ON MY WAY HOME

14.1K 66 17
                                    

"Bye Eliz! Ingat sa pag-uwi!" Sabi sakin ng ka-trabaho ko sa isang call center agency dito sa Manila.

Bumaba ako sa jeep at nagmadali na maglakad papunta sa apartment ko. Mag-iimpake pa kasi ako ng gamit dahil balak kong umuwi ngayon sa Laguna. Bakit? Eh sa pinapauwi ako ni mama. Wala naman akong kawala dun.

Pagdating ko ay agad kong kinuha ang Jansport na packbag na binili ko nung una kong sweldo sa pagiging call center agent. Naglagay ako ng damit na pang-tatlong araw. Buti at pinayagan ako ng boss ko na mag-leave ng tatlong araw.

Isinukbit ko na sa likod ko ang bag ko na naglalaman ng mga damit ko tapos hawak ko naman sa kamay ko yun leather bag na gamit ko kanina sa office. Wala na akong panahon para maglipat pa ng mga gamit dahil nagmamadali na akong makauwi sa Laguna.

Lumabas na ako ng bahay at isinara iyon. Ibinigay ko na rin muna yung susi sa landlady dahil baka maiwala ko pa sa biyahe o maiwan sa Laguna. Hindi ko na rin muna dadalahin yung kotse ko dahil gusto kong matulog sa biyahe.

Tumingin ako sa wrist watch ko, 5am pa lang pala. Parusa talaga ang graveyard shift sa call center. Nakaka-pimples na, hindi pa makatulog ng tama sa oras.

Sumakay ako sa unang jeep na dumaan papuntang terminal ng bus. Kumuha ako ng pamasahe sa bag ko tapos nagbayad.

Sumigaw yung driver na nasa terminal na daw kami ng bus kaya naman bumaba na ako.

Pagbaba ko ay sinalubong ako ng sandamakmak na bus. Saan ako ngayon sasakay dito?

"Miss, saan ka?" Tanong ni manong barker sakin.

"Bay po." Sabi ko naman sa kanya.

"Dito, miss." Tumalikod siya sakin at nagsimulang maglakad papunta dun sa pangalawang bus.

"Salamat po." Sabi ko sa kanya bago ako sumampa.

Napamura na lang ako pagkapasok ko sa bus dahil halos punuan na. Hindi na nga ako makakita ng bakanteng upuan eh. Papunta na sana ako sa pinakadulo dahil may nakita akong bakante dun nang may tumawag sakin.

"Eliz!" Nilingon ko yung tumawag sakin.

At eto, napakabilis lang naman ng tibok ng puso ko. Bakit siya? Bakit dito? So uuwi rin pala siya sa Bay?

"Dito ka na umupo." Tumayo siya sa pagkakaupo malapit sa bintana at itinuro iyon sakin.

Siyempre bilang babae, pakipot muna ako. Tsaka parang ayaw ko siyang katabi kasi hindi matatahimik yung puso ko eh.

"Eh hindi, okay lang. Dun na lang ako sa likod." Paalis na sana ako nang hawakan niya ang wrist ko.

"I insist. Alam kong hindi ka umuupo sa likod ng bus." Sabi naman niya.

Talaga 'to si Christian. Kahit na ilang months na kaming hiwalay ay kilala pa rin ako.

ON MY WAY HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon