*Totooot*

At binabaan na ko. Ang walang modo! Bahala siyang mamuti ang mata.

Alam niyang allergic ako sa mga lalaki tapos idadamay pa ko sa pagboboy hunting niya? Tsk.

Binasa ko yung text, galing sa unregistered number.

From: +639176543322

Good evening Pamela. Ian to. Save mo number ko ha.

Delete.

Binura ko agad. Istorbo sa buhay.

Nilayo ko na sakin ang phone ko at nagsimula ng magbasa.

*

"Pamela Reyes!" nagising ako sa malakas na sigaw.

Nakita ko ang nakabusangot na mukha ni Yanna.

Problema nito?

"Nakakainis ka talaga kahit kelan! Hmp! Bumangon ka na dyan!" sigaw ulit niya.

Tumingin ako sa orasan, 5:30 palang ng madaling araw.

"Seriously Yanna? Bakit ang aga aga mo mambulabog?"

Tanong ko sabay taklob ng unan sa mukha ko. Inaantok pa ko kaya matutulog ulit ako.

"Ugh! I hate you! I hate you talaga! I called you last night. Di ba sasamahan mo ko? Kaya bumangon ka na, remember the friendship goals!" sabi niya saka hinila ang unan na nakatakip sa mukha ko.

"Ayoko! Ikaw na lang! Matutulog pa ko"

"No way. Hindi ako papayag na hindi kita kasama!So, If i were you, babangon na ko, magtutoothbrush, maliligo at magbibihis na"

Nang hindi ko siya pinansin, hinila niya yung kamay ko at sapilitang bumangon.

"Kingina naman o!" Inis na sigaw ko.

Ayan ang hirap sa spoiled e, nasobrahan sa kulit, walang pakielam kung sinong idadamay basta makuha lang ang gusto. Tss.

At dahil nakatayo na ko, napilitan na kong pumasok sa banyo para gawin ang mga dapat gawin.

"Finally!" sigaw ni Yanna paglabas ko. "God! You're so tagal! Let's go baka hindi na natin maabutan ang lovelife ko!"hinila na niya ko palabas.

Anong lovelife ang pinagsasabi nito? Nababaliw na naman. Tsk.

Dire-diretso kami sa kotse ko at inabot niya sakin ang susi. Imba talaga, pag gusto maraming paraan.

"Kakain muna ko"

"Magdrive thru na lang tayo. We're in a hurry! Sakay ka na and drive!"

"Wow ha! Hiyang hiya ako sayo!"

"Tss, Pam, save it later! Let's go!"

Napailing na lang ako. Pasalamat ka Yanna, best friend kita.

"My god, we're really late!"  halos mag tatakbo na siya pababa ng kotse at ang bruha, iniwan pa ko. Tss.

Pinarada ko ng maayos ang kotse ko.
Pagbaba ko, may asungot na palang nakasandal sa kabilang kotse.

"Good morning!" sabi ni LWB na may hawak na boquet of flowers.

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan lang siya. Wala akong panahon sa kanya.

"Wait Pamela!" hinabol niya ko at sinabayan ako sa paglalakad. "For you"

"Allergic ako sa bulaklak" sabi ko habang tuluy tuloy pa rin sa paglalakad.

Nasaan na kaya ang bruhang si Yanna?

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon