

Tyrone Suarez is one of our blockmates way back in college at katulad ni Greg ay sikat din ito at mapaglaro sa babae. He's way too popular just like Greg at ng iba pa nitong mga kaibigan.

Well, it's awkward to say this but his friend, Tyrone, was actually my first love. Ang lalaking 'yon din ang naging daan kung bakit nagkatagpo ang landas namin nitong lalaking ito sa tabi ko.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at iwinawaksi sa utak ko ang mga naiisip.

"Saan? Left or right?" tanong niya at tinuro ang daan.

"Left," sagot ko. Tipid siyang ngumiti bago pinaliko ang sasakyan. Bumalik na naman ang kaba habang papalapit kami sa center. Hindi niya pwedeng makita si Chance!

Maybe I should ask him to leave immediately pagkatapos niya akong maihatid, 'di ba? Magpapasalamat na lang ako agad. Hindi naman siguro siya magpupumilit.

Mahina lang ang pagdadasal ko habang papalapit na kami sa lugar at mas dumoble ang nararamdaman kong kaba nang natanaw ko na ang center. Maraming bata ang nagkalat sa labas ng eskwelahan habang kasama ang kani-kanilang mga magulang.

Nasaan na kaya ang anak ko? Sana ay hindi siya lumabas.

Sumulyap ako kay Greg na seryoso lang ang tingin sa daan habang nagpa-park. Nang maiayos na ang sasakyan sa paradahan ay agad kong kinalabit ang seatbelt ko at lumingon sa kanya na noo'y nakatingin na rin sa akin.

"Ah, Salamat," nag-aalangan kong sabi bago sumulyap sa orasan. "Bababa na 'ko." I pursed my lips at nanatili lang na nakatingin siya sa akin.

Nakanguso siya at mukhang may iniisip. Nagulat ako sa biglaan niyang pagbaba sa sasakyan at nakamasid lang ako sa kanya na tumatakbo papunta sa may pwesto ko. Pinagbuksan niya ako ng sasakyan.

Naglahad siya ng kamay sa akin pababa na tinanggap ko naman. Isinara niya ang pintuan pagkalabas ko at luminga sa paligid.

"Sinong pinunta mo rito?" Kumabog ang dibdib ko sa sinabi. Napakagat ako ng labi.

"Ah, basta," mahinang sabi ko at nag-iwas ng tingin. Mapanuri akong tiningnan na parang mapapaso ako.

"Sino nga?" ulit niya at huminga ako nang malalim. Siguro naman ay hindi na niya ako kukulitin kapag sinabi ko, 'di ba? Hindi naman niya siguro makikita kung sino and maybe he will finally leave me alone kapag nalaman niya.

"Sino nga?" ulit niya ulit sa tanong niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagbilang ng ilang segundo bago ko salubungin ang mga mata niya.

"Susunduin ko ang anak ko." Natigilan siya at nakita ko ang pag-awang ng bibig niya. Natulala lang siya sa akin pero nababakas ko ang pagkabigla at pagtataka sa mata niya.

"Sige, I'll go." Hindi ko na hinintay ang reaksyon niya at pumihit na ako patalikod. Mabilis at nakababaliw ang pagkabog ng dibdib ko habang naglalakad palayo. Napahigpit din ang hawak ko sa bag na dala ko.

What? Lulubayan na niya ako panigurado. Siguradong hindi na siya magpapakita sa akin dahil sa nalaman niya. Just by looking at his face ay siguradong lalayo na siya. Ayaw ng mga lalaki iyong gano'n 'di ba? Ayaw nila iyong may sabit?

Dapat ay matuwa ako pero bakit parang iba ang nararamdaman ko? Why am I feeling sad with the sudden realization?

"I'm sorry, miss, pero masyado na kasi akong busy kaya hindi ko na nasubaybayan ang anak n'yo." Humugot ako nang malalim na hininga at tiningnan ang guro ng anak ko. Wala na kasi rito ang anak ko pagdating ko. Ibinilin ko sa kanya ang anak ko tapos ganito?

"'Di ba ibinilin ko ang anak ko? Paanong hindi n'yo nasubaybayan?" histerikal ko nang sabi. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako rito at nanlalambot na ang tuhod ko.

"I'm sorry talaga, miss," malumanay nitong sabi at nasabunutan ko ang buhok ko sa inis. Takot na rin ako habang iniisip ang anak ko. Gusto ko itong sigawan sa pagpapabaya sa anak kong makalabas ng classroom habang walang sundo pero hindi ko ginawa dahil ayokong mag-eskadalo.

