P_9

4 1 0
                                    

Isang malakas na hiyawan at palak pakan nang dumating kami sa premier night.. Hinawakan ni vince ang kamay ko... At pareho kaming naka ngiti sa lahat...

Sucessful ang premier night.. Maraming nag congrats saamin.. Masakit na paa ko kaya umupo muna ako sa isang tabi...

"Bat naman kasi ganyan ka taas nag heel mo...", sabi ni Vince sabay tabi saakin.

"Ito pinasuot saakin ano magagawa ko? ", sabi ko at menassage ang paa ko.. Nabigla ako nang biglang alisin ni Vince ang kamay ko at ang kamay niya ang nag massage sa paa ko..

"Hahahaha... Dahan dahan nakikiliti ako vince.. Hahah wag na ako na.. Hahahha", tumatawa ako dahil nakikiliti ako..

"Akala ko ba masakit? Bat ka tumatawa dyan?", supladong sabi ni vince.

"Kasi naman nakikiliti ako.. Pag ibang tao nahawak sa paa ko.. Teka wala nang mga fans ah bat mo ko kinakausap.."

"Girlfriend kita.. Diba...", sabi ni vince.sabay titig saakin kaya parang gusto ko ang mag.laho na parang bula.. Namumula ata ako sa titig nang kaaway.kong to.

"Yeah.. Pero pwedi namang mag enjoy ka doon.. Iwanan mo.na ako.. Ayaw kong ma bother kita.."

"Pag si frank lalapit sayo dimo pinag tatabuyan... Anong meron sa pinsan kong yun?", sabi ni Vince.

"Hindi naman sa pinag tatabuyan kita... Tapus na kasi ang pag Papanggap na bf kita unti nalang ang tao oh... Pwedi kang mag enjoy... Bakit na ang init nang ulo mo?...", naiiritang sabi ko.

"Gusto ko dito muna ako kaya hayaan mo nalang ako.. Akin na yang paa mo.. Dika marunong mag massage..", sabi ni Vince aangal pa sana ako pero hawak nya na ang paa ko . naka tingin siya dito habang menamassage nya.. Napa titig tuloy ako sakanya.. Nang biglang lumakas na naman ang tibok nang puso ko... Hindi ko maintindihan bakit lage ko tong nararamdaman pag nasa malapit si Vince...

"Ganito dapat oh....ganyan.... Okey na diba? Masakit pa ba?", tanung niya saakin nang bigla siyang tumingin saakin kaya nahuli niya akung naka titig sa kanya...

"Ooyyyy nakatitig ka saakin ah... Pinag nanasahan mo na naman ba ako sahara...", pang aasar na naman ni vince.. Kaya binayukan ko siya.

"You wish...."

"Maka batok ka naman ang sakit ah... Sabihin mo na kasing may pag tingin ka saakin.. Pag bibigyan naman kita ehh...", mayabang na ani vince.

"Ang yabang mo talaga lalaki ka...."

"Nag papahalata ka.kasi eh", naka naka smile na sabi nito.

"Iwan ko sayo.. Bahala ka.nga dyan...", lumipas ang mga araw na kapag magka sama kami ni Vince lage lang niya ako.inaasar... Kaya balik sa dati aso at pusa kami... Naka earphone/headphones nalang ang nga staff minsan dahil na iingayan na sa amin ni Vince... Kaya nang may 1 week break ako... WOW kay sarap nang buhay....

"Whattttaaaaaaa haaaapppppyyyy morning", nakapikit kong ani sabay inat nang katawan ko kakagising ko lang kasi... Dito ako sa condo ko ngayon.. Mag isa... Sarap pag peaceful ang umaga..

"Anong morning... 12 na kaya noon na...", nagulat ako nang may nag salita.. Napatingin ako sa tabi ko. Nang nakita ko si Vince...

"Wahhhhhhhhh waahhhh!!! What are you doin here!!!!!!", sigaw ko. At nag hanap nang kumoy para itakip sa katawan ko.. Naka pantulog lang kaya ako.manipis na tila at hindi ako naka bra...

"Bored sa bahay... Kaya dito nalang ako tatambay", sabi niya habang naka higa sa tabi ko.. Pumikit pa ito na parang natutulog.

