Chapter 5

3.6K 140 3
                                    

Lester's POV

Nagising ako ng magkatabi kami ni Nel. Madilim ang buong paligid. Si Nel tulog parin. Masakit sa ulo ang naamoy naming usok kanina.

Habang pilit kong inaaninag ang buong paligid ay biglang bumukas ang pinto. Isang tanlaw ng flashlight ang sumalubong saakin.

"Sino ka? Saan mo kami dinala?" Natatakot kong sabi. Naalala ko bigla. Asan sina jhanelle? Bakit kami lang ni nel ang magkasama?

"Bawal kayo dito." Sambit ng isang lalaki. Malaki ang pangangatawan nito at bigla akong itinayo.

"Saan mo ako dadalin? Anong bawal kami dito?" Ako lang ang kinuha niya. Si Nel, naiwan na natutulog parin.

"Boys not allowed here. Pag iniwan kita, sumigaw kalang ng sumigaw para may tumulong sayo." Sambit ng lalaking may dala saakin. Anong ibig niyang sabihin? Sino ang tutulong saakin? Bakit hindi pa kasi siya ang tumulong saakin. Bakit kailangan iwan pa niya ako?

"Kuya, maawa ka. Saan mo ako dadalin? Papatayin mo ba ako?" Natatakot na ako. Ang pakay namin ay magpakasaya ngayong bakasyon. Hindi yung ganitong mamatay ako sa kaba dahil hindi ko alam kung nasaan bang lupalop ako ng mundo ngayon.

Lakad lang kami ng lakad nitong lalaking may hawak saakin. Kinukutuban na ako. Natatakot ako, papatayin niya kaya ako?

"Kuya, maawa ka. Saan mo ba ako dadalin? Papatayin mo na ba ako? Please, pakawalan mo na ako." Nag iiyak na ako. Nanginginig na ang buo kong katawan sa sobrang takot na nararamdaman.

Hindi ako sinasagot ni kuya. Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad, hanggang sa huminto na kami sa isang malaking puno.

Nagulat ako ng bigla niya akong sikmuraan. Napaupo ako sa sahig. Habang namamalipit ako sa sakit ay itinali na niya ang paa ko sa puno.

"Maawa ka! Wag mo akong patayin." Halos parang may naghahabulang kabayo sa puso ko sa sobrang bilis ng tibok.

"Sumigaw kalang ng sumigaw! Para lumitaw siya." Sambit niya at iniwan na akong mag isa sa ilalim ng puno. Hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Kuya! Pakawalan mo ako dito. Maawa ka please!" Sigaw ko. Hindi na natigil ang pag iyak ko. Asan naba sina Jhanelle.

"Jhanelle, ada, bethy, jessa asan kayo? Tulungan nyo ako!!" Sigaw ko.

Sobrang dilim sa buong paligid. Gubat gubat at puro puno lang ang makikita mo. Sa tingin ko ay pasado ala una ng madaling araw.

Nilinga linga ko ang paligid. Ngayon ko lang napansin na puro buto ng tao ang nakahalang dito sa gilid ng punong ito.

Lalo na akong natakot. Nagtaasan ang mga balahibo ko.

Jusko, nasan ba ako? Ayoko ng ganito!

May biglang kumaluskos! Napatigil ako sa pag iyak. Ano yun?

"Ang ingay mo!" Lalo na akong natakot ng pagtingin ko sa gilid ko ay may nakalutang na babaeng nakaputi. Inaagnas ang mukha nito at talaga namang nakakatakot. Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa talambuhay ko.

Hindi ko na napigilan. Napasigaw na ako.

"Ahhhhhhhhhh!!"

Jaika (Available On Dreame)Where stories live. Discover now