Chapter [52] - "She had tears"

Start from the beginning
                                    



"Sus! Gusto mo rin naman! May nalalaman ka ngang haplos ng pagmamahal eh!" Sabi ni Patty.



"Paano kasi kung kumalat sa school yun? Edi nachismis pa na bulag ako?" 



"Watda? So you're saying na masyado kang pogi para pumatol sa katulad kong dyosa?! Huh! Patrick naman! Magpasalamat ka pag nachismis yun! Edi yayaman ka kasi bibili sila sayo ng gayuma na ginamit mo sakin." Sabay tapik sakin. "Partehan mo ko ha?" 



-________________________-"



Nakangiti siyang nakakaloko, "Aryt, bebeloves" nginitian ko siya ng super sweeeet sa smile!



Nagmake face nalang siya at umirap, HA HA. 



Pinark ko na yung kotse, nagstop muna kami sa mall dahil kailangan namin mag grocery. Patay gutom kasi tong kasama ko. 


Naglalakad kami papasok sa grocery store at etong si Patty patalon talon pa, parang tanga lang! Asan na yung Patty na sosyal sosyal?! Ilabas niyoooooo! "Huy babaita, umayos ka nga. Parang tanga lang!" Bigla naman niya kong hinampas tas hinatak buhok ko. "Aray!" 



"Ang epal mo kasi, magtulak ka na nga lang ng push cart!" sabi niya kaya sinunod ko nalang. Boset na. 



Kung ano ano na naman pinagkukuha netong babaeng to, "Patay gutom talaga" Bulong ko. Sinamaan ako ng tingin ng pating na to. Tinatakot pa ata ako aba! Kala niya natatakot ako?!



"May sinasabi ka Patrick?!"



"Wala bebeloves hehe, sabi ko lang, PATAY! Gutom na talaga ako. Ha-ha-ha-ha-ha. Grabe kagutom" sabi ko nalang. Syempre alam niyo na, babae siya. Pag bigyan na lang. Baka umiyak pa.



Binayaran na namin sa counter yung mga pinamili namin, iniwan muna namin sa sasakyan yung grocery bags tapos tumuloy kami sa Time zone.



"HUWAAAA! Patrick tignan mo to!" Nagniningning ang mata niya sa nakita niya na isang stuff toy sa Toy catcher. Ano ba tong stuff toy na to? "Nakikita mo ba ang nakikita ko Patrick..." Nag niningning pa rin ang mata niya -________-"



"Isang stuff toy na may lawlaw na tyan na may malaking hita at braso na apat lang ang kamay at nakashades na itim?" Alanganin kong sagot sa tanong niya. Dahan dahan siyang tumingin sakin at tumitig sa mata ko, bigla akong nailang. . . Bakit ba ganyan makatingin to? 

Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now