Tatlong Araw

23 0 0
                                    

24 Aug, 2008

Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako makakapagsulat hangga't nandito pa ako sa Hong Kong, pero dahil sa nangyari anim na araw na ang nakakalipas, napagdesisyunan ko na kailangan ko 'tong isulat habang sariwa pa sa aking memorya. Isusulat ko to dahil ayokong makalimutan ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Nangyari ito sa maikling panahon, tatlong araw, tatlong masasayang araw na sa tingin ko ay tatatak ng malalim sa pagkatao ko. Kung tutuusin napakaikli ng tatlong araw pero sa totoo lang ay wala naman 'yon sa haba ng panahon, ngunit nasa esensya rin, kung paano ginamit ang mga tatlumpu't anim na oras. Hindi ko na pahahabain pa ang introduksyon, bale ang punch line na lang dito ay ang natutunan ko na "Ang tunay na kasiyahan ay ang pagkakaroon ng lakas ng loob para gawin ang mga bagay na gusto mo." Madali mangarap pero 'di madaling gumawa ng hakbang lalo na kung walang taong naniniwala sayo. Masuwerte lang talaga siguro ako. Binayayaan niya ako ng taong magiging kahati ko sa pangarap na iyon. Tawagin na lang natin siya sa mga katagang "Soulmate" o "SM". Oo na, jejemon at cheesy na. Pero walang kyeme ang sulatin na ito, pakiusap huwag mo 'kong husgahan.

Isa ako sa mga naunang lumabas ng eroplano. Lulan ako ng Cebu Pacific, flight 5J 143. Buti na lang malapit lang ako sa pintuan, wala pa akong bagahe kaya dire-diretso lang ako sa immigration at pagkatapos ay sa customs. Wala na masyadong tao dahil madaling araw na ako dumating. Bawat hakbang ko, sinasabayan din ng tibok ng puso ko. Mabilis akong maglakad kaya talagang kinakabahan ako. Mixed emotions nga eh. As in! Alam mo, ngayon ko lang talaga napaglaban to the highest level ang gusto kong mangyari, ang gusto kong maging direksyon ng buhay ko. Ako na kasi ngayon ang tipo ng tao na gagawa at gagawa ng paraan mangyari lang ang mga pangarap ko. Simple lang naman siya nung una eh. Makapagtapos ng pagaaral, mag-ipon tapos magpakasal sa taong mahal ko. Kaso sa hindi iniiwasang sirkumstansya, nagbago ang sitwasyon at pinapunta ako ng dito sa Hong Kong para magtrabaho. Nabaon kami sa utang at bilang panganay, responsibilidad ko ang magsakripisyo para sa aking mga magulang at mga kapatid. Actually, okay lang naman 'yon sa akin eh, kung saan ako mas makakatulong at magiging masaya. Pero kasi dumating yung panahon na naramdaman ko na parang ayaw nila akong sumaya. Well, at least that's what I felt. Sinabi ko naman sa kanila ng maayos na gusto kong magpakasal. Ewan ko, nagalit sila eh. Bata pa raw ako.

Balik tayo sa kasalukuyang panahon. Kinakabahan ako. Nandito na kaya si Soulmate? Ano na hitsura ko? Paano kapag walang sumundo sa akin? Ano na kaya ang hitsura niya? Alam kong di ko kontrolado ang mundo, pero nandito ako ngayon, handang sumulong.

Hanggang sa di kalayuan, nakakita ako ng pamilyar na mukha. Naka berdeng polo shirt at asul na pantalon. Si Soulmate... ahhhhh, walang salitang lumabas sa bibig ko. Kahit ngayon, naaalala ko ang pakiramdam. Mas matangkad pa rin siya, medyo nagkaroon ng laman at syempre mas gwapo (ever!). Pero may mga bakas pa rin na nagsasabing ilang araw din siyang puyat at ilang taong malungkot. "Che" o "Baby" Di na ako sure sa itinawag niya sa akin, niyakap niya na lang ako at hinagkan sa kaliwang pisngi. I kissed and hugged him back. Noong una, nagkailangan muna kami. Well, five minutes lang naman tumagal ang pagkailang. Hindi kasi ako makapaniwala na nandoon na nga ako at nakaakbay siya sa akin. At last, I feel totally secured, isang pakiramdam na tila walang puwedeng manakit sa'yo.

