Day Dreamer 11>> bukingan na

Start from the beginning
                                    

Pinagmasdan ko si Ivy. Bigla siyang tumahimik at tinitigan niya ako.

Bigla nalang.....

"ARAY....... ARAY...... ARAY....." habang inaalis ko ang kamay ni Ivy sa buhok ko.

"Nathan hanapin mo iyon." habang sinasabunutan niya ako.

"Hindi ko nga alam ang sinasabi mo."

"wala akong pakyalam kung hindi mo naaalala. Basta alam ko ipinahiram ko iyon sa iyo."

"ARAY IVY ANG SAKIT"

"wala akong pakyalam. dahil kapag hindi mo nahanap iyon kakalbuhin kita sa sabunot."

"OO na OO na hahanapin ko na." sabi ko sa kanya.

"Siguraduhin mo. Kung hindi grrrrrr..." sabi niya sa akin at tuloy tuloy na siyang lumabas.

baliw talaga iyong babaeng iyon ang sakit ah. Hinawakan ko ang ulo ko. Parang naalis ang anit ko sa sabunot niya.

ang sarap sana matulog eh. Makatulog nga ulit.

Humiga ulit ako at pinikit ko ang mga mata ko.

"AHHHHHHHHHH" napasigaw ulit ako. Pano may nambuhos sa akin ng tubig sa mukha.

"ano ba Ivy?"

"hoy hoy hoy ikaw"

"oh bakit ba natutulog ako ha"

"tumayo ka na nga diyan."

napaupo na naman ako. Sumosobra na ang Ivy na ito ha.

"huwag mo akong ma hoy hoy diyan. Matanda ako sa iyo."

"aray" bigla pa naman akong binatukan.

"iyan ang bagay sa iyo. Ng maalog naman ng konti iyong mga brain cells mo. Tumayo ka na diyan."

Hey!! DAYDREAMERWhere stories live. Discover now