"Just...just please help me find my son," sabi ko habang nagpipigil ng iyak. Agad naman itong pumayag. Nabakas ko pa ang kaba sa mga mata nito at nagpatawag din ito ng mga guard para magpatulong.

Ipinakita ko sa kanila ang picture ng anak ko at nag-umpisa na rin silang maghanap.

"Chance, nasaan ka na ba?" Pinahid ko ang luha na tumulo sa mata ko habang nag-iikot sa loob ng eskwelahan. Halos naikot ko na ito! Pinuntahan ko na rin ang iba't ibang class room pero hindi ko siya makita.

Kaakibat ng kaba ko ay ang takot na baka may kung anong mangyari sa anak ko. Natatakot akong mapahamak siya o makuha man lang ng ibang tao. Hindi ko kakayanin. Ikamamatay ko kapag hindi ko nahanap ang anak ko.

Halos kalahating oras na naming hinahanap si Chance pero hindi pa rin namin siya matagpuan. Pinanghihinaan na ako ng loob. Kapag dating talaga sa anak ko ay nanghihina ako. Napaupo ako at inihilamos ang mga kamay ko sa mukha ko.

"Miss, uminom ka muna." Iniabot sa akin ng guard ang isang baso ng tubig na agad kong tinanggap at ininom nang diretso pero hindi ito nakatulong para mawala ang kaba sa dibdib ko.

Nakita ko ang teacher ni Chance na akmang magso-sorry na naman pero hindi ko na ito pinakinggan at pinunasan ko ang luha na tumabon sa mga mata ko. I know it's rude but it's my son we're talking about!

"Miss, baka may sumundong kakilala mo," sabi nito sa akin pero agad akong umiling at nagsimula na namang maglakad para maghanap. Walang pwedeng sumundo kay Chance na kakilala ko dahil wala naman akong pinagbilinan para sunduin ang anak ko.

Alam kong baka wala siya rito pero dinala ako ng paa ko sa palaruan sa may hindi kalayuan sa eskwelahan. Halos manakit na ang mga paa ko dahil sa heels sa kalalakad pero hindi ko ito inaalintana dahil priority ko ang anak ko. Kailangan ko siyang mahanap!

Hindi ako mapakali at halos mapahagulgol ako sa iyak nang makita ko ang anak ko na may kausap na lalaki sa hindi kalayuan.

"Chance!" sigaw ko sa pangalan niya bago ako patakbong lumapit sa kanya. Binalot ko siya ng yakap at tuluyan na akong napaiyak habang nakaluhod sa harapan niya.

"Mama!" Narinig kong sabi niya at nanginig ang balikat ko sa kaiiyak lalo na nang naramdaman ko ang maliit niyang mga braso na yumakap sa leeg ko.

We stayed like that for almost a minute at nang naglayo kami ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Sinipat ko siya ng tingin at tiningnan kung may mga bakas siya ng sugat o ano man.

"Mama, why are you crying?" nagtataka niyang tanong at napapikit ako nang pinunasan ng maliit niyang kamay ang pisngi ko.

"Saan ka ba nanggaling na bata ka?! I'm worried! Hindi ka nagpapaalam kung saan ka nagpunta!" pagalit na sabi ko sa kanya habang sumisigok pa sa kaiiyak. Nabakas ko ang takot at paumanhin sa mata niya.

"S-Sorry...Mama, naglakad lang naman ako tapos..."

"Tapos ano? Paano kapag napahamak ka? Paano kapag may kumuha sa 'yo d'yan na hindi mo kilala? Ano? Hindi mo ako naisip?!" Kinagat nito ang labi at tumungo. Niyakap niya akong muli nang mahigpit.

"S-Sorry, Mama. Hindi na po mauulit," malambing niyang sabi at malalim akong bumuntonghininga. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Buti na lang po may tumulong sa akin," mahinang sabi niya kaya napahiwalay ako sa kanya.

"Huh? Sino?" Ngumiti siya at tinuro ang nasa may likod ko.

"Ayun po, oh! Si Doc!" sagot niya at nanigas ang katawan ko.

icon lock

Show your support for HN🥀, and continue reading this story

by HN🥀
@heartlessnostalgia
Hot Bachelors Series #4: Allison Clarisse Madlang-awa's happy and unc...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 47 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @heartlessnostalgia.
Taking Chances (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now