Lahat sila nagulat dahil sa malakas na pagkakasabi ni Maine. Kahit ako, hindi ko alam kung bakit parang iba ang inaasta nya ngayon.

"So you...you...and you! Get out of here!"

At nagsimula na syang kumain. Asar na asar yung mga babae pero wala silang nagawa kundi ang umalis na lang.

Tiningnan ko naman ng seryoso si Maine.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?"

"Oo. Ayan oh!

Isinawsaw ko yung daliri ko sa sauce at saka ipinahid ko sa ilong nya. Nagulat naman sya at agad itong pinunasan.

"Bakit mo yun ginawa?" asar na asar na tanong nya.

"I should be the one who's asking you that. Bakit mo yun ginawa?"



"I'm your girlfriend, remember? Kaya normal lang na gawin ko yun."



"And besides, ito naman ang gusto mong mangyari 'di ba...ang maging tayo. So I'm just doing my part...to protect you sa mga malalanding babaeng yun." dagdag pa nya.

Muli syang kumagat sa burger at uminom ng softdrinks.

"From now on...sabay na tayo sa pagkain at pag-uwi. Okay?"




Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lang sya sa pagkain nya. Looking at her, reminding me of what happened last night.

Maniniwala na sana ako sa mga sinabi nya sa'kin noong nakaraang gabi kung hindi lang sya lasing. Alam kong wala sya sa sarili nya ng mga oras na yun at dahil lang sa alcohol kung bakit nya yun nasabi. At marahil nagiging ganito sya dahil hindi nya pa naaalala ang nangyari noon.

Paano kung maalala na nya? Ganito pa rin kaya ang magiging trato nya sa'kin?






Magkasabay kaming naglakad pabalik sa room pero bago pa kami makarating dun...bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa loob ng isang room. Wala namang tao dun dahil bakante ito.

Nagtataka lang ako dahil bigla akong hinila ni Maine papunta sa loob nang makita namin ang tatlong babae kanina na nasa cafeteria.



"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.



Busy sya sa pagsilip sa labas na parang may kung sinong tinataguan.

"Sshh! Just shut up okay? Baka makita ka na naman ng mga malalanding babae na yun! For sure, kakausapin ka na naman nila."



Hindi ko alam kung nagseselos ba sya dahil sa tono ng pananalita nya. She seemed so protective simula pa kanina.


"Maine, umamin ka nga...are you jealous?"


Hindi pa rin sya tumitingin sa'kin, she just keep on looking outside.


"I'm not jealous! Bakit naman ako magseselos sa kanila kung alam kong nasa akin ka na? I'm just being territorial. Pinoprotektahan ko lang kung ano ang para sa'kin."

Lumingon sya sa'kin at hindi ko akalaing sobrang lapit pala namin sa isa't isa. Kaya aksidenteng nagtama ang mga ilong namin. Pareho kaming nagulat sa nangyari kaya ako na ang dumistansya agad sa kanya.


"B-buti pa, bumalik na tayo sa room. Baka magsimula na ang klase." I looked away at nauna ng lumabas sa room na yun.






Niluwagan ko ang neck tie ko dahil feeling ko uminit bigla. Lagi na lang akong hindi mapalagay sa tuwing magkalapit kami sa isa't isa, lalo na kanina na ilang inches na lang ang pagitan ng mga mukha namin.


Kung palagi syang magiging ganun...I don't know if I can still handle her.

Something That We're NotWhere stories live. Discover now