Chapter Thirteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumapit na ako papunta kay kuya.

Bigla namang may humawak sa bewang ko. "Ooops, dito ka sakin sasakay."

Iginiya ako ni Calvin sa sasakyan niya. Binuksan niya at sumakay na ako. Umikot siya ng mabilis at ilang segundo lang ay nakaupo na sa driver's seat.

Walang umiimik samin sa loob ng sasakyan. Nauuna naman ang kotse ni kuya.

Lumiko na ang sasakyan ni kuya dahil sa kaliwa ang papunta sa school nang magdire-diretso si Calvin.

"Where are we going?" I asked. Malalate na kami nito eh! Ngayon na nga lang ako pumasok tapos late pa.

Hindi niya ako pinansin. Cool na cool pa rin siyang nagdrive.

Lagi nalang ganito. Hanggang ganito lang ba. Palagi nalang ang nakakawawa. Emote din pag may time.

Huminto ang sasakyan. Lumabas na siya at pinagbuksan ako ng pinto.

Pagbaba ko.. "Coffee shop? Jusko naman Calvin hindi ka ba nagkape kanina?"

Ngumit lang siya at kinuha ang kamay ko. Pumasok na kami sa coffee shop.

Pinili namin yung table na nasa gilid. Umupo na kami parehas.

"Calvin! Ano bang ginagawa natin dito? Malalate na tayo-- no, late na tayo eh!" I cried. Ano bang trip niya..

"Relax. Nasabihan ko na ang teacher mo na malalate ka. They won't yell at you okay? If they did tell me. I'll sue them."

Kahit ayaw ko sa mga teachers at sa school ay ayaw ko paring makita silang walang buhay. Jusko...

May lumapit na waitress sa amin. She didn't bother to look at me she fixed her gaze at Calvin. What the.

"Your order sir?" She asked. May halong landi pa yung pagkakasabi niya. Ganito na ba talaga ang mga babae ngayon masyadong obvious.

"Two of your specialties." He seriously said. Walang halong landi. It's like telling her 'i'm not interested'. He didn't even look at the girl. Serves her right. Bleh.

Pagkaalis ng babae saka ako nagsalita. "Wow himala hindi ka nakipaglandian."

He smirked. "I don't want to. Magagalit ka na naman eh."

Ako magagalit? Parang sinabi na rin niya na magseselos ako!

"Ako? Hah! Pakialam ko sayo. Go on flirt with her like there's no tomorrow." I narrowed my eyes at him.

"See? Wala pa nga akong attempt na ginagawa nagagalit ka na." He grinned.

Aba! Ang bwisit ng loko!

"Eh hin--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang dumating yung order namin. Pasalamat ka Raven.

Tahimik lang kaming umiinom ng kape. God, ang sarap nito. It will make you forget your name.

As usual, ako ang nagbring up ng topic.

"Vampires are immortals right? So tell me, how really old are you?"

"Nineteen." He answered.

"Are. You. Sure?" Sa mga vampire stories na naririnig ko akala nila bata pa yung isang lalaki pero ang totoo ay gurang na siya. Yung mas matanda pa sa mga ancestors mo.

"Yes. Vampires will only start to age slowly after they turned eighteen." He sipped in his coffee.

"Is your mother a vampire too?" Isa rin iyon sa mga katanungang gusto kong masagot.

"Yeah but she's a turned. She's a human when she met my father but of course they're mates so my father turned her to a vampire."

"Mates? Ano yun?" Tanong ko. Ngayon ko lang iyon narinig eh. Wala talaga akong alam sa mga vampires.

My Mafia Prince Boyfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon