MBB 1.

399K 3.6K 297
                                    

Chapter 1.



Daniel's POV.



Papasok nako ngayon sa eskwelahan kasama ang mga kinakapatid/katropa/ kabanda ko. Patuloy nila akong kinakantyawan dahil hindi ko sinasabayan yung 'ASAWA' ko.



"Bro naman, sabayan mo naman ang spoiled brat mo'ng asawa!" JC, my cousin. the vocalist.



Nag-tawanan silang lahat. Psh, inirapan ko nalang. bwisit na 'to, umagang umaga. ganyan naman ang bisyo nila eh, ang asarin nila ako sa isip bata'ng bratinela na 'yon.

Seriously? Hindi ko kailanman pinangarap na makasama ang bratinela na iyon sa isang bubong. Sino ba naman ang makaka-tagal sakanya?

Maldita, Bratinela, War Freak, Palamura, Tamad, Bossy, Ubod ng arte, Daig pa ang lalaki sa pakikipag-away, Maingay na parang palengkera, "Brave Princess" kung ituring ng karamihan.

"Tigilan niyo nga ako."

Nanahimik naman sila. Uto-uto? medyo. Alam nila ang mood ko, tagal na kaya naming magkaka-sama at kilalang kilala na namin ang isa't isa.

Naka-salubong ko si Janella... ang dakilang tigahabol na palaging bumubuntot sakin. At sinabayan niya naman ako sa paglalakad tulad ng inaasahan ko.


"Hi D! how's your sleep?"



"Ayos lang."



"Ahhh. same tayo. ^_^"



"Tinatanong?"



"sungit mo D ah."



"masanay kana."



"fine."



Naka-rating kami sa classroom, oo kaklase ko 'tong mga 'to. Si Bratinela at mga kaibigan niya? kaklase ko din. mga kaibigan niyang nakatagal sakanya. Wow, miracle ano?



Nakita ko agad siya, sina Bianca at Sofia na busy mag-tawanan. Tinignan ako niya ako at nag flip ng hair at inirapan ako. Oh diba, ayos? wala akong ginagawa sakanya tapos nangaganun siya. Isip bata kasi. hindi pa nagma-mature ang isip.


Kathryn's POV.



What a day. nakita ko nanaman ang bwisit na lalaki sa buhay ko. nanahimik si sofia at bianca nung nag flip ako ng hair at inirapan siya. silalang kasi nakaka-alam na mag-asawa *nakaka-suka* kami.

That stupid groom!!


"Girl, ayos lang kayo?" Sofia.



"Mukha ba'ng oo? ha, sofia? -_-" Bianca.

Umirap nalang ako. I hate him! I really do! Ang sarap niyang chop-chopin ng pino'ng pino! Gosh, no words can explain how much i despise him.



"Kathryn Candice Anderson! tulala ka nanaman." Bianca. ANDERSON? Eww. tinaasan ko siya ng kilay... ibig sabihin nun, bawiin niya ang sinabi niya.



"Ooooops. wala akong sinabing anderson." Bianca. natawa nalang ako, the best talaga mga kaibigan ko! woooh!



Dumating yung teacher namin, as usual, discuss dito, discuss doon. nakaka-bagot. Magka-cutting nalang ako. Minsan hindi ko alam kung bakit ko kailangan pumasa, hindi maco-control ng mga teacher ko ang future ko. at hindi rin isang kapirasong papel ang sisira ng future ko.


"Sir. may i go to the restroom?" pagpapa-alam ko.



"Sure." sagot niya.



habang lumalakad ako, nagka-tinginan kami ni Daniel. he gave me 'wag kana mag-cutting!' look. binigyan ko naman siya ng 'paki mo ba?' look. ayos ba? hahaha masanay na kayo.



Dumiretso ako sa likod ng school namin, mataas yung bakod pero kaya kong akyatin. Sanay na kaya ako, i've been doing this for 4 years.



Nung inakyat ko yun, na-out of balance ako kaya nahulog agad ako. Aray ko po! bato pa yung hinulugan ko! ang sakit ng ulo at ang sakit ng dibdib ko. napahawak ako sa noo ko at, may dugo. first time!!!! ang fail ng hulog ko. tae!!



"Sabi ko naman kasi sayo wag kang mag-cutting."



"Bakit mo ba ako sinundan?"



"Umuwi na tayo." Hindi niya pinansin ang tanong ko at inakay niya ang kamay ko na agad ko naman'g inalis.



"Daniel please! Leave me alone will you?! Don't act like you care for me, if i know, na-bored ka din kaya sinundan mo ako." Inirapan ko siya. Ang walang hiya'ng ito, President pa naman din ng student council tas ako ang tinutularan niya. Sabagay, ganda ko kasi.


"Kaya ka wala'ng natutunan eh, puro ka skip ng class. Tignan mo naman average mo sa Values at sa conduct mo, 75."

"Kaya mo ba ako sinundan para insultuhin? Pwes, hindi na kailangan dahil aware naman ako 'dun. Umalis ka na nga!"

"Sige, pero isasama kita."

"Crush mo ba ako? Nakakahalata na ako eh."

He looked at me while smiling, he doesn't look cute, he looks stupid.
"Asa ka."

Nakaka-asar! Asa daw ako? Neknek niya!

Inalalayan niya ako patayo, grabe, pati sa simple'ng pag-alala niya sa akin ay magbabangayan pa kami.

"Ano ba, kath!"

"Ano'ng ano ba?!"

"Umayos ka! Kaya ka na-out of balance eh."

"Ang gaspang kasi ng kamay mo like, nakaka-derder hawakan!"

"Alam mo napaka-arte mo! Alam mo yun?! Pasalamat ka nga inaalalayan ka pa!"

"Damn you! Huwag mo akong sigawan!"


"Damn you too! Halika na nga, ako pa mapapagalitan ni Mommy Min dahil sa mga kalokohan mo."

"Damn you three!"

Pumunta kami sa parking lot at inangkas niya ako sa motor niya, napaka-leche talaga nito'ng lalaki'ng to, kitang naka-palda ako 'tas pinasakay ako sa motor niya. Ang galing niya ano? Sobra diba. Nakakainis.

Nung naka-uwi na kami, naka-alalay lang siya papunta sa kwarto NAMIN.



"Kunin mo yung medicine kit 'dun sa may cabinet para gamutin kita. TAKE NOTE, gagamutin kita." He said. Ang gentleman naman ng asawa ko! Ang sweet noh? Nakaka-inlove, grabe.

Kinuha ko naman yung medicine kit, ginamot niya yunga forehead ko at nilagyan ng band aid. Naka-pikit lang ako the whole time dahil nangagalaiti ako sa muka niya! Ang pangit niya kasi baka ma-infect ang aking precious eyes.


Hangga't sa naramdaman ko nalang ang labi niyang dumampi sa pisngi ko.



What the hell!?

My Brat BrideWhere stories live. Discover now