Pero pag katapos nun tumingin ulet siya sa screen ng laptop niya at nag tungo sa messaging box ng boyfriend niya. Natahimik siya. Puro kase babae ang laman nun. At yung messages niya? Ayun, Un-read. I saw tears escape from her eyes. Pinunasan niya agad yun. Akala niya di ko nakita. Tss, pag katapos nun ay nakatulog siya. Namumula ang tungki ng ilong niya. Hindi marunong mag tago si Ash kahit pilitin nya dahil mabahing lang sya ay halatang-halata na. Yung maiyak pa kaya sya? Ayaw niyang umiiyak sa harapan ko kung tungkol lang din kay Drew. Sa gagong yun.

 Ayokong nakikitang nasasaktan ang best friend ko. Pero wala akong magawa kundi supportahan lang siya. Kundi ang panuorin siyang masaktan mag mahal sa taong hindi naman deserving sa ibinibigay niyang pag mamahal. Sobra-sobrang pag mamahal. Minsan nga gusto ko na lang sabihin sa kanya, na nasasaktan ako. Nasasaktan na ko para sa kanya... syempre. 

Nakarating na kami sa bahay nila at sakto nandito si Mama.
Mabilis na bumaba si Ash at sinalubong siya ng warm hug ni mama. Nag kakatuwaan na agad sila nag a-apir pa nga e. Ganyan si mama kasaya pag si Ash ang kaharap niya. Minsan nga iniisip ko, ako nga ba talaga ang anak ni mama o siya. Hayy, close na close sila.
Pag katapos ng ilang minuto ay napag pasyahan ko ng ayain si mama na umuwi. Gabi na at alam kung pinipilit lang ni Ash ang sarili niya para hindi mahalatang may dinadala siya. Tss, Ash tigilan mo na yan. Kung pwede ko lang isigaw sa kanya yan e. Kaso hindi. Papagalitan niya ko. Or worse di papansinin. ~

Mabilis lumipas ang araw at bati nanaman sila. Kahapon lang mag kaaway sila pero ngayon bati nanaman. At ito ako, parang wala nanaman kay Ash. Hay, Bestfriend e. Nakangiti si Ash habang kausap si Drew. Ang ganda ng ngiti niya. Pero pilit naman. Tangina! Ang sakit tignan. Umiwas ako ng tingin. Kakausapin ko nalang siya mamaya. Kakausapin ko na siya.

Hapon na at kagaya ng nakagawian, mag kasabay nanaman kaming umuwi. Ako na nag ddrive at siya na naka rest ang ulo sa may bandang likod ko at nakayap sakin na para bang kami. Hindi alintana ang helmet na naka harang sa pagitan ng pag kakadikit ng mukha nya sa likod kung pinilit kung hindi mapawisan habang nasa practice ng volley-ball kanina, ramdam kung binubuhat din nya at binabalanse ang bigat ng helemt at ng ulo nya dahil sa pagod. Kung iba ang makakakita sa'min, iisipin nilang kaming dalawa ay payapa at masayang mag-kasintahan. 

Dumating din sa punto na minsan din nila kung pinag awayan ni Drew. Lumayo ako nun. Dahil ayokong mahirapan si Ash sa pag pili. Pero hindi niya ko tinigilan nun. Pinuntahan niya ko sa bahay ng lasing at umiiyak. Napagalitan ako kay mama nun. Sinuntok din ako ni Ash ng madaming beses nun habang umiiyak. Sabi niya ay wag daw akong lalayo. Kaya niya daw ayusin yun ng hindi ako lumalayo. Buti nalang at hindi na sa ngayon. Parang couple. Sarap pakinggan. "Couple." Pero hindi e. Mag Best friend kami. At iba ang Bestfriend sa kasintahan. Tangina

Hinatid ko siya sa kanila at umuwi muna ko saglit para makapag bihis.

"Ma, Pa, punta ko kila Ash!" Sigaw ko. Nasa kusina kase siya at nag luluto. Kasama si papa. Si papa ang taga tikim at pag katapos ngi-ngiti sila sa isa't isa na para bang sa kanila lang umiikot ang mundo. Napangiti din ako. Ang swerte ko sa pamilya ko. 

Nakarating ako sa bahay nila Ash at natanaw ko siyang mag isang nakaupo sa swing dun sa garden nila. Tulala. Kaya naman di niya namalayan na nakapasok na ako at nakalabas na din para lapitan sya pero bago yun ay hinanap ko muna si tita para mag paalam na andito ako. 

"Andun siya sa Garden nak. Puntahan mo nalang." Salubong sakin ni tita. Malungkot ang mata ni tita na nakatingin kay Ash. Typically not tita. Hindi siya ganyan e. Masayahin at Jolly si tita. Pero pano nga ba niya gagawin yun kung ang mismong source of happiness niya ay malungkot. Tumango nalang ako kasabay ng pag tapik ni tita sa braso ko at pag ngiti niya ng matabang.

Wrong Move(One SHOT)Where stories live. Discover now