Chapter 2

7 0 0
                                        

Cassandra's POV

Hindi talaga ako makapaniwala kung sino ang lalakeng kaharap namin ngayon ni Ashly. Ang sabi kasi ni Ashly sakin kanina ay naglalaro daw sila ng video games. Pero bakit siya nandito? At kasama nya 'tong babaeng mukhang halimaw? Wag mong sabihing....

O_o

GIRLFRIEND NYA TO?! O_____O

"HOY! LALAKE! BAKIT KA ANDITO HA?! AKALA KO BA NAGLALARO KAYO NG VIDEO GAMES?! TSAKA ASAN SYA?! ASAN SI SKY?! ANO? KASAMA MO RIN BA SIYA?! HA?!" Galit na sabi ni Ashly kay Kurt.

Oo. Si Kurt nga ang kaharap naming lalake. Ang ex ko -_-

Nakatitig lang siya sakin at di parin niya sinasagot ang mga tanong ni Ashly. Nastarstruck na naman to sa kagandahan ko. Hahaha

"HOY KURT ANDERSON! SAGUTIN MO ANG MGA TANONG KO! WAG MONG TITITIGAN ANG BESTFRIEND KO KASI DI NA SIYA MAPAPASAYO!" Sabi naman ni Ashly kaya napatawa ako.

"Bakit? May bago ka na ba? May Boyfriend ka na ba Cass?" Tanong naman sa akin ni Kurt na halong may gulat.

Sa way ng pagtatanong nya, makikita ko na parang nalungkot sya sa sinabi ni Ashly sa kanya. Or assuming lang talaga ako? Duh? Hahaha.

"Oo meron na. Bakit? Ikaw lang ba ang pweding magkaroon ng bago ulit? Syempre ako din no! Tsaka anong 'Cass'? Ano tayo? Close? Casscassin mo mukha mo sa pader!" Pagtataray kong sagpt sa kanya. Tsaka wala pa naman talaga akong bago e.

"Teka nga. What are you guys saying?! Baby? Ex mo ba tong babaeng to?!" Sabi nung babaeng mukhang halimaw kay Kurt havang tinuturo ako.

Nageexist pa pala siya? Akala ko nilamon na sya ng lupa sa tinatayuan nya e. Hahahaha.

"Oh bakit? Ano bang pakealam mo? Kasi mas MAGANDA pa ako sayo? Don't worry, ex is ex. Sayo na yan! Baby? Babytawan ka rin nyan." Sabi ko kay halimaw tapos diniinan ko talaga ang pagbigkas dun sa 'Maganda'. Totoo naman e. Mas maganda pa ako sa kanya. Charot! Hahahaha

"Patricia Baby, just get inside the car okay? I'll explain it to you later." Malambing na sabi ni Kurt dun sa halimaw. So Patricia pala ang pangngalan ng halimaw na yun?

Teka lang. Parang sumikip ang dibdib ko nung tinawag nyang 'Baby' yung halimaw na yun. Ang sweet pa ng pagkakasabi nya. Pero duh? Wala akong pake! Tsaka di ko na sya mahal no. Siguro lumalaki lang dibdib ko kaya feeling ko sumisikip sya. Hahahahaha!

"Una sa lahat Ash, hindi ko kasama si Sky. Nasa bahay nya sila naglalaro ng Video Games. Oo, naglalaro kami kanina dun pero nagpaalam ako sa kanya na aalis ako kasi kasama ko si Patricia. Tsaka Cass, sorry sa inasal ng Girlfriend ko ha? Pagpasensyahan mo nalang." Mahinahong sabi sa amin ni Kurt.

Aray naman. Bakit kailangan nyang sabihing 'Girlfriend ko'? Ang sakit ha. So nakamove-on na pala talaga sya sa akin no? Well, sya nga din naman pala ang nang-iwan sa akin. Hahaha. Ano ba 'tong mga sinasabi ko? Past is past Cassandra! Past is past!

"Mabuti naman. Akala ko naman gumaya na sayo e. Hahahaha." Sabi ni Ash sa kanya.

"At kailan ka pa natutong mag-sorry?" Sabi ko naman sa kanya.

Oo nga. Kailan pa natutong mag-sorry ang mokong na to? Isang himala! Hahaha

"Cass naman. May galit ka parin ba sa akin?" Sabi nya sa akin.

Oo. Meron pa! Actually ang laki pa nga e. Lampas sa outer space ang galit ko sayo! Manloloko ka! Mang-iiwan! Bwesit ka!

"Past is past. Kaya just get inside your car nalang okay? Jan ka na sa baby mo! Anakan mo para di na mawala sayo! Damihan nyo ha? Mga isang dosena para ninang ako!" Sabi ko sa kanya habang tumatawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TOTGA (The One That Got Away)Where stories live. Discover now