"Hoy... Umalis ka ngayun din sa condo ko... Gusto ko nang tahimik na buhay for 1 week lang ibigay mo naman yun saakin..tsaka panu ka naka pasok dito."

"Diba nasaakin ang duplicate na susi nito kasi madalas ako.ang taga sundo sayo..."

"Kanina kapa dito?", mahinahon kong sabi habang naka takip sa katawan ko Ang kumot...

"2 hour na akong nandito... Wag kana mag takip nakita ko na rin naman yan kanina.. Tsaka wag ka.mag alala.. Di kita type...", sabi pa nito kaya pinag babato ko siya nang unan.

"Waahhhhhhh!! Maniac ta talaga!!!!", sigaw ko.

"Hindi ako maniac.. Wala akong ginawa sayo.. Kahit halos mag hubad kana dyan kanina...bat ba kasi ganyan yang pinag susuot mo para kang nasa porn na palabas...",

"I hate you... Lumabas ka muna at mag bibihis lang ako.."

"Mag bihis kana naka pikit naman ako eh...."
Sabi pa nito ulit.

"Ano ba Vince!!! Lumabas ka nang kwarto ko ngayun din..."

"Bakit ba makikita ko rin naman yan lahat pag kasal na tayo.", sabi nito.. Lumakas na namn tibok nang puso ko.

"Anong kasal yang pinag sasabi mo dyan.. Hindi na aabot yung pag papanggap natin sa kasalan."

"Pwedi naman totohanin eh...."

"Lumabas kana ano ba!!!!!"

"Okey fine...", sabi nito at lumabas na.. Inilock ko agad ang pinto at nag bihis na nang malaking tshirt at maong na short... Saka lumabas

"Ano yang suot mo!???"

"Hala di mo alam ano to kay laki mo na d mo alam..Tshirt to...", pang aasar ko din sakanya.

"Bakit na sayo yan? Tshirt ni frank yan ah... Lage ba kayung nag me make out dito?", galit na ani nito.

"Ang dumi naman yang kukuti mo... Binigay nya to nung galing syang ibang bansa.. Pareho kaming may ganito.. Kaya wag kung ano ano iniisip mo dyan...palibhasa gawain mo yan..", inirapan ko siya at nag punta sa kusina.. Para mag luto nang brunch (breakfast and lunch).

"Wow.. So parang couple shirt.. Bat wala tayung ganyan? Pagawa tau..", sabi nito.

"Para ipaalala ko sayo hndi tau mag jowa..at hindi to couple shirt.. Souvenir to..."

"Lubus lubusin na natin ang pagpapanggap... Sandali ah.. Babalik ako", sabi nito tapus nag mamadaling umalis...

"Hala ka sya.. Nabaliw na ata yung vince na yun.. Maka luto na nga..."
Pagka tapus kong mag luto ay naligo na ako... Pupunta ako kila mama dadalhin ko tong niluluto ko na damihan ko eh... Nag bihis na ako nang damit at pinatuyo na ang buhok ko nang may pumasok sa pinto.. Alam ko na kung sino.. Si vince lang naman ang basta basta pumasok dito nag walang katok o kaya door bell.. Ganyan siya ka feeling close....

"Ano yang dala mo?"

"Paper bag..kai laki laki mo na di mo alam tawag dito.. Tsk tsk...", gumanti ang halimaw...

"Whatever...umuwi kana at aalis ako..pupuntahan ko sila mama at papa... "

"Edi ma buti gusto ko din pumunta kina mama at papa eh... Suot mo na to..", sabi nya sabay hagis nang tshirt sa mukha ko..oo sa mukha ko talaga ganyan siya ka bastos...

"Maka tawag ka nang mama at papa sa parents ko ah..feel na feel mo ah... Wag dibdibin nakakamatay yan...", sabi ko..

"Wag na maraming satsat suotin muna yan.."

"Okey fine...", sabi ko at pumasok na sa kwarto... Nang pagka tapus kongbmag bihis lumabas ako nang kwarto ang laki nang ngiti nang hinayupak... White couple shirt lang naman suot namin... I just rolled my eyes... At ngayun sakay na kami sa kotse nya... Pupunta na kami sa parents ko..


Im your ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon