Chapter 1

269 6 2
                                    

Binitawan ni Rain ang aking kamay at sinalo iyon nang mainit na palad ng kanyang kapatid. "Storm Salvador." Aniya.
His eyes were twinkling. Pormal ang kanyang mukha ngunit tila sumasayaw ang kanyang mga mata. "Misha." Utas ko at halos walang boses na lumabas mula sa akin. I can't believe it! How could a man be gifted with such beautiful eyes?

Diretso ang titig nya sa akin. Dumampi ang kanyang labi sa likuran ng aking palad nang hindi inaalis ang titig ng malalim nyang mga mata. Halos mawala ako sa mga iyon, mabuti't kinurot ako ni Tiara sa beywang.

"Glad to meet you." Diretso kong sinabi at pasimpleng hinila ang aking kamay.

Goodness, Misha! What the hell was that? You were obviously ogling him! I mentally slapped myself.

Umiling sya. "The pleasure is all mine." Aniya at bahagyang umangat ang isang sulok ng kanyang labi.

Tipid akong ngumiti at binalingan ng tingin si Xander na nakangisi sa amin. Ganyan ba talaga kapag naikasal? Parang naging tatoo na iyong ngisi nya at hindi na matanggal! Kumunot ang noo ko sa kanya. What's his problem?

"Well, congratulations to the both you!" Bati ni Rain sa mag-asawa.

"Finally, bro. Finally!" Dagdag ni Storm at saka nakipagkamay kay Xander. Nagtawanan silang tatlo.

Bumaling ako kay Tiara nang maramdaman ang pagkawit ng kanyang kamay sa aking braso.

"Chicks, ano?" Bulong nya sa akin. Ngumisi ako at umiling. Well, yes. He's gorgeous and all. Eh ano? Ayoko sa mga ganyan. Delikado. Guys with looks like that love to flirt- only that. At pagkatapos kang makuha ay iiwan ka nalang na parang basura. Na parang wala lang. Pagkatapos kang paibigin ay iiwan kang wasak at luhaan.

Cruel.

Alam ko iyon dahil naranasan ko na din iyon. Ipinilig ko ang ulo ko. That was history, though. And I've learned from that.

Pinanood namin ni Tiara ang paglapit ni Xander. Maingat nyang hinila ang isang kamay ni Tiara at hinalikan iyon. "Let's go get changed?" Malambing na anyaya nya sa asawa.

Ngumiti si Tiara at tumango. "We'll be back in a bit." Paalam ni Tiara sa akin. Ngumiti ako. "O dalian nyo ha? Mamaya pang gabi ang honeymoon." I eyed them knowingly.

"Misha!" Suway sa akin ni Tiara. Nanlalaki ang kanyang mga mata at namumula ang mga pisngi. Tumawa ako. "Off you go!" Pagtataboy ko at tinalikuran na sila. Kunwari pang pa-birhen ang bruha! E kaya nga beige ang gown nya e. Naalala ko tuloh noong pumipili na sya ng design ng gown. Tinatanong kasi noong designer kung bakit hindi puti ang ipagawa nya, ang sabi ni Tiara ay hindi na daw bagay ang white dahil hindi naman na daw sya pure. Halos maloka ang Mama nya noon. Kami namang tatlo noong designer ay hindi matigil sa katatawa.

Tatawa-tawa akong naglakad papunta sa table nang ilan sa mga kaibigan namin. Pero bago pa ako makadating doon ay humarang na sa daan ang pigura ng kaibigan ni Xander.

Tumigil ako sa paglalakad nang saglit. Humakbang ako ng isa pakanan para doon dumaan pero hinarangan nya ulit ako. Kumunot ang noo ko at saka lamang nag-angat ng tingin. He was looking down at me. Mas mataas sya ng ilang pulgada sa akin.

"Excuse me." Utas ko at humakbang pakaliwa pero hinarangan lamang nya ulit ako.

Now, what's his problem?

"You're blocking the way. Pupwede bang tumabi ka?" Iritado kong sabi. Kumislap ang kanyang mga mata at gumuhit ang isang mapang-asar na ngiti sa kanyang mukha.

"Oh. I'm sorry. My bad." Patuyang sinabi ni Storm at saka tumabi. Inilahad pa nya ang kanyang isang kamay at yumukod ng bahagya. Nakangisi pa sya habang ginagawa iyon. Ang bruho!

Inirapan ko sya nang maigi at saka nagmadaling umalis doon at dumiretso doon sa table. Nagkukwentuhan sila at bahagyang tumigil nang dumating ako. Pagkaupo ko ay nagpatuloy ang kwentuhan. Nakisama na din ako. Maya-maya'y nilingon ko si Storm at naabutan syang nakatitig sa akin. What the fuck? Nang nahuli nya ang tingin ko ay agad akong nagbawi. Ibinalik ko ang pansin sa mga kausap ko pero hindi ko maalis iyong pakiramdam na nakatitig pa din sya sa akin.

What a flirt! Nakakairita. Palibhasa ay alam nyang gwapo sya kaya ata ganun. Cocky bastard. Tss.

Nawili na ako sa pakikipagkwentuhan. Binalikan namin iyong mga memories namin noong high school at panay ang tawa namin sa mga embarrassing moments namin noon. Nang bumalik sina Tiara at Xavier ay pareho na silang nakapagpalit. Nakaputing dress si Tiara samantalang naka-polo naman ang kanyang asawa. Magkahawak-kamay sila at nagbubulungan nang pumasok sa reception hall.

May hinahanap ang mga mata ni Tiara at nang nakita nya akong nakataas ang kamay at kumakaway sa kanya ag bumulong sya sa asawa at itinuro ang pwesto namin. Tumango si Xavier at kumaway din sa akin. Binitawan nya ang kamay ni Tiara at hinalikan muna ng mabilis bago pinakawalan. Umiling ako. Damn, the guy's whipped!

Malaki ang ngiti ni Tiara habang naglalakad palapit sa amin. Hinila ko iyong isang bakanteng upuan at iminwestrang doon sya umupo. Yun nga ang kanyang ginawa. Panay ang bati sa kanya ng mga kakumpulan namin doon. Nagkwentuhan ulit kami at pinagdiskitahan naman yung mga teacher namin noon na kinaiinisan namin ng sobra. Halos pare-pareho pala kaming iritado sa teacher namin sa Math noong third year dahil may favoritism. Halos isumpa ko nga iyon noon e. Natatandaan ko pa, naghanap pa ako sa Google ng mangkukulam noon. Balak ko na talagang ipakulam e. Pero di ko naman itinuloy. Mataas naman din kasi yung ibinigay nyang grade sa akin.

Nang bigla akong tinapik ni Tiara. Nilingon ko sya, nagtataka.

"Kanina ka pa tinitingnan ni Storm." Bulong nya sa akin. Ngumuso sya sa kung nasaan nakatayo si Storm. Sinundan ko iyon at nakitang nakatingin nga sya sa akin. Nakasandal sya sa railings. Ang isang kamay nya ay nakapaloob sa kanyang bulsa. Iyong isa naman ay nilalaro ang hawak nyang kopita. Magkakasama sila nina Xander at Rain. Panay ang talak ni Xander pero parang hindi naman sya nakikinig.

Tumaas ang kilay ko. Anong trip nito?

Tumaas din ang kilay nya at kumindat sa akin. Inirapan ko na.

"Type ka nya." Ani Tiara. Nilingon ko sya at inismidan.

"Di ko sya type." Nakangiwi kong sinabi.

Salvador Brothers Presents: STORMWhere stories live. Discover now