CHAPTER 17- Abnormal Heartbeat

106 37 18
                                        

Third Person's  Pov

Matamlay na naglalakad siya pauwi sa boarding house na tinutuluyan niya.

Nalulungkot siya dahil hindi na siya sinundan ng bestfriend niya pauwi.

Hanggang sa malapit na siyang makarating sa tinutuluyan niya hindi na ito nagpakita.

Dati rati kase kahit na magkaroon pa sila ng sagutan walang kaso yon sa kanila.

Yung tipong nakasanayan na nilang magkasagutan kaya hindi na dapat problemahin pa.

Pero ngayon naisip niya na kung may pinagbago man ang bestfriend niya, ito yon.

Mas naging mature na ito hindi katulad ng dati na pagkatapos nilang magkasagutan susundan siya nito kung saang lupalop man siya magpunta para kulit-kulitin at gumawa ng panibagong trip sa buhay.

Dahil may bff code sila na 'I will not let you do stupid things alone.'

Kaya sa lahat ng bagay magkasanggang-dikit sila.

Para silang magsyota na hindi mapaghiwalay.

Kung nasaan siya, nandoon din ito.

At mas lalo niyang nakilala ang ugali nito noong sobra siyang nasaktan sa isang lalaki na minahal niya ng bongga, pero sa huli, iiwan at sasaktan rin pala siya.

Ang bestfriend niya ang laging nasa tabi niya ng mga oras na yon.

Hindi siya nito iniiwan dahil baka raw maisipan niyang magpakamatay at pag nangyari yon wala na daw itong bestfriend.

Naramdaman niya tuloy kung gaano siya kahalaga at kamahal nito bilang isang kaibigan.

Para itong panyo na tagasalo ng luha niya na sinayang niya ng dahil lang sa walang kwentang lalaki.

Ang bestfriend niya ang nagsilbing unan niya sa tuwing nangangailangan siya ng comfort at assurance na magiging ayos din ang lahat.

Ang bestfriend niya ang nagsilbing big sister niya sa tuwing kailangan niya ng kausap para mailabas ang lahat ng sakit at hinanakit niya sa buhay.

Maswerte siya na naging kaibigan niya ito dahil hindi siya nito pinabayaan sa kabila ng kamiserablehan niya noon.

Dinamayan siya nito sa abot ng makakaya nito.

Kaya ngayon, ginagawa niya ang lahat wag lang maranasan ng kaibigan niya ang naranasan niya.

Dahil ayaw niyang mawala ang ngiti sa labi at kislap sa mga mata ng matalik niyang kaibigan.

Napabuntong hininga siya ng maisip niyang hinuhukay niya na naman ang mga alaalang nakalipas na kaya inangat niya na lang ang kanyang tingin mula sa lupa.

Sakto namang nakita niya si Sky na nakaabang sa pinto ng boarding house na tinutuluyan niya.

Napakunot noo siya at napaisip kung bakit nandoon ito ngayon at nagtataka siya dahil mas nauna siyang lumabas ng classroom pero mas nauna itong dumating sa boarding house na inuuwian niya.

'Namiss ka niyan kaya dinadalaw ka.' Bulong ng konsensya niya.

Sa totoo lang, ayaw niya na muna sanang makita si Sky hanggat may gumugulo sa isip niya.

Pero napakabait talaga ng tadhana sa kanya dahil heto na naman ito ngayon, nag-aabang sa pinto ng boarding house na inuupahan niya.

"Anong ginagawa mo rito Garcia?" Tanong niya sa binata sa malamig na tono.

Ginawa niya iyon para iparating na ayaw niyang makipag-usap dito at wala siya sa mood para makipagratratan sa isang ito.

"What a nice greeting from a beautiful lady! Hello by the way! And wait, pink roses for you." Sagot nito sa kanya ng may ngiti sa labi sabay abot ng rosas sa kanya.

The Girl That You Failed To KeepWhere stories live. Discover now