My Love Chance. KATORSE. part 05

1.4K 12 0
                                    

Nahuli kasi kitang nagbabasa. Aba'y bongga ka GF. Hahahaha!

Part 5.

Francheska’s POV

Mama: Cheska ano na naman tong ginawa mo?!

Cheska: Ma! Wala naman kasi kaming ginagawa!

Mama: Anong wala?! Eh sabi ng mga kapitbahay, kulang nalang magla*la*an kayo sa daan!

Cheska: Eh bat kasi kayo naniniwala?! Alam niyo namang mga chismoso mga kapitbahay natin eh!

Papa: Wag ka nang sumagot! Papuntahin mo siya dito!

Sht. :/ Mukhang masisira pa ang Pasko namin dahil sa mga chismoso naming kapitbahay. Pano ba naman! nagsumbong kina Papa na may dinadala akong lalaki dito tapos kung anoanong kababalaghan ang ginagawa namin! Grabe lang! >_<

Cheska: Francis.

Francis: O napatawag ka? Miss mo na ko noh? HAHAH!

Ang kapal talaga ng pagmumuka nito eh. Kung di lang ako badtrip sinakyan ko na joke niya eh.

Cheska: Pinapapunta ka ni Papa dito.

Francis: Ha-a?

Kinabahan ako. Baka kasi hindi siya pumayag eh.

Cheska: Gusto ka makilala ni Papa.

Francis: Nga-ngayon na?

Cheska: Oo. Pumunta ka na dito, please?

Naiiyak na ko. Tengene naman kasi eh. Baka pagbreak-in kami eh. Ayoko. :"(

Francis: Umiiyak ka ba? Wag ka na umiyak. :( Pupunta na ako jan, antayin mo ko.

Cheska: Bilisan mo. :(

Francis: Sige bye. Love you. :*

Loko talaga un. Nagawa pang mag-iloveyou sa mga ganitong pangyayari!

Pumasok muna ako sa kwarto ko. Umupo ako sa kama ko.

Cheska, breath in, breath out. Kaya niyo yan!

Francheska Jean Angeles nga pala ang pangalan ko. 17 years old. Taken for six months. Katulad nga ng alam niyo, ex boyfriend ko siya na naging boyfriend ko ulit. Mahal ko eh. Magagawa ko ba? pero ang point kasi, bawal pa ako eh. Ewan ko ba kung bakit!

After 30 minutes, pumasok sa kwarto ko si Cass, little sister.

Cass: Ate, labas ka daw sabi ni papa.

Ay eto na. Nagtext na rin kasi si Francis na nasa labas na siya. :| Jusko naman. Goodluck!

Nung lumabas ako nakaupos si papa at mama na nakaharap kay Francis. Umupo ako sa inuupan ni Francis na sofa. Pero magkalayo kami.

Magsasalita sana ako pero nauna si papa.

Papa: Sino ka?

Francis: F-francis Samson po. :|

Papa: San ka nagaaral? Anong year mo na?

Francis: Engineer po sa Adamson.

Papa: Mahal mo ba ang anak ko?!

Shemay. Ang tension dito sa bahay 200%!!!!

Francis: OPO!

Napalakas pa ang pagsagot niya. Jusko. Tiningnan ko sa Papa, kalmado pero halata mong masama ang aura niya. Si mama naman, parang wala lang. Kanina galit na galit pero ngayon kalmado na.

Papa: kung ganon, pinapayagan ko na kayo ni Cheska.

Cheska: PO?!

Papa: Pumapayag na akong magkaboyfriend ka.

Cheska: O_________O Di nga pa?! Seryoso?!

Papa: Aba, bakit ayaw mo?!

Lumapit sa akin si Francis. Tapos ngumiti.

Cheksa: Shempre gusto! ^______________________^

Tumayo ako at lumapit kay papa. Niyakap ko. Shet. Kinabahan kabahan pa ko dun! Napatingin ako kay Mama, ngumiti sa akin. Ayyy may ginawa tong si mama eh.

After ng paguusap na yun, dun na din pinakain nina Papa si Francis bago umuwi. At pagdating ng 9 ng gabi kinailangan na niyang umuwi. :( :))

Cheska: Ingat ka ha?

Francis: Opo. ^_________^

Cheska: O eh bat ganyan ka makatawa?

Francis: Masaya lang ako kasi legal na tayo. Sa wakas! ^__________^

Cheska: oo nga eh. Kaya pala pumayag si papa kasi sinabi ni mama na kilala ka na niya matagal na. :)

Francis: Lakas ko naman kay Mommy!

Cheska: Mommy mo mukha mo! Hahaha

Francis: Sige na po, uwi na ko. Bye. I love you. :*

Hinalikan niya ako tapos niyakap.

Cheska: I love you too. Ingat. :*

Francis: Advance merry christmas!

At tuluyan na siyang umalis.

Merry christmas talaga to, para sa akin. ♥♥♥

My Love Chance || COMPLETEWhere stories live. Discover now