Teaser

8.5K 339 31
                                    

This is a work of fiction. Names, Characters, events, places, etc. Are either products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or to actual events are pure coincidental.

Jaika By: LiaCollargaSiosa ©

PLAGIARISM IS A CRIME. PLEASE DO NOT COPY.

All Rights Reserved 2015

------------------

Lia's Note: Hello sa mga magaganda at mga gwapo kong Readers. Ito na naman po ang isa sa mga Horror na isusulat ko. Isa lang ang hiling ko. Sana po lagi kayong mag iiwan ng Comment at Votes nadin. Masaya na ako dun. At dont worry guys. Everyday may update ako dito. ENJOY!

--------

Teaser

"Nasan ako? Tanggalin nyo ang takip sa mata ko!" Sigaw niya. Hindi niya alam kung nasaan siya. Ang nararamdaman lang niya ay dinala siya sa isang damuhan.

"Ayan! Wala na ang takip sa mata mo. Goodluck sa makikita mo mamaya." Sambit nang isang lalaki na nagdala sa kanya sa ilalim ng malaking puno.

"Bakit nyo ginagawa saakin ito?" Nakasigaw na tanong niya.

"Lumabag ka sa mga rules ni Dr. Jamieson. Ang tigas ng ulo mo kasi. Sayang ka, maganda ka pa naman!"

"Halika ka na, pare. Malapit ng mag alas dos."

"Teka! Hoy anong mangyayari?" Tanong niya pero hindi na sumagot ang dalawang lalaki sa kanya.

Doon, tinubuan na ng takot ang babae. Tatakbo na sana siya, pero laking gulat niya na, nakatali pala ang paa niya sa puno.

"My god! Tulungan nyo ko!!!!" Pag sisigaw niya. Nagsimula ng pumatak ang mga luha niya na kanina pa gustong kumawala.

Maya-maya ay biglang lumakas ang hangin. Tila ba may bagyong paparating na pati ang mga puno sa kapaligiran ay mapuputol.

Halos madalim ang buong kapaligiran dahil eksakto alas dos na ng madaling araw.

"TULUNGAN NYO KO!!!!"
Hindi tumutigil sa pag sisigaw ang babae. Garalgal na ang boses niya dahil sa pag iiyak.

"Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay maingay." Napatigil sa pag sigaw at pag iyak ang babae ng makadinig siya ng isang salita na tila umi-echo na parang ang boses ay galing sa hukay.

Laking gulat nalang ng babae ng pag tingin niya sa harapan ay may isang babaeng nakaputi na walang ka ekspre-ekspresyon ang mukha. Inaagnas ang mukha nito at talaga namang nakakatakot.

"Ahhhh!" Napatili ang babae sa nakita niya.

"Ayoko sabi ng maingay!!!!"

Nagulat ang babae ng bigla biglang mahatak ang dila nito na kahit hindi manlang lumalapit o hinahawakan siya ng babaeng inaagnas.

Tumulo ang purong dugo sa bibig ng babae. Maya maya pa ay nagulat siya ng agad agad na napunta ang babaeng inaagnas sa harapan niya. Mabilis at walang ano-ano ay dinukot nito ang puso ng babae. Lumagaslas ang dugo sa pagkawala ng puso niya. At doon din tila lumuwa ang mata ng babae sa sakit ng naramdaman.

"Sabi ng ayaw ko sa maingay!"

Matapos magsalita ay sa pamamagitan ng pagtitig ay pinalutang niya ang babaeng nakaluwa ang dila at walang puso. Sa itaas ay binali niya ang kalahati ng katawan ng babae. Walang awa niya itong pinatay hanggang sa magkabali-bali ang buto nito.

-------

Lia's Note: Ano? Okay lang ba ang unang patikim? Comment kayo para mai update ko na ang Chapter 1.

Jaika (Available On Dreame)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें