Isang araw lumapit siya sa akin. Wala akong nagawa dahil na corner niya ako sa may gilid ng pintuan.

"Hndi ko alam kung anong problema mo at iniiwasan mo ako. Pero kung hindi mo na talaga ako kakausapin lalayo na ako." Yun lang at umalis na siya.

---

Halos isang linggo na din at hindi siya pumapasok bakit kaya? May sakit kaya siya?

Nakakawalang gana tuloy pumasok kahit naman kasi iniiwasan ko siya patuloy ko pa din siyang inaabot ng tanaw.

Pinagmasdan ko yung kwarto ko. Ang kalat na pala masyado makapag linis nga.

Habang inaayos ko yung mga gamit ko nakita ko yung notebook ko. Ang notebook ko na siyang nagsilbing diary ko for almost 2 years at kahit isang pangyayari sa pagiging 3rd year student ko hindi ko pa naisulat doon. Ewan kung kelan may magandang pangyayari sa buhay ko hindi ko naisulat ay teka may naisulat pala ako doon yun yung araw na nakilala ko si Jared at noong unang araw ng pasukan yun lang.

Pinag iisipan ko kung anong gagawin ko sa diary na yun pero biglang nag ring yung cp ko at medyo nagulat ako kaya nabitawan ko yung notebook

Nang pupulutin ko na ito naalala ko na naman yung araw na nagkakilala kami ni Jared ganito yung eksena noon pupulutin ko yung notebook tapos bigla niya ding hinawakan yung kabilang side ng notebook para pulutin. Anng kaibihan ngayon wala ng Jared na tutulungan akong pulutin ito.

Napansin kong may nakasulat sa last page nung notebook. Wala akong maalala na may isinulat ako doon at hindi rin ito ang sulat kamay ko.






Handwritten ni Jared.


Binasa ko yung sulat


Dear Daphne,

Hi Daph! Sorry kung pinakialaman ko itong notebook mo hindi ko naman alam na hindi ito basta notebook lang, diary mo pala ito. Naalala ko ito yung hawak mo noong mga panahong napansin mo ko. Sorry and not sorry dahil nabangga kita or should I say binangga kita. Aaminin ko na, oo sinadya kong banggain ka.

Bigla akong natigilan sa pagbabasa. Ano daw? Sinadya niya akong banggain? Bakit?

Wag kang magalit pero desperado na talaga ako ng mga panahong iyon. Sobrang gusto kasi talaga kita simula palang ng makita kita sa harap ng bahay niyo noong bakasyon. Hindi mo ako napansin noon na dumaan dahil akala ko busy ka lang sa ginagawa mo pero sadya palang hindi mo napapansin ang mga tao sa paligid mo. Sobrang saya ko dahil sa West Land High ka na mag aaral at kaklase pa pala kita.

Halos lahat ng kaibigan ko nagkagusto sa'yo maliban kay Charlie, noong una hindi ko alam kung bakit pero nalaman ko din dahil sinagot ng Diary mo ang mga tanong ko. So yun nga halos lahat kami gusto ka dahil maganda ka talaga, yun nga lang takot silang kausapin ka dahil mukha ka talagang mataray at suplada na parang kapag kinausap ka bigla ka nalang maninigaw.

Noong araw na binangga kita sinadya ko yun dahil nagbabakasakali akong mapansin mo ako. At tama nga ako nag work yung plano ko. Naiinggit nga sa akin ang mga kaibigan ko at nagtataka sila kung paano tayo naging close. Ewan ko kung pati yung feelings ko naging invisible din sayo pero i really tried my best to show it pero ayun nga parang wala lang talaga hindi ko alam kung manhid kang talaga o talagang wala lang sa'yo yun.

Noong tinanong mo ako kung may gf na ako diba kako wala pero may nagugustuhan na ako? Alam mo Daph hindi ko alam kung slow ka talaga o ano eh. Hindi mo kasi agad na gets na ikaw yun. O baka nagets mo na kaya lang nagalit ka dahil nagkagusto ako sa'yo. Nabasa ko sa diary mo na ang crush mo si Charlie alam kong matagal na yon at kahit malaki na kayo ngayon syempre malay ko ba kung bumalik yung feelings mo na yun sa kanya. Nagalit ka nga talaga siguro dahil nalaman mo na crush kita kaya naman umiwas ka. Ang sakit para sa akin na layuan ng taong gusto niyang makasama at dahil alam ko na parang malabo na magkaayos tayo kaya pumayag na ako sa gusto ni papa na lumipat ng school sa Cavite. Kaya malamang kapag nabasa mo ang sulat ko na to wala na ako.S orry talaga ulit dahil nagpumilit pa akong pumasok sa buhay mo. Sorry kung ikingalit mo na nagustuhan kita. Iloveyou and Goodbye! Masaya pa rin ako na nakilala kita.

THE NOTEBOOKWhere stories live. Discover now