Book 4: Ladies' Man (Jay Palanca)

3.1K 46 15
                                    


PROLOGUE

Few years ago... 

"HI, Jay!"

Nanigas ang ngiti sa mga labi ni Jay na iginagawad niya sa babaeng nakilala lamang niya sa dance club na iyon nang marinig ang pamilyar na malamyos na tinig ng isang babae. Sa isang iglap ay nasiguro na niya na hindi magiging maganda ang kahahantungan ng gabing iyon para sa kaniya.

"Jay!" Muling tawag sa kaniya ng tinig. Na-distract na ang babaeng nilalambing niya at lumampas ang tingin sa kaniya. Pasimpleng napabuntong hininga si Jay at nanghihinayang na pinukol ng huling tingin ang babaeng balak sana niyang karinyuhin sa gabing iyon bilang reward sa sarili niya dahil may naipanalo siyang kaso. Matapos ang ilang linggong halos pagtira na niya sa opisina niya sa law firm ay ngayon lang siya may oras para mag-relax. Looks like tonight is not a good night for me, naisip ni Jay bago nilingon ang babaeng tumawag na naman sa pangalan niya.

Crazy Ana.

Maganda at sexy si Ana. Kung tutuusin ay ito ang tipo ni Jay. In fact, they had a one night stand many months ago. Subalit mayroon siyang personal rule na mahigpit niyang sinusunod – never sleep with a woman more than one night. Dahil kung hindi ay aasa ang babae na may mas malalim na patutunguhan ang non-existent relationship nila. Kaya palaging nililinaw ni Jay ang tungkol sa rule niya sa lahat ng babaeng nakikilala niya. Pumapayag naman ang mga ito. Katunayan, pagkatapos niyon ay nagiging kaibigan pa niya ang mga babaeng iyon na para bang walang isang gabing namagitan sa kanila.

Pero ang isang ito, may problema, frustrated na naisip ni Jay nang lumampas ang tingin ni Ana at napunta sa babaeng kasama niya sa bar counter. Nawala ang ngiti ni Ana at tumalim ang tingin na para bang may karapatan itong magalit kung may iba siyang kasama. At nang makalapit sa kaniya ang babae ay kumapit pa sa braso niya. "Who are you?" gigil na tanong nito sa babaeng kasama niya.

Tumiim ang mga bagang ni Jay at kumalas sa hawak ni Ana. "It's none of your business," usal niya bago humihingi ng pasensiyang sinulyapan ang kasama niya. "Sorry, lovely, let's continue next time."

Nanghihinayang na pinukol siya ng tingin ng babae bago umalis. Si Jay naman ay sinaid ang laman ng baso niya at agad na tinawag ang bartender upang magbayad. Ang mabuti pa ay umalis na siya. Ayaw niyang magtagal doon ngayong alam niyang naroon na naman si Ana. Hindi pa naman niya kasama si Charlie dahil ang kaibigan naman niyang iyon ang nagkukulong sa opisina nito sa law firm.

"Then, see you around," pilit na tinapuna ni Jay ng tingin ang babae bago kumilos upang magtungo sa entrada ng dance club. Subalit bago pa siya makalayo ay nakakapit na naman sa braso niya ang babae.

"Wait. Ngayon lang uli tayo nagkausap ng ganito aalis ka na kaagad? We are so much closer than that, right? Or do you want me to go home with you?" bulong pa ni Ana sa tainga niya. Mapang-akit ang tinig nito pero ang mga kamay nitong nakakapit sa kaniya ay mariin na para bang hindi siya binibigyan ng ibang pagpipilian kung hindi ang pumayag sa gusto nito.

Shit, shit, shit, this woman is really scary. Noong una silang nagkakilala ni Ana ay ni hindi sumagi sa isip niya na mangyayari ito. Matino ang naging usapan nila bago sila magtungo sa isang hotel na hanggang isang gabi lang silang dalawa. Subalit sa mga sumunod na gabi ay nagkakasalubong sila palagi kahit saang club siya magpunta at palagi itong umaakto na para bang may relasyon sila. Palaging sinasabi ni Jay kay Ana na hindi mangyayari ang pinapantasya nito pero tila hind tumitimo sa isip nito ang tungkol doon. At dahil hindi siya ang tipong gumagamit ng pisikal na puwersa para magtaboy ng babae ay iniiwasan na lang niya ito palagi. Pero ngayon ay mukhang kailangan ni Jay ng himala para makalayo sa babae.

Nag-iisip pa rin siya ng paraan para makalayo kay Ana nang mahagip ng tingin niya ang lalaking lumapit sa bar counter at mukhang oorder ng drinks. Mabilis na kumalas siya sa kapit ng babae at humakbang palayo. "Ryan Decena? Is that you?"

BACHELOR'S PAD series book PREVIEWSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें