PROLOGUE

1.1K 15 1
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2015 by chureitonct.



Chasing Series #1: Locker Love Story [complete]

Chasing Series #2: It Started With You [complete]

Chasing Series #3: Chasing Her



•••




I'm standing in front of their house. Madaming kotse ang nakapark sa labas. Nandito na nga ba talaga siya?

Kinakabahan akong pumasok sa loob ng bahay nila. Pagpasok ko, nakita agad ako nina Janella.

"Hiro! Akala ko 'di ka na makakapunta." Sabi ni Janella. Kasama niya sina Jay at Jherome.

"Tara na sa loob, pare. Nag-iintay na sina Tita." Sabi ni Jherome.

Pumasok naman na ako sa mismong bahay nila. Madaming tao ang nandun. Pinaguusapan nila ang pagdating ni Chandria.

"Hiro!" Napatingin naman ako sa tumawag sa akin.

"Oh Travis." Sabi ko. Nagapir naman kami.

"Naks nakasuit ka na ha? Talagang president na president na sa kumpanya." Binatukan ko naman siya.

"Siraulo!" Pero may naalala ako. "S-si Chandria n-nandito na?" Ngumiti naman siya.

"Kanina pa. Nandun siya sa may sala may mga kausap siya." Kinabahan naman ako bigla.

"Sige, puntahan ko muna si Mary." Tumango na lang ako.

Si Mary girlfriend ni Travis. They met 2 years ago. Sina Janella at Jherome naman 'di nahirapan sa LDR noon kaya inabot sila ng 6 or 7 years? Si Jay, ayun single pa rin. Sina Nessy at Nirvana naman kinasal na 5 years ago pa, and Nirvana is pregnant this year.

Lahat sila successful na sa mga lovelife nila well except Jay and me.

"Tara na, Hiro. Puntahan na natin siya. It's been 6 years na rin." Aya naman ni Jay.

Tumango naman ako at sumunod sa kanila. Pagpunta namin dun sa sala, siya agad ang nakita ko.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hinila naman nila ako papalapit sa kanya.

May kausap siya ngayon isang babae at isang lalaki, di ko sila kilala.

Ang ganda niya ngayon. Nagmatured siya. I can say that because the way she dress up and talk. Pati pagkilos niya.. she looks so sophisticated now.

"Elissiana!" Pagtawag ni Janella sa kanya.

Napatingin naman siya sa amin. Oo, pati sa akin napatingin siya. Ngumiti naman siya agad.

"Janelski, I miss you!" Sambit niya. Ang angelic talaga ng boses niya.

Nandito lang ako sa likuran nila and I'm only looking her. 'Di talaga ako makapaniwala na nandito na talaga siya.

"Elisse, namiss ka namin! Huhuhu!" Sambit ni Jay.

"Sapatos ko, nasaan?" Biro naman sa kanya ni Jherome.

Sumama naman sila sa yakapan nina Janella at Elisse. Maya maya humiwalay din silang apat.

"Namiss ko din kayo Jay. And yung sapatos mo? Yes, meron nasa taas lang. Mamaya ko na ibibigay, kapag tayo tayo na lang." Medyo may accent na din siya magsalita.

Siniko naman ako ni Jherome. Kaya napaayos ako ng tayo.

"C-chandria." Napatingin naman siya sa akin at ngumiti.

"Hiro." Di ko naman mapigilang magtaka.

"Bakit Hiro? Hindi ba dapat Juan?" Mukha namang nagulat siya sa sinabi ko.

Ay ang tanga mo talaga Hiro! Bakit mo nasabi yun?

Magsasalita pa sana siya nang biglang may tumawag sa kanyang isang lalaki at lumapit ito sa kanya.

Napangiti naman dun si Chandria.

"Saan ka ba galing? I looked everywhere." Sino ba 'tong lalaking to?

"Sorry." Then, she pouted. "Tinawag kasi ako ni!- Mommy at Daddy e."

Pabalik balik lang kami ng tingin sa kanilang dalawa.

"Ah Elisse, ipakilala mo naman kami sa kasama mo." Pagsingit ni Jherome sa kanila. Thank you, Jherome!

Napatingin naman siya sa amin. Humawak naman yung lalaki sa bewang ni Elisse at ngumiti.

"Ay sorry. Nga pala guys, this is Ares."

May mali talaga.

"And?" Tanong ni Janella.

Ngumiti siya ng malawak. "My boyfriend."

Chasing HerOnde as histórias ganham vida. Descobre agora