"Mas mabuti pa siguro kung puntahan natin yung hospital na sinabi sa news" Sasha said, trying to calm me down.


"NO! BAKIT TAYO PUPUNTA DON? HINDI NAMAN NAAKSIDENTE ANG ASAWA KO HA! HINDI SIYA NASAKTAN! NAGPROMISE NA SIYA SAKIN! Sabi niya hindi niya ko iiwan! May isang salita yun..."


Napaupo na ko sa sahig at tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mukha ko.


Kinakabahan na talaga ako.


Naalala ko yung sinabi ng manghuhula sa amin noon.

Lumayo daw si Nate sa baril....

And then now...


"Alexandra Villanueva! Listen to me! I know you're shocked right now but please, you have to face the reality. If he's not answering his phone, then maybe something really did came up. Hindi mo malalaman yun kung iiyak ka lang dito"


Hinila niya ko patayo at inabutan ng jacket.

Kinuha niya rin yung bag ko sa gilid at inalalayan na ko maglakad pababa.


Pinunasan ko agad yung mga luha sa mukha ko nung makita ko yung triplets.

I kissed their cheeks before telling Gab to call me kapag nagkaproblema dito sa bahay.

She told me not to worry about them.


Papalabas na ko ng bahay ng magiyakan yung mga anak ko.

Nagmadali na lang ako pumunta sa kotse ni Sasha para hindi na sila magwala.

Katulad ni Nate, tuwing umaalis kasi ako sa bahay ay umiiyak sila.


"Hindi na ba talaga kayo lalayuan ng mga problema?"


I didn't answer her. Kahit ako ay yan din ang tanong ko.


Bakit palagi na lang may gustong paglayuin kami ni Nathan?

Bakit ang daming sagabal sa pagmamahalan namin?


On our way to the hospital, wala akong ibang ginawa kundi magdasal ng magdasal.


Please don't take him away from me.


Nagulat ako ng nagpreno si Sasha. Dun ko lang napansin na ang dami palang mga reporters at media sa harapan ng hospital.


Ang ibig sabihin lang niyan ay totoo nga....andito talaga si Nathan.


"Sis, don't worry. Sa parking lot sa baba ako didiretso. Wala naman makakapansin sayo dahil kotse ko ang ginamit natin" Sasha informed me.


She played it cool. Nagdrive lang siya hanggang sa malagpasan namin yung mga reporters. Tinted naman yung kotse niya kaya hindi nila nalaman na andito ako sa loob.

Nung nakapagpark na siya sa baba ay tumakbo agad ako papunta sa elevator. Nung nakarating na kami sa ground floor ay lumapit agad ako sa information desk.

Stuck with my Forever (Stuck Series Book 4)Where stories live. Discover now