Pagkalabas ng airport ay hinanap naming yung inarkilahan niyang sasakyan. Kinatok niya yung driver na nakatulog na at agad naman binuksan ang pinto. Nang nakaupo na kami sa van, tinanggal ko na ang ilang ko at saka ko siya niyakap at inulan ng maraming halik sa pisngi. Hanggang sa di na niya mapigilan. We kissed... sa may lips. It has been so long since I have kissed his soft lips. Hindi ko nga inaasahan na magiging ganito ang lahat. Well, 'di ko naman akalaing after four months ay uuwi ako at mahahalikan ko uli siya. Akala ko kasi after two years pa. Thank God! At tulad nga ng nai-imagine namin, solo namin ang sasakyan at kung di lang dahil sa driver ay baka napunta na kami sa susunod na level ng paglalandian. Na-miss ko ang maraming bagay sa kanyang pagkatao, yung pilikmata niya, yung kilay, ilong, leeg, buhok niya sa dibdib, lahat hinawakan at dinama kong muli. Namamalat nga yung kamay niya eh dahil nung isang linggo, naglasing siya. Baliw kasi, hmp!

Di namin akalain na nakarating na pala kami sa bahay nila sa Molino. Walang nagbago bukod sa banderitas dahil umaga na nga naman. Binayaran ni SM si Kuya Danny, the driver, "Bukas po balik na lang kayo, siguro kahit mga 10:00"

"10:00? O sige." sagot naman ni Kuya Danny.

Tahimik ang buong kabahayan nang pumasok kami. Natutulog na ang kapatid niyang si Rainbow sa sala habang naiwang nakabukas ang tv na nasa Disney channel. Dumiretso ako sa kwarto niya at well, nagulat ako sa mga pagbabago. May bagong bed sheet at punda na siya. Parang ang sarap humiga. Dati rati noong estduyante pa lang ako, ang kamang ito ang madalas naming tambayan, hindi nga namin alintana noon ang nanglilimahid at butas niyang kumot. Nilapag ko yung bag at umupo sa kama. Nasa cabinet niya pa rin yung mga larawan namin at nandoon din yung mga sulat na binigay ko sa kanya dati. Yung 360 letters na babasahin niya pagkagising niya sa umaga. "Love, may towel ka ba? Magsho-shower muna ako."

"Oo, wait hanapin ko. Wala sa labahan eh." Maya-maya lang inabot niya sa akin ang tuwalya. "Pasensya ka na diyan ha." At bago pa ako pumasok sa CR, he kissed me at niloko na sisilipan pa ako. May butas kasi yung pintuan. Grrr!

Looking at the mirror, I have realized medyo nagbago na pala ang hitsura ko. Medyo humaba ang dati kong pinagupitan na buhok at medyo pumuti na rin ako. Napangiti ako sa sarili ko sabay sinabing, "Carrie, ang galing mo talaga!" (Ayun, naligo na nag ako).

Pagkalabas ko ng banyo, pinakita ni SM sa akin yung gift niya na nasa Winnie the Pooh na paper bag. Nandoon ang mga bagong libro na sinulat ng paborito kong manunulat na si Paulo Coelho, isang itim na diary, isang bookmark na may nakalagay na "The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams." -Eleanor Roosevelt, isang Philippine flag badge para daw di ko makalimutan na Pilipino ako kahit na nasa Hong Kong ako, memo pad at sticker na galing sa Papemelrotti. Nakakatuwa. Pinakita Aniya pa nga sa akin ang sang magazine na hindi niya karaniwang binabasa. Gosh! You know what magazine I am referring to? Yung Cosmopilitan - ang libog lang!

Matapos naming mag-ayos ng lahat lahat, he lay beside me and we started kissing...


ADVENTURES OF BLOGGER GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon