Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko, "Kanina, ang saya ko habang kausap ko siya. Pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako na sa bawat ngiting ibinibigay ko sa sa kanya ay alam kung peke na. Naiinis ako sa sarili ko dahil alam kung niloloko ko na siya. Pero hindi niya napapansin. Habang nag sasalita siya tinititigan ko siya. Tinitignan ko ang mga mata niya, ang ilong niya, ang mga labi niyang nakangiti habang nag kkwento. Ni hindi ko na nga nasusundan yung sinasabi niya kase abala ko sa pag mememorize ng features niya. Pero hindi katulad sa mga exams and recitation hindi ako nahirapan at hindi din ako nabagot. Kase, ang sarap niyang titigan. Napakaamo ng mukha niya at para ba siyang anghel." Habang nag sasalita siya alam kung nakangiti siya. Ngiting malungkot.

 "Hindi ako nabagot at hindi ko inalis ang tingin ko sa mukha niya kase, kase alam kung yun na yung huli. Huling beses na magiging ganun ako kalapit sa kanya. Huling beses na abot kamay ko lang siya." Huling beses.

 Nang yari na din to dati,

Nag lalakad kami nun ni Ash pauwi galing ng park malapit lang din sa bahay namin ng makita namin si Drew. May kasamang babae. Ang masama pa si Ash ang nakakita. Kung ako lang sana yung na-unang nakakita hindi ko na sasabihin pa sa kanya dahil alam kung masasaktan lang siya. Ayoko nun diba? Pero mapag laro ang tadhana. Madaya at si Ash pa talaga ang nakakita. Masayang nag kkwentuhan si Drew at yung babae. Hindi namin makita yung babae dahil nakatalikod siya sa gawi namin. Tinext pa nga nun ni Drew si Ash e.

  "Hi baby. Anong ginagawa mo?" Yun pa ang sabi. Pero itong gago nakaakap sa babae habang nag tetext. Ang sabi ni Ash, "Nanunuod. Love story. :)." nakangiti sya habang nag ta-type ng hindi manlang tinitignan ang phone nya.

  "Talaga? Sweet naman. Anong title?" Tanong pa ng gago. 

"Ahh, hindi ko alam e. Pero yung scene ngayon nakita nung babae yung Boyfriend niyang may kasamang ibang babae sa park. Ang saya pa nga nila e. They're hugging each other. Sweet. Kasama nung babae yung bestfriend niya." Kwento niya.

 "Ang jerk naman nung lalaki." Tangina ikaw yun. Sabi ko sa utak ko.

 Hindi niya na nireplyan pa at nung gabi ding yun, uminom siya. Sinamahan ko siya kase ayaw niyang si tita Gei ang makakita sa kanya. Ayaw niya kaseng nag aalala para sa kanya sila tita. Hindi siya umiiyak nun. Pero paulit-ulit niyang sinasabi ang nga katagang, "Ang sakit sakit. Ang sakit sakit mong mahalin Drew. Ang sakit sakit mong mahalin!" Minsan ay ibubulong niya yan. Odii naman kaya sasabihin sa sarili habang hawak ang dibdib. 

Nung mga panahong yun, hindi ko na alam kung ano pa dapat ang gawin ko. Ang bawiin ang best friend ko o ang hayaan siya sa taong nag papaligaya sa kanya and at the same time nanakit ng sobra. Hinila ko siya paalis ng bahay at dinala sa bakanteng lote. "Sigaw." Bulong ko na tama lang para marinig niya habang nakatingin sa bakanteng lote.

 "Sigaw na." Habang sinasabi ko yun may namumuong emosyon sa loob ko. Galit, inis, lungkot. Awa na hindi dapat dahil alam kung magagalit siya. Gusto kung saktan ang gagong yun. Para sakin ay wala siyang karapatang saktan ang bestfriend ko. Pero para lang sakin yun. Simula nung pinapasok ni Ash si Drew sa buhay niya, nag karoon siya ng lisensiya. Lesinsiya na ginagamit niya sa illegal na paraan. Para bang isang doctor na nang gagamot pero ang lisensiya ay galing lang sa recto. Peke.

"Bakit kilangang pag nag mamahal masakit? Hindi ba pwedeng masaya nalang? Hindi ba pwedeng mag mahalan nalang? Mag mahalan. Yung walang nasasaktan." Halos pabulong niyang paki-usap. "Bakit kailangang mahirap.Hindi ba pwedeng pag mahal mo mahalin ka nalang din pabalik?" mga tanong na alam kung hindi ako ang kailangang sumagot. 

"BAKIT?!!" sigaw siya. Sumigaw lang siya ng sumigaw. Wala na kung maintindihan nung mga panahong yun. Tanging ang nararamdaman ko lang ay sakit habang nakikita ko siyang halos mawalan na ng boses sa kakareklamo kung gano daw ka-unfair ang mundong ginagalawan ng lahat. 

Wrong Move(One SHOT)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