Juno's Decision: The Rise of The Black Hand

Start bij het begin
                                    

"Mas malakas pa rin ang Black Hand," nakangisi pa niyang saad. Alam ko. Kaya nga kahit mali ay untouchable para sa Dark Chevalier ang Black Hand. Nagkaron na naman kasi ng pagkakasunduan ang Dark Chevalier at Black Hand na hindi sila kahit kelan magkakaron ng negosasyon dito.


Lumabas na ng gate ng eskwelahan si Ate Eunice kaya naman ay sinabihan ko si Demetrius na buksan na ang makina ng sasakyan. Sumakay si Eunice sa jeep at sinundan namin ito, bumaba siya sa isang kanto makalipas ang limampung minuto at pumasok sa isang eskinita. Bumaba kaming dalawa ng sasakyan at kalmadong sinundan siya.


"Want to have her right now?" Umiling si Demetrius.

"Hindi ako rapist." Tumawa pa ako dahil parang diring diri pa siya sa sinabi ko.


Umakyat sa ikatlong palapag ng tenament si Eunice at pumasok sa pang-limang kwarto sa kaliwang aisle, sumunod pa rin kami, mukhang wala namang pakielam ang mga taong nandito. Tanghaling tapat ay may nagsusugal at nag-iinuman. May mga lumalapit sa aking tao at ginugulo ako pero kaagad na pinulupot ni Demetrius ang kamay niya sa akin para protektahan ako.


Nasa dulo kami ng pasilyo at hinintay ang isang tao na dumating, nakatanaw ako sa baba ng tenament at hinintay ang isang pamilyar na sasakyan na dumating, at hindi nga ako nagkakamali. Dahil wala pang kalahating minuto ay dumating ang isang itim na vios at lumabas mula doon ang isang lalaking pormal na pormal ang suot.


"Like mother like daughter nga," saad ni Demetrius.

"Hindi rin. It's her choice, ginaya niya ang nanay niya."


I looked at my phone, may binuksan akong application at doon ay kitang kita ko ang loob ng bahay ni Eunice, moments later ay dumating na ang lalaki sa bahay niya. They were talking while sitting at a sofa tapos maya maya ay naghahalikan na sila and god knows what they'll do next.


I closed the application and dial a number, naka-set na mabago ang boses ko sa call na ito. Kaboses iyon ng isang batang babae. "Mrs. Santos, nakita ko po si Sir Louie na pumunta sa bahay ni Ma'am Eunice."


Iyon lang at tinapos ko na ang linya.


Lory Santos is the wife of the man who's kissing and is probably fucking my sister right now. In other words, kagaya ng Ina niya ay kabit din si Eunice. Matagal ko nang minamanmanan si Eunice pati si Louie, pinaghihinalaan na rin ng asawa ni Louie na may kabit siya at alam ko ay papunta na siya ngayon sa tinitirhan ni Eunice, at kung hindi siya maniwala sa call ko ay nagsend na rin ako ng video na kakukuha lang kanina kung saan naghahalikan ang asawa niya at si Eunice.


"The eagle has landed," tumatawang sabi ni Demetrius. Napatingin ako sa baba ng tenament at nandon si Mrs. Santos kasama ang dalawang pulis.


Nagkagulo ang tao at mabilis na niligpit ang pinagsusugalan nila, dire-diretsong umakyat naman sa ikatlong palapag sila Mrs. Santos at tinungo ang tinutuluyan ni Eunice. Pwersahang binuksan ng pulis ang kwarto at ilang saglit ay nakarinig kami ng pag-iyak at sigaw, lumabas si Mrs. Santos na kinakaladkad palabas si Eunice na nakahubo't hubad. I took a picture and posted it to their school website.


"Your sisters really hot. Too bad she's going to jail." Iyon lang at umalis na kami ni Demetrius.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu