"Bakit?" nagtataka kong tanong. Bigla bigla nalang kasing sumusulpot

"Sabay na tayo?"

Tinitigan ko lang siya. Feeling close naman to bigla porke cute siya hah.

"Parehas lang ng daan ang bahay natin pauwi. Alam ko, kasi halos magkasunod lang tayong naglalakad pauwi. Hindi mo lang ako napapansin."

Napaisip ako. Totoo? Ganon ba talaga ako kawalang alam sa paligid ko?

Una kaklase ko pala siya pangalawa halos sabay pala kami naglalakad pauwi so anong katangahan meron ako at hindi ko yun agad nalaman?

"Oy ano? Sasabay ka ba o sasabay?" natawa naman ako sa tanong niyang yun.

"Sasabay may choice pa ba ko?"

Sabay na kaming naglakad pauwi at pagdating sa kanto naghiwalay na din kami.

---

Simula ng araw na nakabungguan ko siya lagi na niya akong kinakausap at sinasamahan kung saan ako pupunta. Nagseselos na tuloy si Loreen pakiramdam niya kasi pinagpalit ko na siya kay Jared.

Habang tumatagal mas naging close pa kaming dalawa at di ko namamalayan na nagkaka gusto na ako sa kanya.

Sa tuwing ngumingiti siya sa akin iba yung dating. Sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko parang may kuryente akong nararamdaman. Sa tuwing titignan niya ako sa mata  parang lagi siyang may gustong iparating. Kapag kausap ko siya masaya sa pakiramdam. Hindi kumpleto ang araw ko na wala siya. Sobrang naging komportbale na nga ako sa kanya.



Isang araw habang pauwi kami, tahimik lang kaming naglalakad.

Masyadong nakakabingi ang katahimikan na yun kaya ako na ang nag-salita

"May girl friend kana ba?" pag oopen ko ng topic, baka lang naman pwede na akong mag apply haha.

Ngumiti siya sakin at tinignan ako sa mata

"Wala pa pero may babae na akong gusto."

Medyo nalungkot ako sa sinabi niya, pero hindi ako nagpahalata.

"Ah sino share naman dyan."

"Basta!! Alam ko ding gusto niya ko at magiging gf ko din siya."

Nalungkot ako noong nalaman ko yun. Ang sakit naman non. Bakit naman tumingin pa siya sa iba eh andito naman ako?



Pagdating sa bahay nagtext agad siya sakin..

"Hi!! Ano nakauwi ka na ba?"

Medyo magkalayo lang ang bahay namin. Naghihiwalay kami pag dating sa kanto, gusto niya akong ihatid mismo sa bahay pero ayaw ko lang.

Hindi ko siya nireplyan.. Ewan basta naiinis ako sa kanya!

Syempre malaman mo ba naman na may iba ng gusto yung taong gusto mo hindi ka ba makakaramdam ng inis?? Bakit kasi sa iba pa siya nag ka gusto at hindi sakin? Nakakainis talaga akala ko kasi ako yung gusto niya pero akala ko lang pala! Umasa ako doon!

Akala ko gusto niya din ako dahil yun yung pinaparamdam at pinapakita niya pero assuming lang pala ako. Tsk..

Ilang araw ko din siyang di kinakausap o pinapansin...

Iniiwasan ko na din siya, hindi ako nagrereply sa mga text niya, hindi ko din sinasagot ang mga tawag niya.

Tuwing lalapitan niya ako ay kaagad akong lumalayo at kung kakausapin niya ako ay nagpapanggap akong nagmamadali.


THE NOTEBOOKWhere stories live. Discover now