Ate what about this?
Bigay sa akin ng nakababata kong kapatid na si Aliyah.
Hindi pwede yan.Damit na lang ang ibigay natin kay mama.
Okay!
Nandito kami ngayon sa mall.Namimili ng mga panregalo at iba pang kailangan sa bahay.
Pumunta kami sa clothing department.Naghahanap kami ngayon ng pang regalo kay mama.Kanina pumunta kami sa jewelry store pero wala kaming napili.
Eto ate bagay na bagay to kay mama!
Tinignan ko ang ibinigay niya sa akin.Isang long sleeve na kulay berde polka dots ang design nito
Tamang tama para sa bagong taon.
Naniniwala kasi si mama sa mga pamahiin.Mahilig din siya sa kulay na berde.Kinuha na namin to at pumila na kami para mabayaran yung damit.Sunod naming pupuntahan ay grocery.
Habang nakapila ako napansin kong walang gumagamit duon sa isang fitting room.Naka loock pa nga ito.Nakakapag taka.
Ate!Tayo na next!
Hindi ko na pinansin ang naka lock na fitting room siguro sira lang ito.
Pero hindi ko mapigilang hindi mapatingin doon.Para bang may tumutulak sa akin na tignan ito.Kumakalabog ang pintuan.Gumagalaw ang lock ng pinto.
Miss?
Tawag sa akin ng cashier
Ate!
Tawag sa akin ni Aliyah
Hoy dalian mo naman ang daming nakapila!
Duon ko na natanggal ang paningin ko sa fitting room kanina pa pala nila ako tinatawag.
125 po maam.
Ibinigay ko sa kanya ang 200 ko
Ate okay ka lang ba?
Oo naman baket?
Kanina ka pa kasi nakatingin doon sa fitting room
Turo niya
Huh?
Ah miss eto na po yung sukli niyo.
Abot sa akin ng pera pati yung damit na nakabalot na sa paper bag
Salamat ho!
Kumalas na ako sa pila.Umirap ang nasa likuran ko kanina.Diretso ang lakad ni Aliyah malapit sa fitting room
Ah,Aliyah!
Lumingon siya
Duon na tayo sa kabila dumaan.
Mas malapit dito papunta sa Grocery!
Dito na tayo!
Baket ba Ate?May problema ka ba sa fitting room na ito?
Nilapitan niya ang fitting room at isinandal ang kamay doon.
Huwag!Tara na nga!
Itinanggal ko ka agad ang kamay ni Aliyah doon.Nagkibit balikat siya at sumunod na sa pagkakahila ko sa kanya.Nadaanan namin ngayon ang toy store.Hindi ko pa rin matangal tanggal ang paningin ko duon.Ano bang meron duon?Bakit ito naka lock?Yan ang bumabagabag sa akin
Biglang bumukas ang fitting room.Paano ito bumukas?Naka lock ito kanina.
May lumabas na isang halimaw. Malaki at may nakakadiri at nakakatakot na hitsura.Napalunok ako.Anong gagawin ko?Paano kami dito makakaalis?
