The Basketball Jerk

225K 4.4K 952
                                    

“What the!” O___O – ako na nakatitig sa mga basketball players na papasok sa gym.

“Di ba ang popogi nila?!” nagsitilian pa ang mga kaibigan ko.

Samantalang ako, gusto ng magtago nang makita ko ang isang pamilyar na mukha sa mga lalaking kararating. I actually had no idea na sila pala ang visiting team na makakalaban ng basketball team ng university namin. Wala naman kasi sa plano ko ang manood dito eh, napasama lang ako sa mga baliw kong kaibigan. If only I knew na makikita ko pala siya dito eh di sana umuwi na lang ako.

“Ayan na sila!!!” mas lumakas pa ang hiyawan habang papalapit ang mga ito sa side namin. Nasa may babang bleachers pa kasi kami na sakto namang likod lang ng bench ng team nila. “Ang pogi talaga ng team captain nila! at halos mabulunan ako nang marinig ko yun. Siya ang tinutukoy nila.

Ayokong makita niya ako dito kaya, “Guys, meet ko na lang kayo maya sa main gate---!”

“Nanay!” Pero too late dahil nakita na niya ako. “Nanay!” nilakasan pa niya.

Nakasimangot ko siyang hinarap. Ang lakas talaga ng loob niyang tawagin akong Nanay in public. Abot tenga naman ang ngiti niya habang nakakapit sa dividing rail ng bench nila at ng bleachers. At kinindatan pa talaga ako ng loko.

“Naks, nandito ka ba para i-cheer ako ‘nay?” nakangising tanong niya. Ang feeling niya talaga kahit kelan!

“Shatap!” tinapunan ko siya ng fries. “Pwede bang tumigil-tigil ka sa kaka-Nanay sa akin kadiri ka! Kung alam ko lang na kayo pala ang maglalaro ngayon eh di na sana ako nagpunta dito!”

“Weh?” mapang-asar pa talaga yung mukha niya. “Kunwari ka pa. Alam ko namang fan kita eh! at kinindatan niya muli ako.

“Mangarap ka buwakaw!” tinapunan ko ulit siya ng fries bago ako muling humarap sa mga kaibigan ko. And hell, they all look stupid with their mouths hanging open.

“Ang sama mo Louise! Bakit di mo sinabing kakilala mo pala yung team captain nila?”

“Ang daya mo! Pakilala mo kami!”

And then their blabbering mouths just didn’t stop kahit na nagsimula na yung game. They’re constantly saying ‘ang pogi niya talaga’ all over my face kaya nang di na ako nakatiis eh I excused myself and left.

Pero honestly, that was just a cover up.

Na kunwari lang akong hindi interesadong panoorin siya, pero ang totoo, natatakot ako.

Natatakot akong makita siyang nasa court kasi... kasi... parang nagiging iba siyang tao pag naglalaro eh. Mas nagiging poging-pogi at lalaking-lalaki siya sa paningin ko na nakakalimutan kong siya ang gagong dating bestfriend ko.

Na natatakot ako sa sarili kong baka gustuhin ko siya ulit. And there's no way I'm going to make the same mistake again. Not again...

The Basketball JerkWhere stories live. Discover now