Ilang Hakbang pa (Para sa Titser, May I Go Out?)

5 0 0
                                    

Mga panahong dala mo lang ay iyong sarili, 

Matanong ko nga ilan ang units mo p're?

Tara't sa karienderya ni Aling Bebang tumambay,

Hithit ng yosi, halina't kumampay.


'Tol pasensya na at may part time pa ako,

Pambayad sa simestre akin pang ginagapang,

Sir pasensya na po't nahimbing sa pagkakatulog,

Ipasa niyo na kahit tres lang, ako'y nagsusumamo.


Ang kolehiyo sa nakararami ay ang huling yugto,

Bago tuluyang sumabak sa tunay na karera ng mundo, 

Narito lahat ng masasaya ngunit masasamang impluwensya,

Nasa sa iyo kung ikaw ay magpapadala. 


Kaya naman 'wag mong isuko, ang thesis ay galingan,

Sa pagkakaroon ng pagkakataon, ikaw ay mapalad,

Depensahan mo ang iyong diplomang pangarap,

Ilang hakbang pa, ito rin ay mapapasakamay. 



That Zombie Feeling - A Collection of Poems of an Undiscovered Kikay PoetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon