Mabilis ang oras. Kung kanina kasama ko lang si Fey for lunch ngayon naman ay mag-isa nalang akong nag lalakad papunta ng parking lot para makauwi na din.
"Drew may problema ba tayo?" Galing sa gilid yung boses. Boses pa lang kilala ko na.
Ano nanaman kaya to. "Wala." Si Drew yung kausap niya. Ano pa nga ba?
"Sigurado ka ba?" Tanong pa ni Ash "Uwi na ko." paalam ng gago "Teka la---" Akala ko ba sabay sila? Tss.
"Ash," Napatingin siya sakin.
"Oh best? Aga mo naman yata. 3:30 palang ah." bati nya. hindi ko nalang din sasabihing narinig ko.
"Ash, first day. What do you expect? Halika na. Uwi na tayo." Binigay ko na sa kanya yung helmet. Para naman talaga sa kanya yun e.
"Okay ka na?" Hindi ako nakatanggap ng sagot bagkus ay yakap. Sweet nya no? *Smiles
"Tara na best." Sabi niya and I just nodded. Habang nag ddrive ako, hindi ko maiwasang tignan si Ash sa side mirror. She looks pale. Halatang pagod, nakapikit siya at ang itim na ng ilalim ng ng mga mata niya. Dati hindi siya ganyan. Dati, dati syempre nung wala pang Drew.
Masaya naman sila dati e. Aminado akong tutol ako dahil alam kung sasaktan lang ng lalaking yun ang best friend ko. Madami na siyang naging karelasyon. Z at X na nga lang ang kulang at makukumpleto niya na ang alphabet sa dami ng ex niya.
Wala akong tiwala dahil ang mga yun ay nag tatagal lang ng araw o linggo. Alam din naman yun ni Ash. Lahat nga ata ng school mates namin alam yun. Alam ni Ash na masasaktan siya. Matalino si Ash. Pero gaya ng marami pag dating sa pag ibig, walang tali-talino. Kumbaga sa sugal ang lahat ng meron si Ash o lahat ng pwede niyang ibigay ay ibinigay niya kapalit ng pag mamahal ng lalaking yun.
Bilang best friend ni Ash, kahit pa ayoko ay andito pa din ako para suportahan siya. Niligawan siya ni Drew ng 2 Weeks. Pakiwari ko noon ay seryoso na ang gago. Pero mali. Nung nag 3 months sila, nalaman ko na pustahan lang ang lahat. Sinabi ko kay Ash. Naniwala siya pero pinili niyang manahimik. Alam niyang kahit pa ayaw ko sa lalaking iyon ay di ko siya sisiraan. Nagalit ako pero hinayaan ko si Ash. Hahayaan ko muna.
Yun ang sinabi ko sa sarili ko. Masiyado niya pang mahal si Drew ng mga panahong iyon. Sweet din kase siya at maalaga. Hanggang sa sinabi na ni Ash na alam niya na, hindi sila nag usap ng isang linggo. Pero dumating ang lunes pinuntahan ni Drew si Ash sa kanila. Andun ako nun. Nakita ko kung pano humingi ng tawad ang gago. Sincere siya. Ramdam namin ni Tita yun. At ng mga panahong yun akala ko ay tama ang ginawang desisyon ni Ash. Pinatawad at nag umpisa ulet sila. Maayos naman ang 5 buwan. Hinahatid ni Drew si Ash kahit pa minsan ay may practice ito. Isa siya sa Varsity sa school.
Magaling siyang mag laro ng Bad minton kaya naman madali siyang nakakakilala ng mga babae. Mag si-siyam na buwan na sila ni Ash nun. Naalala ko pa, bumili ng couple shirt, watch and bracelet nun si Ash. Alam ko kase ako ang kasama niya. Muntik pa ngang naubos ang allowance niya nun e. Pero ang sabi niya? Okay lang. Si Drew naman e. Namumula pa siya. May date daw kase sila nun. Gift niya daw. Galante siya pag si Drew.
Samantalang pag ako libro lang di pa makabili. Pero ganun naman sa love e. Pag dating sa iba at sa sarili mo wala. Pero pag dating sa mahal mo, kahit hindi ka kumain ng dalawang araw at tipidin mo pa ang baon mong pang 1 month okay lang. Mabilhan mo lang ng regalo. Tss, pathetic.
Nakauwi na kami nun galing sa mall ng maisipan ni Ash na mag bukas ng Facebook. Mahilig din si Ash sa Social media sites. Nag browse lang at nag upload ng pictures. Pag katapos ay binuksan niya din ang account ni Drew. Di ko maintindihan sa mga to. Private property kilangan ba talagang ibigay sa kasintahan? Hindi pa naman mag asawa. Sinabi ko kay Ash yan. At ang sabi niya, ONE WORD, 6 LETTERS. BITTER! Hindi ko nalang sinagot at inirapan.
YOU ARE READING
Wrong Move(One SHOT)
Short StoryMay mga bagay tayong ipinipilit gawin kahit alam na nating mali at nakakasakit. Mga bagay na kahit alam mong sa una lang masaya ay isinusugal mo pa rin, masubukan lang. Bagay na alam mong sa una palang ay matatalo ka na pero pinili mo pa ring subuka...
Wrong Move
Start from the beginning
