Hi ako pala si Abbhie, 2nd yr college, Education student and 17 yrs. Young.
First day of school, so ayun hanapan ng room. Hindi ko kakilala yung mga kaklase ko kasi nalipat ako sa Filipino major which is gusto ko talaga.
Dumating na yung prof namin, sya daw si Sir P. , matangkad medyo chubby.
Eto namang mga kaklase ko cute na cute sa kanya, ako parang wala lang,
Nakakatakot sya, parang masungit at masyadong seryoso, pero mukha naman syang mabait.
Pero habang nagpapakilala sya sa unahan at nag umpisa na rin sa unang leksyon, nakatitig lang ako sa kanya, ang cute pala ng mata nya lalo ng pisngi nya (cute nga siya ='> ) ..
Nang bigla nya akong tinuro at tinanong tungkol sa lesson namin, at syempre hindi ako nakasagot, nagulat din ako, natameme lang ako dahil lumilipad yung isip ko. Kaya Naupo na lang ako.
Katabi ko si poi, friend ko, sya yung kinikilig kay sir, ewan ko ba dun lahat ata kinakikiligan nya, kaya naman ako nahawaan nya, haha kinikilig na rin ako sa tuwing tinitignan ako ni sir.
At sa bawat araw ng pagkikita namin ni Sir sa school, nakikita ko yung mga ngiti at tawa nya, syempre yung mga joke nyang waley pero ako natatawa.
Napaka makabayan nya, ipinaglalaban nya ang mga naaapi, katulad ng mga lumad, mga kasamahang guro at marami pang iba,
Unti-unti ko nang napagtatanto na....
Gusto ko sya, crush ko nga sya. Kaya naman lagi akong excited sa subject nya, at kapag wala kaming klase malulungkot ako, hindi mabubuo yung araw ko kasi di ko sya makikita.
Ayaw nya sa pulitika dahil puro bahid ng dumi ito.
Kaya naman sa bawat araw ng pagleleksyon nya sa amin ay naimpluwensyahan na nya ang mga kaklase ako lalo na ako.
Wala akong masyadong pakialam nun sa pulitika o anumang tungkol sa bansa, sya ang nagpamulat sa akin ng katotohanang nangyayari sa ating bansa.
Unti-unti kong napagtanto na excited lagi akong pumasok sa klase nya, maaga akong pumapasok at ganado laging mag-aral.
...mukhang nagkakagusto na yata ako sa kanya..
..Mayroon kaming group activity sa klase nya, na kung saan ay magrereport kami sa paraang may actions, ang role ko ay medyo malandi.
"Uy kilala mo ba si A-----??!! Ang gwapo talaga nya!"- wika ko
Habang nanonood si sir! Eto namang mga kaklase ko nagkantyawan. Sobrang nahihiya ako nun kasi alam nyang sya yun. Ngumiti lang sya nun..
Pero ako naman kilig na kilig deep inside. Haha.!
Sa sobrang kilig ko ay naisipan kong mag drawing..
..kaya idrinowing ko yung picture nya, buong araw ko atang ginagawa yun. At buong araw ko ring itinago sa amin.
..nakita ito ng mga kaklase ko, kaya naman panay din ang kantyawan nila.
Bawat pagkikita namin sa school, nabubuo ang araw ko, lalo na kapag tinitignan nya ko,
Inililista ko pa nga ying bawat tingin nya sa akin sa notebook ko. Haha!
Tuwang-tuwa ako kapag nakakarami ako eh. Haha
Mahilig din akong gumawa ng tula, lalo na kapag inspired ako, kaya naman naisipan kong gumawa ng tula na para sa kanya..
Hindi pag-ibig ang nadarama,
Ngunit kilig ang natatamasa.
Sa tuwing ikaw ay nakikita,
Labi ko'y ngumungiti ng kusa.
Mga ngiti't matatambok mong pisngi,
Walang kagaya't namumukod tangi.
Aming inspirasyon sa pagpupursigi,
Ang dulot ng sayang hindi maitanggi.
Bakit mukha mo ang laging nasa panaginip,
Siguro dahil ikaw ang huling nasa isip?
Saya'y di mawari kapag ika'y nasilip,
Kapag malungkot, ngiti mo'y tagasagip.
