Chapter 8.1

67 1 0
                                        

Napatawa si Arnold. "Mas cute pala kapag ikaw ang nagsasabi ng ganun."

       
"Matagal ko ng alam na cute ako."

       
" Absolutely, correct. Ikaw ang pinaka-cute na babaing nakita ko at nais pang makita ng paulit-ulit ng aking mga mata."

       
Nag-blushed siya. Pero gusto niya ang pambobola ng lalaki.

       
"Mas cute siguro kung sasakay na kayong dalawa." biro ng driver ng tricycle na nakakarinig ng kanilang pag-uusap.

       
Nagkatawanan sila.

       
Naglalaba si aling Mareng ng dumating sila. " Nanay naman, e.Dapat hinintay na lang nyo ako,ako na lang ang maglalaba."

       
"Konti lang naman ito. saka matatapos na nga ako." katwiran ni aling mareng sa anak. "Lutuin mo na lang yun ulam natin. May gulay dyan na pwedeng gawing pinakbet, saka puset."

       
"Pakbet? Puset?hmm bigla akong ginutom ah!" si arnold.

     
"Hindi ka pa uuwi? Makikikain ka pa sa amin ng lagay na 'yan. Abuso ka na, eh!" aniyang nais inisin ang binata.

       
"lynneth!" pinandilatan ng ina ang anak. "huwag mo ngang sinasabihan ng ganyan si arnold. baka isipin eh totoo ang sinasabi mo."anito. "pagpasensyahan mo na ang anak ko, arnold."

   
"Wala po yun. mabait naman po talaga si lynneth. Saka gusto talaga niya akong pakainin ng niluto niya. Di ba?" baling nito sa dalaga.

       
Nakasimangot ang dalaga.

       
"Pano na ba 'yan? Umpisahan mo na ang pagluluto?" nakangiting wika ni arnold.

     
  Ang dali namang napaamo ng gagong ito ang nanay ko. sa loob-loob niya.

     
Nagsaing muna siya saka inayos ang mga lulutuing ulam. Tahimik lang namang nakaupo si arnold. Nakatingin lang sa kanya. Nakaramdam tuloy siya ng pagkaasiwa.


" bakit ba tingin ka ng tingin?"

"Masama bang tingnan ka?"     

"ayokong tinitingnan ako. alam ko ng maganda ako kaya huwag mo ng sasabihin pa."

"Haba ng hair mo talaga 'day. wala naman akong sinasabing ganun, ah!" anito. "pero sige na nga, maganda ka na."

       
"Talaga!"     

"para ka tuloy magnet."

Gusto na naman siyang paandaran nito. Sinakyan naman niya. "Bakit?"

     
"Para kasing ayaw ko ng humiwalay pa sa pagkakadikit ko sa 'yo." kinindatan pa siya nito.

May bahagi ng damdamin niya ang nasisiyahan. ayaw lang niyang pansinin iyon. "para ka namang bakal."       

"Bakit?"

"Puno kasi ng kalawang ang laman ng utak mo,"

       
"Sakit naman, nun."

"Pasalamat ka hindi ikaw itong puset. Hah! kung ikaw tiyak na gagawin kitang inihaw."

     
"sama naman ng balak mong gawin sa akin...pero sana nga lang eh puset na nga ako."

"At bakit?"      

"Kahit pa madilim ang tinta ko, ako naman ang magbibigay liwanag sa puso't isipan mo."

Sarap pakinggan, ah. Pero ayaw niyang isatinig  iyon. "ewan ko sa'yo." halos singaw lang na nagdaan iyon sa kanyang mga labi.

       
" may sinabi ka?"     

"Gwapo mo, sabi ko."

"Correct ka dyan gwapo ako maganda ka bagay tayo. Siguro ang gaganda ng magiging mga anak natin."

     

Itinaas niya ang kanang kamay na may hawak ng tinidor. Iniamba niya sa binata." gusto mong tusukin kita nito?"

      

"Relax." itinaas nito ang dalawang kamay. "to naman highblood agad. biro lang eh ang gusto ko talagang sabihin eh bagay tayong maging magkapatid. ikaw ang ate ko, bunso ako."

"Hoy! mas matanda ka sa akin."

     
"Halata ba?"

     
"Sobra!" singhal niya.

      

"Grabe ka naman hindi pa naman ako kalbo ah.Sige na nga magkaIBIGAN na lang tayo." nakakalokong ngumiti ito.

     
 "Kapag hindi ka pa tumigil, lalagyan ko ng lason tong kakainin mo!" banta niya.

       
tinikom naman agad ni arnold ang bibig.

     

Nangingiti si aling mareng sa naririnig na pag-uusap ng dalawa. may pakiwari siyang kayang palambutin ni arnold ang matigas na puso ng kanyang anak.

       
Pagkatapos magpasalamat sa biyaya ng diyos, kumain na ang tatlo.

       
"Sarap mo palang magluto ng tinola. "si arnold.

     
 "Nang-aasar ka ba? tinola? eh pinakbet ang niluto ko." paninita ni lynneth sa lalaki.

     
"Joke lang. galit ka na agad. masarap talaga itong niluto mo, promise. Gusto na tuloy kitang pakasalan dahil suwerte ako sa 'yo. Di po nay?" baling n ito sa nangingiting matanda.

       

"Oo naman." pagsang-ayon ni aling mareng.

       
"Nay naman!huwag nga ninyong sang-ayunan ang sinasabi ng lalaking 'yan." reklamo niya sa ina.

       
"Bawal ang mag-away kapag kumakain." saway ni aling mareng.



Ang Gwapo at Pangit kong SuitorMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon