Chapter One

37 3 2
                                        

~Alexis~

Alam niyo ba yung feeling na naghihintay ka sa tamang guy? Ganyan ako. Ayoko kasing marami akong makaka relasyon na lalaki bago ko siya makita. Baka naman kasi isipin akong malandi. Maygads, pang high school lang mga ganun! College nako tas ngayon pako magiging malandi? Ayoko nga! Oo, aaminin ko. . .NBSB ako. Bakit ba, patient ako eh.

"Huy Alex! Lutang ka na naman." Sabi sakin ni Melanie.

Si Melanie Santos ang aking bestfriend simula nung bata pa ako. Lagi ko yang kasama sa kalokohan ko.

"Ay, sorry naman!" Sabi ko sa kanya.

"Siguro naman alam mong may exchange gift. Sige lang, tumulala ka! Baka mamaya ako kukuha nung regalo mo." Sabi niya habang nakatingin sa tumpok ng regalo sa gitna ng kwarto.

Ngayon ang Christmas Party namin. Pagkatapos neto, lam na dis. . . Christmas Break!! Hindi ko nga alam kung sino nakabunot sakin pero kung sino man yun, sana makuha ko gusto kong regalo. Katulad ng usual na exchange gift, kailangan mo idescribe kung sino nabunot mo. Ang nabunot ko ay si Jacob.

Yieee! Destiny na to! Si Jacob ay ang hearthrob sa aming campus at siya ang crush ko. Gusto ko siya ang The One ko! Since ayaw kong magmukhang tanga, hindi ko nalang siya idedescribe na crush ko. Sino kaya nabunot niya? Ako? Ako sana!!

"Melanini. . .sino nabunot mo?" Bulong ko sa kay Melanie. Yun ang tawag ko sa kanya.

"Si Kristine. . ." sabi niya sakin.

Si Kristine Castro ay isa sa aming kaibigan at malamang, kaklase. Hay nako, ganda nung bruhang yun. . . mana sa bestie! Ako yun! Joke! Mas maganda yun sakin saka daming manliligaw nun. Ang daming nagbibigay sa kanya ng mga chocolates. Since hindi naman siya palakain ng chocolates, ako o kaya naman si Melanie kakain nun. Saya ko na nun!

"Naks, si beautiful nakuha." Sabi ko sa kanya na habang sinisiko ko siya na mapaglaro.

"Choss, kinikilig ka lang kasi si Jacob nabunot mo eh!" Pang-aasar ni Melanie.

"Eehhhh!" Pagpapabebe ko. "Ingay ingay mo eehhh!"

"Enjoy mo naman eh!"

"Shushhh!" Sabi ko.

Si Melanie ay tumahimik at binalik namin ang atensyon namin sa mga regalo.

Grabe! Ang dami! Parang sarap magpapicture tas sabihing akin yan lahat!

"Students! Mag exchange gift na tayo!" Anunsyo ng aming adviser na si Bb. Maricruz.

"Yes! Sa wakas!"

"Ano kaya regalo ko? Kaka-excite!!"

Yun halos narinig ko sa mga classmates ko.

Tinawag ni Ma'am yung isang student tapos sunod sunod nilang dinescribe ang mga nabunot nila. Natawag na si Melanie pero wala parin sakin. Sino ba talaga nakabunot sakin?

Tapos, bumalik na naman sa isa kong classmate yung tawag. Ako na tuloy tinawag.

Tumayo ako at pumunta sa gitna para kunin regalo ko. Shemayy!! Nerbyos ako!

"U-umm. . . siya po ang. . . H-hearthrob ng Campus!" Sabi ko ng pautal-utal.

"Jacob!" Sigaw ng mga kaklase ko.

Si Jacob ay lumapit sakin at kinuha ang regalo ko para sa kanya.

"Thanks Alex." Sabi nya sakin. "Merry Christmas!"

"T-thanks!" Sabi ko, pinipigilan kong mag blush.

Kinuha niya yung regalo niya sa gitna at sinabing, "Siya ay cute at ang nakabunot sakin."

Nakita Ko Si "The One" Sa SimbahanWhere stories live. Discover now