LOVE 19:

18 0 0
                                    


Lei's POV

Na alimpungatan ako na parang may na aamoy ako..hmmmm.. ang bango naman non.. ay wait naka tulog pala ako.. asan si Liam?? Naka bukas naman yung pinto ng kwarto ko,  Dali dali akong lumabas at..kaya pala.. nadatnan ko syang nag luluto sa Kitchen..

"Hey.. sorry hindi na kita ginising.." sabi niya, pinag masdan ko siya.. wala na ata syang lagnat..

"Liam.." tawag ko sakanya.. nilingon naman niya ako.

"Yes?" Sabi niya habang inihahanda ang niluto niya.

"Wala ka ng lagnat?" Bigla akong lumapit sakanya at dinampi ko ang ilalim ng palad ko sa leeg niya..

Naramdaman ko naman..awkard pala yung ginawa ko kaya agad kong inalis yung kamay ko..

"So-sorry.." sabi ko sabay iwas ng tingin..ako ata ang mag kakasakit nito..

"Your blushing.."

"Huh? Hindi no.." ehhhh!! Hindi kaya.. pero.. aaminin ko.. ang hot pala talaga niya.. yun lang yun.. siguro dahil sa mainit yung balat niya? Yun na yun.. wag nga kayo..

"Let's eat.." sabi niya sabay alis ng apron na suot nya.. yung apron ko na kulay pink.. hihihi.. umupo naman ako paharap sakanya.. walang imikan habang kumakain kami..

"Lei.." sabi niya habang ako ito nilalantakan ko yung fried chicken at rice tapos may mushroom soup pa.. wa poise, gutom na gutom na kasi ako..pero siya.. ang linis linis niyang kumain..

"Hmm?" Sabi ko..kumuha naman siya ng table napkin at..

"Ang kalat mo kumain..." he said, habang pinupunasan yung gilid ng labi ko..

"Gutom na gutom na kasi ako, tapos mag 1:00 na oh, may pasok pa ko.. " i said..

"Sabay na tayo, may pasok rin ako eh" sabi niya.. eh, diba wala siyang uniform.

Paka tapos namin kumain, hinugasan niya na yung pinag kainan namin.. hihi.. at sabay na kaming bumaba papuntang parking lot..

..

Habang nasa byahe kami papuntang Y.A wala naman kaming imikan, wala naman akong sasabihin eh ng bigla siyang mag salita..

"Thank you for being my nurse Lei.." sabi niya, nilingon ko naman siya at "its ok, wala pa nga yun sa pag tulong mo saakin eh." I said while smiling..hindi na niya ako inimik pag ka tapos non hanggang makarating kami sa school, bababa na sana ako ng maka limutan kong mag thank you sakanya..

"Thanks Liam.." sana ganito palagi yung hindi kami nag aaway, yung ganito lang, pwede naman kasi kami maging mag kaibigan eh..

"Hindi ako tumatanggap ng thank you eh," seryosong pag kaka sabi niya.. sabay turo sa pisngi ngiya..

"Masakit ngipin mo?"

"Tsk, stupid.." pag ka sabi niya non, bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.. at.. *Click..

Tinanggal niya yung lock ng seatbelt ko..natulala naman ako doon kainis naman tong si Liam, bakit lei nag e'expect ka nahahalikan ka niya? Sabi ng malandi kong isip..hindi no bat ko iisipin yun..

Bubuksan ko na sana yung pinto ng car niya ng..

"Liam bababa na ako ma lalate na ako eh." I said
Tinuro nanaman niya ang pisngi niya, anu bang meron sa pisngi niya..

"Masakit pala ngipin mo Liam bat di mo sinabi--"

He kiss me..

"Lets go" rinig kong sabi niya sabay baba ng kotse nya.. ako naiwang naka tulala..

Love=LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon