'Parang awa mo na. Kailangan kong mabuhay para sakanya. Hindi ako pwedeng mamatay dahil madaming nag-aantay saakin sa lupa.'
'Hindi ko hawak ang kapalaran ng mga tao Vana. Ako ay iyong taga gabay at hindi ako ang magdidikta kung kelan ang iyong kamatayan'
Isa lang akong Anghel. Ang nagagawa ko lang ay protektahan ang mga tao. Hindi ko hawak ang oras ng kamatayan ng mga tao. At hindi ko kailanman mababago ang kapalaran ng oras ng pagkamatay ng mga tao.
'Pero hindi ako pwedeng mamatay. Madami pang nagmamahal sa akin. Minsan ng nawalan ng anak ang magulang ko. Ayoko ng lumuha ulit sila'
'Patawad Vana. Pero hanggang pagbabantay lang sayo ang kaya kong gawin. Isa lamang akong guardian angel'
'Guardian Angel? Pero naaksidente ako. At hinayaan mong mangyare yun. Ang hinihingi ko lang naman ay oras para makayanan nila kung mawawala ako. Yun lang'
'Isa lang ang maaring maging paraan Vana. Pero hindi ka pa din mabubuhay'
'O-okay lang guardian angle. Ang gusto ko lang ay matanggap nila na mawawala na'ko'
Isa lang ang paraan para matulungan ko si Vana. Ito lang ang tanging daan para magawa ko ang pabor niya. Ang bumalik sa lupa, at magpanggap bilang isang tao. Hindi pa ako handa, ngunit kailangan ko itong gawin para kay Vana.
![TEARS OF AN ANGEL [ON GOING]](https://img.wattpad.com/cover/57790178-64-k455878.jpg)