Chapter 1

22 1 0
                                    


CHAPTER 1

Gi

"GI!!! GUMISING KA NA!!!" unang- una narinig ko sa pagising ko sa umaga...

Hayyy, grabe ha tuwing umaga na lang talaga iyan. Nakatitig nlng ako sa kisame at pagkatapos ay tinignan ko ang orasan. 6:00 am.... 6!? HALA MALELE-LATE NA AKO!!!

Agad-agad akong bumangon at nagmamadaling kunin ang mga susuotin ko, naligo na ako grabe hindi pa ako nag pa-init nito ha! Naalala ko na kakatapos lang ng month ng June iniisip ko pa din ang bakasyon, naiwan ko yata utak ko doon eh.

After ko maligo ay ipinagpapasok ko na lahat ng assignments ko at notebooks ko sa ja-fakes kong Jansport. Agad kong itong binuhat at bumaba.

"Ma! Alam mo namang 7 pasok ko eh!" sabi ko kay mama habang kumukuha ng padesal...

"Problema mo na yan! Alam mo namang may cellphone ka hindi ka nag-aalarm!" sabi ni ma... waw very punctual talaga ito si ma...

"Oi hindi ka ba man lang kakain!?" sabi ni ma nung nasa pinto na ako. "Ma may kinuha akong pandesal diba? Oh sige na alis na ako ma-tratraffick ako eh!"

Agad akong tumakbo sa terminal and pagkadating ko... may gad! Ang haba ng pila! Time check: 6:45. JUSKO 15 MINUTES NA LANG! Tumakbo ako sa tricycle at sumakay agad, binale wala ko na yung mga pumipila.

"NENG MAY PILA!" sabi ng babae sa gitna ng pila. Sabi ko "PARA-PARAAN! MALELE-LATE NA AKO! KUYA! TARA LETS!" sunod na lang sa akin si kuya at nag drive na siya. Buti di naman ako naabutan ng traffic.. Dire-diretso yung travel ko papunta habang kumakain ng pandesal...

"Oh neng, nandito na tayo.." sabi ni kuya... "Oh kuya bayad. Keep the change..." oh yes! Guma ganern! "Anong keep the change? Bente talaga papunta dito!" sabi ni kuya. "JOKE LANG HAHA!" after nun takbo agad ako sa gate...

Wahhh nakaabot naman ako agad! Grabe haggardusss na ako dumiretso na ako sa section ko na nakapila... Oh wait nag- aaral pala sa Saint Lourdes of Immaculata.

Name ko? Grabe di pa pala ako nag- introduce... Gigi Mercado. Status ko dito sa best school? Scholar lang... Hahahaha! At least may utak pa din...

Oh yan balik tayo... Pagkapila ko nakita ko nanaman ang mga conyo girls kong kaibigan.

"Ano bayan Gi you're so haggard like sweaty!" sabi ni Mishti. "Like oh my god, ito mag pabango ka nga! At magsuklay! Here!" Inabot sa akin ni Mina yung suklay at pabango niya.. Grabe maasahan talaga itong friends ko... Nag-ayos ako habang nasa pila. Pagkakita ko sa maliit kong salamin wala kahit anong ayos ko mukha pa din akong haggard kaysa sa mga kaibigan ko na magaganda hahah! Well bahala na brains pa din ang kailangan bago beauty... Nag-assembly na lang kami for 20 minutes and after that umakyat na kami sa classrooms namin...

My British BoyfriendWhere stories live. Discover now