"Take-off"

102 3 1
                                    

June 2013

Di ko talaga alam kung bakit sadyang mapaglaro ang tadhana eh. Ano nga ba yung sabi nila? Ah! Yes, yung parang gulong ang buhay, minsan nasa taas, pero minsan nasa baba. Heto na naman ako't nasa baba... Nasa baba ng isang building na hindi ko man lamang alam kung bababa ba ako ng kotse ko at aakyat pa ba ako para marinig ang mga sasabihin ng aking nobya, na pakiwari ko'y alam ko na ang mangyayari.

"Prince, kaya mo yan. Don't think negatively. Remember what Kim said? No negativities, ever!" Sambit ko sa sarili ko habang inuumpog ko ang ulo ko sa manibela ng sasakyan dahil sa inis. Ang nega ko. Sobra.

Di ko namalayan na awtomatiko kong tinanggal ang susi mula sa manibela at hinawakan ko ang pintuan. Ah, tama na nga. Bahala na si Batman, kahit alam kong sobra na kong makaasa kay Batman.

Nagmadali akong naghanap ng elevator paakyat, pero anak ng pitumpu’t pitong puting tupa, out of service lahat. I glanced my watch, 2:55. Shucks. Ang tagal ko palang nag-isip. 5 minutes left till the deadline. Malamang naiinis na yun at malapit nang tumayo. I took the stairs kahit alam kong magiging haggard ako pagrating ko sa restaurant. Halos hawiin ko ang mga nakakasalubong ko sa pagtakbo ko. At sa wakas, nakarating rin ako.

At nagpupunas ng pawis at naghahanap ng nawawalang babae, este ng girlfriend ko... at sana maging ganoon pa rin hanggang sa paglabas ko. I scanned the area, ngunit wala s'ya. Lintek, nakaalis na yata, hanggang sa nilapitan na ako ng isang tao, presumably a staff doon at tinanong kung may reservation daw ba ako. Tsaka ko lamang naalala na kailangan nga pala ng reservations dito. Sigh, ang nagagawa nga naman ng mga haggard no?  "Yes, I assume. Please do check if Maxine Hidalgo is on your list. The name's Prince Martinez".

Thank God for these staffs, kasi inalalayan nila ako papunta sa desk at siya na mismo ang nagtanong. Ngunit ang laking gulat ko ng sabihin nila na: "Maxine is on the list, though she's still not here. Would you mind waiting inside sir?" Nag-blanko ang utak ko for a second at bumaha ng madaming teorya. Hindi kaya sinetup lang nya to for fun? O sadyang pahiwatig na nga niya to na iiwan na lang nya ako sa ere?

"I'll just wait inside my car, though thanks for helping me, mister... " tinitigan kong mabuti ang name tag nya at nakita ang pangalan "...Kennedy". Naglakad na ko paparating sa hagdan, nang may tumatakbong babae akong nakasalubong at nalagpasan. Napatigil ako, dahil parang namukhaan ko yung maputing babaeng naka-dress. Lilingon na dapat ako nang may yumakap sa likod ko. Maxine.

"Sorry Prince, natraffic eh" Sambit nya, habang mahigpit nya akong niyayakap. Namiss ko to. Namiss ko ang mga yakap nya. Namiss ko siya, at dahil dito, dahan-dahang nawala ang negativity ko. "Bakit kasi di mo sinasagot yung tawag ko? Sasabihin ko sana kung pwede kang maghintay dahil ang traffic sa C5 eh."

Bigla akong natameme. Hinugot ko ang phone ko mula sa bulsa ko at napa-face palm nang makita ko ang 10 missed calls mula kay Maxine. "I... I'm so sorry... Ang tanga ko." Yun na lang ang nasabi ko.

"Hayaan mo na, atleast nandito na tayo. Tara?" Hinarap ko sya at sinalubong ako ng ngiting kayang magpatunaw ng kahit sino, ngunit kasama ang mga matang parang may tinatagong lihim. I kissed her cheek, at hinawakan ang kamay nya papasok.

Habang nakaupo ay bigla siyang tumitig sa akin, na para bang malalim ang iniisip. "Prince?" Tawag niya, habang sineserve samin ang soup. "Sorry for the sudden cool off ha? Sobrang gulo talaga ng isip ko kamakailan..."

At ako naman, nagpakadakila na naman sa pagsasabing: "I understand that you need space." Saglit akong nanahimik at humigop ng soup. "Pero can you please tell me what the hell is going on? Magkasama tayo sa kahit anong problema diba? I swear, di ko kaya ang nakikita kang sobrang problemado, Max-"

"I've been thinking about our relationship". Biglang singit nya. In an instant, all statement from my ex came to me. Ganyang ganyan ang sinabi sakin nya noon. Is this the end? Nanlabo na ang pandinig ko habang naglilitanya siya ng mga salitang di ko inaakalang sasambitin rin pala niya. “It’s not working, Prince. Let’s just… break up.”

“Please tell me that you’re joking.” Malamig kong sinabi sa kanya habang nakatitig sa kawalan. “I’m not”, she sharply answered back. “Please don’t do this Maxine…” nanginginig ko na lang na sinabi, pero ang tanging sagot ko lang na natanggap ay ang simpleng iling, at pagtalikod at pag-alis.

Departures and Arrivals (To Be Revised)Where stories live. Discover now