"Hindi joke lang yun ano ka ba!" nahihiya na tuloy ako ngayon.
"Ililibre talaga kita kahit hindi mo ko biniro." Ay talaga ba? Choosy pa ba ako, libre na to oh.
Aangal pa sana ako ng biglang dumating si Ma'am.
"Sige punta na ako sa upuan ko." paalam niya
Tumango lang ako.
Nang paupo na kami siniko ako ni Loreen.
"Wow naman! Kelan pa kayo naging close ni Jared?" tanong niya
"Hah? Anong close? Hindi kami close. Nag sorry lang siya at nabangga niya ako kanina habang tumatakbo siya." paliwanag ko.
"Ahh ganon ba? Pogi siya no?" Nagulat ako sa tinanong niya sa akin
"Ahm. Medyo pero hindi siya pansinin. Hindi ko kasi alam na kaklase pala natin siya." totoo naman yun. Ngayon ko lang talaga napansin na may kaklase pala akong ganoon ka gwapo.
"Eh pano mo mapapansin kung laging ang tingin mo ikaw lang ang tao sa classroom na ito" natahimik ako sa sinabi niya. Sobrang hirap kasi akong makipag usap sa ibang tao, ewan ko ba nahihiya ako kaya hangga't maari ay hindi nalang ako tumitingin sa paligid ko.
- - -
Recess
"Hi!" bati niya sa akin.
"Hello!" nahihiyang bati ko din.
"Ahm. Daphne mauuna na ako ah. Sabay naman kayo ni Jared mag recess diba?" hindi na ako hinintay sumagot ni Loreen at iniwan na niya ako. Nako yung isang yun talaga eh..
"Tara na?" yaya niya, sobrang tamis ng ngiti niya kaya naman nahihiya akong tanggihan pa iyon.
Pagdating sa canteen nilibre nga niya ako. Kahit na tumanggi ako sa kanya ay nagpumilit pa rin siya.
Habang kumakain hindi ko alam parang naiilang ako. Kung dati hindi ko maramdaman na pinagtitinginan ako, ngayon ramdam na ramdam ko na sa akin at kay Jared ang atensyon ng lahat.
Anong problema nila?
"May problema ba?" tanong niya nang mapansing parang hindi ako komportable.
"Hah?"
"Dati kasi parang wala kang pakiaalam sa paligid mo pero ngayon parang naiilang kang gumalaw?" syempre ngayon ko lang naman napansin na parang nasa amin yung atensyon ng lahat.
"Ewan ko nagtataka lang ako kung bakit halos lahat sila dito nakatingin."
"Ano? Ngayon ka lang naging aware na pinagtitinginan ka?" huh? Bakit lagi ba akong pinagtitinginan?
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong
"Halos simula noong magtransfer ka dito ikaw na ang naging center of attraction. Hindi mo ba alam na halos lahat sila gandang ganda sa'yo at gusto kang maging kaibigan kaso natatakot lang."
Ano daw? Gandang ganda sa akin? Luhh hindi naman ako gaanong ganoon kaganda ah. Tsaka ano? gusto akong maging kaibigan pero takot? Sabagay mukha nga naman kasi akong masungit.
Ngumiti siya, gosh! Ang cute niya talaga pota.
"Hindi pa ba nag si-sink in sa utak mo yung sinabi ko?"
Umiling lang ako. Hindi ko talaga ma gets.
"Kalimutan mo na." Gusto ko pa sana itanong pero di bale na nga lang.
Kumain nalang kami.
- - -
Palabas na sana ko ng pinto nang bigla niya akong hinarang.
NOTEBOOK
Start from the beginning
