Snow's POV
Andito ako sa Angel's .. maaga akong nagising kasi wala lang .. haha ..waitress ang peg ko ngayon dito .. haha ..
Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Jaslene at Nic na nasa reception area .. nagtatawanan ito..hmmmm..
"HOY!"
Napapitlag ako at nagbabagang tiningnan ko yung gumulat sakin ..
tss!
"Blake bakit ka ba nanggugulat?!" inis kong tanong sakanya
"Nakatulala ka kasi .. haha."
Inirapan ko lang sya at pumunta sa isang table na may bagong costumer ..Hindi ko alam kung ano naman ang trip nun sa buhay, pagkatapos ng ginawa nyang kahiya hiyang eksena kahapon.
"Good morning Sir .. ano pong order nyo?" me
Napataas ang kilay ko ng hinagod nya ako ng tingin mula sa mala dyosa kong mukha hanggang mala dyosa kong paa..XD
>_____<
typical male jerk! >.<
Hinayaan ko lang sya kahit sa totoo lang gusto ko na syang ibalibag palabas .. hindi naman ako pagagalitan ni mommy kung may masira ako dito eh ..
"Ikaw nalang pwede?"
"Ah Sir bawal po yan dito eh." magalang kong sabi
"Wala naman sigurong magagalit--"
Napasinghap ako ng naramdaman kong may umakbay sakin ..
"Back off dude.. she's mine." madiin na sabi ni Blake
ehhhh?! ang init!
hahaha
kinikilig ako...
ng konti .. bwahahaha
Mukhang nasindak naman yung lalaki kaya umalis nalang .. tss. hindi naman sya kawalan .. akala nya siguro may taga aliw dito ..
gross!
>____<
Nilingon ko si Blake na nakaakbay pa rin sakin .. tumatawa ito habang nakatingin dun sa labas .. sinundan ko yung tinitingnan nya .. natawa din ako ng makita ko yung lalaki kanina na pinatid ni Lexien .. kasama nya si kuya na masama ang tingin dun sa lalaki .. hahaha ..
Mas natawa ako lalo ng sinuntok ni Lexien sa mukha yung lalaki at may sinabi na kung anu ..kaya kumaripas ng takbo yung lalaki na namumutla .. haha ..
Pumasok sila kaya lumapit ako habang naka akbay parin si Blake ..
"Anyare dun?" me
Tumawa lang si Lexien samantalang si kuya naka angat ang sulok ng labi habang nakatingin sakin??
Inalis ko yung kamay ni Blake sa balikat ko at hinarap si Lexien na nakakaloko ang ngiti ..
>____<
"Why?" me
"Wala!" sabay nilang sabi at sabay alis sa harap namin ni Blake
O-okay???
-----
This is it! Pansit! Hahaa!
Andito kami ni Blake sa isang warehouse na pag aari ni Leo ..kararating lang namin dito actually ..
Tumingin ako kay Blake at tumango .. tumakbo kami sa magkabilang direksyon ..
sumilip ako sa isang butas na maliit ..may mga nag iinuman na limang lalaki .. dahan dahan akong pumasok sa pinto at nagtago sa isang gilid .. nilibot ko ang tingin ko at pasimpleng sumilip dun sa mga nag iinuman ..nahagip ng mata ko ang isang pinto ..
"Pare iihi lang ako saglit."
"oh sige, bilisan mo ah."
"sasama na ako."
Tumingin ulit ako dun sa mga nagiinuman .. tatlo nalang sila .. kinuha ko yung phone ko at nagtext pagkatapos ay binalik ko ulit sa pocket ko ..
may kinuha akong maliit na baril sa hita ko at binaril yung isang lalaki .. itong baril na to ay maliit lang ang bala .. kasing liit ng karayom .. hindi ka mamamatay dito .. depende rin kung lalagyan mo ng lason yung bala .. yung sakin pampatulog lang ..isang oras din ang itatagal ng pampatulog .. si mommy ang gumawa nito at si Tita Gail ..hindi rin maririnig ang putok nito, kasi parang may silencer din sya.
pagkatapos kong mapatulog yung tatlo ay tumakbo ako dun sa pintuan at sinipa ng malakas .. may mga babae dito ..siguro nasa sampo sila .. mga bata pa >__<
nagsiksikan sila ng makita ako ..
"shhhh..wag kayo matakot ..ilalabas ko kayo dito." me
Kinalagan ko yung mga babaeng nakatali .. yung iba hindi nakatali kaya madali akong natapos .. may narinig akong mga yabag kaya sinenyasan ko sila na manahimik .. dali dali akong pumunta sa likod ng pinto, saktong pagdating ko dun ay pumasok ang isang lalaki .. mabilis na hinila ko ito at pinilipit ang leeg ..
Sumilip ako sa labas pagkatapos ay sinenyasan ko yung mga babae na sumunod sakin .. tinutulungan pa nila yung iba kasi nanghihina na .. siguro dahil narin sa takot ..
Pumunta kami dun sa dinaanan ko kanina. Dun kasi ang shortcut eh.
"hoy! san kayo pupunta?!"
shit!
Nilingon ko yung mga lalaki at ngumiti ..
"Tatakas?" me
Napanganga sila sa sinabi ko .. bakit? ngayon lang nakakita ng maganda? ,hahaha ..
"Hindi kayo pwedeng tumakas!"
"Psh! edi hindi!." me
Nakita kong nanginig yung mga babae .. grabe siguro ang naranasan nila dito ..tsk!
Dumako ang tingin nung lalaki sa bewang ko na may baril kaya mabilis na naglabas sya ng baril at tinutok sakin ..
"Ibaba mo yang baril mo!"
Utos nya sakin .. hahaha .. tiningnan ko lang sya ng blangko..
"Pano kung ayoko?" me
Ngumisi yung lalaki ..
"Papatayin kita."
"Then do it." me
Napasinghap yung mga babae ..kung mapapatay mo ako .. napangisi ako ng kinasa nung lalaki yung baril at kinalabit ang gatilyo..
*BANG*
*BANG*
**
A/N:Okay alam kong bitin nanaman kayo. Hahaha! Sorry guys..don't worry isusunod ko agad ng next chapter. Please vote and comment..Hehe
YOU ARE READING
BAO 1:My Gangster Agent, Annoying Jerk!
ActionI'm Snow Angel Park. Daughter of Scarlette Angel Park and Tristan Jarred Park. I have a twin brother named Ice Jarred Park. I have this annnoying jerk childhood na simula pagkabata naiinis na ako sakanya. Lagi nya kasi akong iniis. He's always calli...
