"Let's go back to our main agenda, Sir. Let's be formal this time, please. I'm running out of time. Marami pa akong gagawin," mahina pero pormal kong sabi. Tumango naman siya at pinagsalikop ang kamay niya.

"Okay, formal it is," tipid niyang sabi bago tumikhim. Pinasadahan niya ng palad ang buhok niya at inayos ang polo niya.

"Greg Salcedo," pagpapakilala niya at iniabot ang kamay niya sa akin. Nagdadalawang-isip pa ako kung kukunin ko iyon pero naisip kong hindi naman ako ganoon kabastos kaya tinaggap ko iyon.

"Allison Madlang-Awa, secretary of Mr. Agoncillo." Napalunok ako at agad na binitawan ang kamay niya dahil sa kuryente na dumaloy sa sistema ko.

Sinimulan ko nang sabihin sa kanya ang pakay ng kompanya. Our company sells high quality furnitures na ginagawa pa sa ibang bansa. The Salcedo Group of Companies contacted us to have a meeting dahil interasado sila sa mga furnitures para sa bagong branch ng mga hotel na ipinatayo nila.

Kahit na ayaw ko mang makitang muli ang isang ito ay wala akong magawa dahil sa pinagkakatiwalaan ako ng boss ko. I need to be professional at kailangang ihiwalay ang trabaho sa sariling issues. In fact, he doesn't even remember me.

"I think I have seen you before." Natigil ako sa pagsasalita at nanuyo ang lalamunan ko.

"H-Ha?" Bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay lalabas na ito sa dibdib ko. Mabilis kong hinagilap ang baso ng tubig at uminom.

"Parang...matagal na iyon, eh. Nagkita na ba tayo?"

Bigla akong nasamid sa tubig at wala pang ilang segundo ay nasa likod ko na siya, hinahaplos ang likod ko. Muntik na akong mapatalon sa ginawa niya at mabilis na lumayo.

"I-I'm fine," tipid kong sabi at bumalik naman siya sa upuan niya. Iniiwas ko ang mga mata ko sa mapanuring tingin niya.

"Allison?" Sumikip ang dibdib ko.

"A-Ano?" Nanatili ang titig niya sa akin at pagkatapos ay umiling. Napahinga ako nang maluwang nang ngumiti siya.

"I'm impressed." Maluwag akong napangiti at bumalik sa normal ang takbo ng puso ko.

"You smiled! Ngumiti ka sa akin!" biglang sabi niya saka kinagat ang pang-ibabang labi. Nginitian ko siya ulit at napailing.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung para saan ang ngiti kong iyon. Kung para sa hindi pagpilit sa akin sa tanong niya kanina o sa pagpuri niya? I don't know. Basta napangiti na lang ako.

"Salamat," sabi ko at iniabot sa kanya ang ballpen. "Sign it." Pero hindi niya iyon tinanggap.

"Nah, not now. I need a little..." Itinaas niya ang kamay at ipinakita ang daliri na nagsesenyas ng maliit, "little more convincing." Pagkatapos ay ngumisi siya.

Nawala ang nakapaskil na ngiti sa labi ko at nanigas ang katawan ko. Nakaramdam ako ng inis at kulang na lang ay ihagis ko sa kanya itong mesang nasa pagitan namin.

"Are you playing with me?" nagpupuyos sa inis kong sabi.

"Oh no, baby. I can't play with you," pilyo niyang sabi at mahina akong napamura nang paglaruan niya ang pang-ibabang labi niya gamit ang index finger niya. Wala sa sariling binasa ko ang labi ko at natauhan lang nang masalubong ko ang mga mata niya na sumasayaw sa pagkaaliw.

"Natikman mo na 'yan pero natatakam ka pa rin. Gusto mo, isa pa? Don't worry, I won't mind." Mariin kong naipikit ang mga mata ko at sa tingin ko ay umuusok na ang tainga at ilong ko sa inis sa hinayupak na ito!

"Know what? Walang patutunguhan ang pag-uusap na ito. You're not taking this shit seriously at pinagkakatuwaan mo lang ako." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at napaawang ang labi niya nang abutin ko ang bag ko bago bumaling sa kanya.

"Iba na po ang makikipag-meeting sa inyo, Sir. Maybe Mr. Agoncillo can make it to the next meeting. Nice meeting you," sarkastiko kong sabi bago mabilis na pumihit patalikod.

"Miss Madlang-Awa!" Narinig kong pagtawag niya sa akin at mas nadagdagan pa ang inis ko. Bakit kailangan niyang isigaw ang apelyido ko?! Hinayupak talaga!

"Allison!" Nagtitinginan na sa akin ang mga customer sa loob ng resto pero hindi ko na lang binigyang pansin at dumiretso lang ako palabas.

Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay makauwi at makita ang anak ko at 'wag nang makita pa ang pagmumukha ng lalaking iyon.

Naririnig ko ang pagtawag niya pero hindi ako lumilingon at napatigil lang ako nang may humaklit sa braso ko mula sa likod.

"Ano na naman?!" Napangiwi siya sa lakas ng sigaw ko pero hindi pa rin binibitawan ang braso ko.

"Hindi naman 'to mabiro. I was just kidding! Masyado kang hot pero kung willing ka, why not?" Sinamaan ko siya ng tingin at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko pero lalo niya lang hinigpitan.

"Sshh, okay. Ayos na?" Bumuntonghininga siya pagkatapos saka unti-unting binitawan ang braso ko.

"I will sign the papers but not now. May iniisip pa ako and remember this, 'wag mong subukang ipasa 'yang mga 'yan sa iba kung hindi, hindi ko talaga pipirmahan 'yan." Napairap ako sa hangin at humalukipkip. Tinitigan ko siya at tiim-bagang na nagtanong.

"Can we be civil and formal for business sake? Why are you making this hard for me?" naiirita kong tanong pero sa halip na sagutin ako nang maayos ay kahalayan na naman ang lumabas sa bibig niya.

"No, baby, you are making me hard." Bumaba ang tingin ko sa slacks niya at napaatras ako nang makita ang hindi ko dapat tinitingnan. Bumilis ang paghinga ko nang marahan niya akong itulak sa isang sasakyan sa may likod ko.

He towered me at iphinintay ang mukha niya sa mukha ko.

"A-Anong...ginagawa mo?"

"Hmm? Sabi mo formal 'di ba?" paos niyang sabi at inilapit ang mukha niya. Nararamdaman ko na ang hininga niya sa may labi ko.

"This is me, being formal."

Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na naituloy dahil sa pagtama ng mainit niyang labi sa akin.

Taking Chances (Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon