Chapter 29 Sama ng Loob

1.7K 74 7
                                    

Buong akala ko magiging okay ang lahat sa pagitan namin ng Mama ni Zed pero hindi pala, ilang araw na ang nakakalipas simula ng magkaroon ng dinner with his Mom after the graduation at sinabi ko lahat lahat ng nangyari kay Luke, tanging si Luke nalang ang napagsasabihan ko ng lahat, wala na din kasing oras pa para makinig sakin si Melai dahil nabuntis siya ni Gerome, silang dalawa din pala ang magkakatuluyan.

"So ano ng plano mo ngayon?"

"Hindi ko alam Luke, hindi ko alam.."

******FLASHBACK******

Pauwi na sana kami ng bahay nun after the dinner, pero kinausap ako ng Mama ni Zed habang naglalakad kami papuntang parking area.

"Iho, Zedrick, pwede bang mag usap muna kami ni Richard kahit sandali lang."

"Yes Mom, basta wag mong bibiglain yan ahh!"

"Oo naman iho, may sasabihin lang ako."

Muling bumilis ang tibok ng puso ko pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa kaba dahil sa nararamdaman ko, kakaibang aura ang lumalabas sa Mama ni Zed, hindi ko naman mapigilan na hindi pakawalan ang mga kamay ni Zed pero wala na din akong nagawa.

"You are good naman iho, I think mabuti kang tao, muka ka namang mabait at masipag."

"Salamat po Tita."

"Don't call me Tita, kapag tayong dalawa lang ang magkaharap!" Medyo may paninindak sa tono ng Mama ni Zed at alam ko sa pagkakataong ito alam kong hindi maganda kung ano ang nararamdaman ko., parang she want to turns out into the Monster as soon as she can.

"Yes po Ma'am!" Nakayuko kong pagsagot sa Mama ni Zed.

"Good.. Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo., ayokong sirain ang araw na to para sa anak ko, kaya pinagbigyan ko ang gusto niya, hindi dahil sa pinakitunguhan kita ng maayos kanina ay Okay ka sakin o okay tayo! Naintindihan mo?"

"O--opo Ma'am!"

"Gusto kong layuan mo ang anak ko, ayokong isang katulad mo lang ang sisira sa reputasyon, pangalan at pangarap ng anak ko!"

Bigla naman nanlaki ang mga mata ko at napaharap sa Mama ni Zed, Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga narinig ko sakanya.

"Pe---pero------"

"Magkano ang kailangan mo para layuan mo ang anak ko, hindi mo mabibigay sakanya ang masayang Pamilya dahil hindi kayo magkakaanak na dalawa, Hindi isang tulad mo ang sisira sa anak ko."

"Ma'am, wag naman po sana-----

Hinawakan ako ng Mama ni Zed sa braso ng medyo mahigpit...

"AYOKO sayo para sa anak ko...!!!"

Bigla namang dumating si Zed.

"Ma, is everything Okay?"

"Oh yes iho, nagpapasalamat lang ako dito kay Richard dahil hes always been here for you, kaya naman natutuwa ako at nagkakilala kayong dalawa."

"I told you Mom you will like him, He's one of the best person I've ever met."

"Are you alright Chardchard ko."

"Ahhh...o--oo naman... I'm okay."

"Ma, mukang binigla mo naman yata si Chardchard ko."

"Naku iho hindi naman, wala naman kami masyado napag usapan "HINDI BA RICHARD!"

May padiin sa mga salita ng Mama ni Zed.
Hindi ko alam kung paano ko titingin kay Zed at sa Mama niya pero heto na naman ako, kikimkimin ko na naman ang lahat lahat.

Isang Dipang LayoWhere stories live. Discover now