Cycle Eight - Into Pieces

Start from the beginning
                                    

Cycle Eight
Amber

Lumilipad na joystick, lumilipad na cushions, lumilipad na baso ng juice, lumilipad na boots, lumilipad na briefs. Hala. Bakit ganito ang eksena sa club room?

“Lintik kang lalaki ka! Ngayon pagbabayaran mo ang ginawa mong panloloko sa akin! Bumalik ka dito! Sef! Bumalik ka sabi, e!”

Bigla ko na lamang nakitang papunta sa kinaroroonan ko si Sef at nagtago sa likuran ko. Kasunod niya ang isang babaeng nag-a-amok.

“Amber, please itago mo ako sa baliw na ‘yan. Nangangagat ‘yan baka anuhin ako.”

“Hoy babae. Ikaw ba ang bagong kirida nitong kumag na ‘to?”

Whaaat?

“Hell no,” agad na tanggi ko. “Never in my life. Ayoko sa bulldog.”

Bigla siyang tumawa ng sobrang landi. “Talaga? Magkakasundo tayo,” then she put back her tiger face again. “Now get out of my way.”

May sapi ba ‘yang babaeng iyan?

Tinabig niya ako. Aksidente namang napatid ako sa nakakalat na boots na lumilipad kanina kaya muntik akong matumba. Tama. Muntik. Kasi hindi ako natumba. May nakasalo sa akin at nahawakan ako sa balikat. Nang lumingon ako si Vlad pala. Napatigil din ang babae sa pangangatay kay Sef.

“Sa susunod, Tina, mag-ingat sa mga galaw, okay?” mahinahong sabi ni Vlad na may kasama pa’ng kaswal na ngiti sa babae.

Dinadaan na naman niya sa charisma. Kaya ayun. ‘Yung babae bumigay. I swear, I can almost hear angels singing from above.

“H-Hi, Vlad. Long time no see, ah.”

Confirmed. May sapi.

“Hoy, maharot na babae,” boses ni Era na nagpupulot ng kalat kasama si Sammy. “H’wag mong maharot-harot ‘yang si Vlad at may sineseryoso na ‘yan ngayon. Baka kung ano pa’ng isipin ni Amber sa inyong dalawa.”

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Vlad. Naging masama ang tingin niya sa akin. “Who the hell are you?”

Kaswal akong nag-abot ng palad sa kanya. “Amber Williams, class D. And you are?”

“Call me Tina,” tinaasan niya lang ako ng kilay at hindi inabot ang kamay ko kaya naiilang na ibinaba ko iyon. “I’m Sef’s ex girlfriend but I’m Vlad and Grey’s all time admirer. Kaya kung gusto mong kunin si Vlad, dadaan ka muna sa precious kong dead body. Naiintindihan mo?”

“Sorry hindi. Mabagal ang processing ng utak ko ngayon.”

“Talaga? Baka naman slow ka lang, nahihiya ka lang sabihin.”

Inaasar niya ba ako? Ako? Si Amber Williams inaasar? E gusto yatang makatikim nito ng pamatay na kamandag ni Blue Phantom, e. “May ganito kayong admirer, Vlad? Ang cheap, ah. Parang pusakal lang. Sa iskwater ba nakatira ‘yan?” tapos tumalikod ako’t tumabi kina Era at Sammy. “Samahan n’yo ako.”

Hindi ko na pinansin ang babae. ‘Yung Tina pala. Ayokong makipag-usap sa gano’ng tao. Masyadong masakit sa tenga ang boses.

“Saan?” pabulong na tanong ni Sam gaya ng pagkakabulong ko rin kanina.

“Kung saan nakalagay ang school information. Mga files ng students and teachers. Saan ba dito iyon?”

“Nasa building natin ‘yon,” sabad ni Grey na naupo sa couch na inuupuan din naming tatlo.

Magsasalita sana ako nang taka silang napatingin sa kinaroroonan nila Sef at Tina the exact moment na matigil ang pagkakatayan ng ex lovers. Nagtaka din ako dahil nawala ang ingay. Biglang tumayo si Sam na sinundan na nila Abo at Era.

The Life Of A Secret AgentWhere stories live. Discover now