Chapter 1.
Pawis-pawis ako. Kada hinga ko nalandas ang tubig saking pisngi. Puro tilian ng mga Ka-schoolmates ko ang maririnig sa paligid. Pinag-siklop ko ang dalawa kong kamay habang dinaramdam ang bawat kanta niya.
Didn't you want to hear the sound of all the places we could go?
Do you fear the expressions on the faces we don't know?
It's a cold hard road when you wake up and I don't think that I
Have the strength to let you go
Maybe it's just me, couldn't you believe
That everything I said and did wasn't just deceiving?
And the tear in your eye and your calm hard face
Makes me wish that I was never brought into this place
Napahawak ako saking tenga sa matinding pag-ingay. Masaya ako dahil malayo-layo na rin ang naabot nang banda nila.
" Kapatid mo ba talaga siya?! Shet! Ang ganda ng boses! Ang gwapo-gwapo pa! Gusto ko tuloy maging Senior na! " hinampas-hampas pa ako ni Joy. Lumapad lang ang ngiti ko pero nakatitig parin ako sa Stage kung saan kumakanta ang Kapatid ko.
" Sus. Crush mo lang siya eh! " sabi ko nalang pero umirit pa siya ng husto nang sinabi ko iyon. " Crush lang naman! Haha. Saka sa Gwapong iyan? Baka may Girlfriend! " ngumisi ako sa sinabi niya.
" Marami! " sabay tawa ko at kita ko ang pag-nguso ni Joy. " Si Harvey! Ayaw mo? " Tanong ko.
Umiling siya. " Eh diba, may Gusto iyon sa'yo? " natigil ako..at di ko alam kung bakit nang-init ang pisngi ko. " Ewan ko sa'yo! " sagot ko...at kita ko naman ang pag-ngisi niya. Itinuon ko nalang ang mga mata ko sa Kapatid kong kumakanta.
Maybe it's just me, couldn't you believe
That everything I said and did wasn't just deceiving?
And the tear in your eye and your calm hard face
Makes me wish that I was never brought into this place
And someday, I promise I'll be gone
And someday, I might even sing this song to you
I might even sing this song to you, to you, to you
Nagulat pa ako nang nagtama ang paningin naming dalawa. Ngumiti ako pero di niya iyon pinansin.
" OMAYGHAD! TRAYVON ALEXANDER TORRES! "
" MANWORST!! MANWORST! MANWORST! "
Mas napa-hawak ako saking tenga nang marinig kong isinisigaw na nila ang pangalan ng Banda nila, kulang nalang masira iyong eardrum ko!
" Lapit tayo sa Banda? " Tanong sakin ni Joy kaso umiling ako. " Wag na.." sagot ko.
" Ha? Iko-congratulate lang natin ang kapatid mo. Tara na! " Hinila nalang niya ako sa mga Taong nagsisiksikan dahil sa dami! Halos makatapak ako ng mga Paa dahil sa bilis nang hila sakin ni Joy.
Nakikita ko na ang Mukha ng kapatid ko.
" Woah! Congrats! " bati iyon ni Joy sa lahat ng myembro.
Tumingin ako sa kapatid ko at saka ngumiti. "Congrats. " tumango lang siya at saka ibinaling sa iba ang paningin.
" Bakit wala man lang Kuya? " Bulong sakin ni Joy. Mapakla akong ngumiti. " Ayaw niya eh.." sabi ko nalang.
" Cara! Nakita mo ba akong mag-perform???" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Harvey. Namamawis tuloy ang kamay ko. Dahil sa kaba...
" Ah...Oo. " sagot ko at di ko alam kung bakit dahil sa konting pag-ngisi niya, nang-iinit nalang bigla ang pisngi ko.
" Harvey, Tara na! " magsasalita na sana si Harvey pero...tinawag siya ng Kapatid ko. Nagulat pa ako nang tumingin siya sakin.
" Ako ang maghahatid sa'yo mamaya, antayin mo nalang ako sa Parking Lot. " mabilis na sabi niya at sasagot sana ako pero mabilis siyang tumalikod.
" Ang cold niya magsalita! Pero shet! Pang-Bad boy type! " sabi ni Joy saking gilid. Nagbuntong-hininga nalang ako.
Tanggap ko naman na ayaw niya sakin. Ayaw niya akong Kapatid.
BINABASA MO ANG
Worth It
Non-FictionPamilya. Kaibigan. Kaklase. Lahat. Diyan lang umiikot ang buhay ni Cara Samantha Torres. Buong buhay niya, pinahalagahan niya ang lahat. Mahal na mahal niya ang mga Taong nagturing sa kanyang Kapamilya. Lalo na ang Pamilya niyang tinuring siyang Ka...
