Crazier. (one shot)

73K 1.4K 584
                                    

kapag ang simpleng bangayan ay naging daily routin na, posible pa kayang ma amin mo sa taong gustong gusto mo na mahal mo sya? o kaya naman maging complicated lang ang lahat at maging isang malaking chorvalu ang iyong pag amin. Hindi kaya e masiraan ka ng ulo just cant help thinking about that person at maging mas baliw ka pa sa baliw kung sya ay ang iyong kinababaliwan. Maari mo nabang tawagin ang iyong sarili ng crazy o kaya naman CRAZIER..?

***

Monday ngayon at may pasok nanaman.

Nakatira sa isang subdivion na malapit lng sa school nila si Aileeyah Madison Chua. Pronounce as Ayli Yah. Call her Ailee-- "HOY CHUA!"

Kasasabi lng na Ailee ang itawag e (-___-a)

Hawak ni Ailee ang strap ng kanyang bag na nakasabit sa mag kabilaan niyang balikat. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya dito ng mabosesan ang walng hiyang hinayupak na tumawag sa kanya mula sa kanyang likuran. Hinarap niya ito ng nakakunot ang noo at may pagka irita sa emosyon ng kanyang mukha.

"Ano nanam bang problema mo Lopez?! Ang aga aga sinisira mo na agad ang araw ko!" Inirapan ito ni Ailee at tsaka tinalikuran at nagpatuloy sa kanyang paglalakad.

Let me introduce Ashley Lopez. 16 years old. 4th year highschool student. LALAKI. at naniniwala sya sa kasabihang "Don't judge my name because it's girly. Test me if you want me to prove you how manly I am." May kasamang wink ;)

**

Binilisan naman ni Ley. (Btw, just call him Ley if you dont want to die now) So ayun nga, binilisan ni Ley ang kanyang paglalakad para sabayan sa paglalakad si Ailee.

Nasa iisang subdivion lang sila naka tira. Hindi sila naging mag kapitbahay dahil mag katapat ang kanilang bahay. Nasa iisang school din sila nag aaral at kung pareho talaga silang pinagpala, nasa iisang classroom lang din sila pumapasok. Kahit papaano nagpapasalamat pa rin si Ailee at hindi nya naging seatmate itong si Ley yun nga lng kung naging swerte siya dahil hindi nya ito naging seatmate, minalas pa din sya dahil sa likuran nya lamang ang assign seat nito.

"Good morning din sayo Chua!" Bati nito kay Ailee habang naka talikod itong naglalakad sa daan habang nakapamulsa. kaya naman nakaharap sya kay Ailee ng batiin nya ito at nakangiti ng malawak.

Alam naman ni Ley ang pagiging mataray ni Ailee kaya naman sanay na ito. Tulad nalamang kanina ng tawagin nya ito. Nakasimangot na agad at sinungitan pa sya. Para naman mabawasan ang init ng ulo nito ay binati nya na lng ito kahit alam nyang hindi sya nito binati.

"Yuck! Wag ka nang ngingiti ngiti dyan! Ampanget mo kaya! at tsaka pwede ba? wag mo nga akong sundan!" Makita lng ni Ailee ang gwapong mukha ni Ley e nag iinit na ang ulo nya. kasi naman sa tagal nilang magkakilala at mag katapat bahay palagi lang siya nitong inaasar.

Makulit at mapangasar kasi si Ley. Masayahin din ito at palaging nakangiti. Gwapo at matalino kaya naman maraming kababaihan at isali na rin natin ang mga feeling babae ng humahanga sa kanya.

Hindi ininda ni Ley ang sinabi sa kanya ni Ailee dahil alam ng iba at ng sarili nya na bagay sa kanya ang pagngiti at lalong hindi totoong panget sya kaya naman mas lalo pang lumawak ang kanyang ngiti at sinabing. "Bakit naman kita susundan? Anong sa tingin mo? Stalker mo ko? Ahaha. Hindi ba ito ang daan papuntang school? :P"

Napairap nalng si Ailee. Medyo nakaramdam siya ng pagka-pahiya.

*Bat ko ba kasi iniisip na sinusundan nya ako?! Ang tanga ko! Pahiya tuloy ako! >__<*

Nagpatuloy sa paglalakad si Ailee.

"Hoy Chua! wait lang naman. Sabay na tayo. Uy!" Hinabol ni Ley sa paglalakad si Ailee dahil ang bilis nitong maglakad.

Crazier [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon