Nasa room na kami ni Ash, same routine. Tatabi siya sakin. Makikipag kwentuhan ng mga kwelang kwento pero siya lang yung tatawa. Puro sargo lang ng imahinasyon nya ang sinasabi nya nakiki-bola nalang din ako. Kase,----
"Hi Drew!" Jammy. Isa sa cheerleaders namin. "Best si Drew andyan na!" Sabi ni Ash sakin.
"So?" Taray ko sa kanya. Drew ang pangalan ng boyfriend nya. "Gotta go. Puntahan ko,"
"Wait la----," pigil ko pero naunahan pa rin nya kung mag salita. Love me some freedom of speech when it comes to this person ow please.
"Lang siya okay? Bye best. Maya ulet muah!" And then she left. Patakbo pa syang papunta dun sa lalaking gago na yun.
And ye! Ganun na nga. Mula nung nag karun siya ng Drew ganyan na siya parati kaaligaga. I'm sure siya nanaman ang mag so-sorry. Ganun naman palgi, mag so-sorry siya kahit hindi naman siya yung may kasalanan. At yun namang gagong lalaki, daig pa ang babae. Sobra-sobra niya munang pahihirapan si Ash. Meron yung hindi niya itetext si Ash ng ilang araw worst is aabot ng lingo, hindi niya papansinin o di naman kaya ay sasabihin niya na mag sorry ka sakin ng hundred times at hindi lang sa text. Pati na din sa personal. Anong gagawin ni Ash? Yun mismo, hay. Tanginang life. I feel all the worst pain she bears every time na ginagawa nya lahat ng gusto ni Drew. Hindi nya deserve si Ash.
Minsan naawa na ko sa kanya. Well, let me rephrase that, simula nang naging sila lagi na akong nakakaramdam ng awa for her. Yun yung ayaw niyang maramdaman ng marami sa kanya. Kaya ayan. Kahit alam ko namang nag ppretend lang siya wala naman akong magagawa kundi ang manatali sa tabi niya.
"Mamaya nalang kayo mag-usap/Mamaya nalang kami mag-usap." Pag sabay namin, Hay! I know ofcourse. Fvck.
"Hihih, Wala e, yaan mo na. Mamaya nalang ulet." Sabi niya ng may patawa-tawa at pangiti ngiti pa. Pretender talaga. Inirapan ko nalang siya.
"Sasabay ka ba sakin mamaya?" tanong ko pag tiklop ng librong binabasa ko,
"Hmm, Hindi best. Mag uusap pa kami ni Drew diba? Una ka na mamaya ha?" Sabi niya at nginitian pa ko. Baliw Talaga.
"Tss." binuksan ko nalang ulet ang libro ko. Bakit pa nga ba kase ako nag tanong.
"Sunget!" She muttered. Ganyan naman palagi yung sinasabi niya. Sunget, mataray at ano pa yung isa, bitter. Oo tinatawag niya din akong bitter. Wala daw kase akong love life. Tss, kung alam niya lang.
Lunch na, mabilis pa sa alas-kwatro ang pag kuha ni Ash sa bag niya para makipag catch-up sa boyfriend niya. Tama... siya din ang nag iinsist palagi na makasabay sa pag lulunch ang boyfriend niyang hilaw. Dati ang rason ng boyfriend niya, nahihiya daw kase siyang kumain sa harap ni Ash. And what do you expect from Ash? For her it's cute. Ang cute daw ng boyfriend niya habang sinasabi yun kase namumula pa daw siya. Tss. Naniniwala naman ako but that was a long time ago. Dati? Oo yun yung rason niya. Ewan ko lang ngayon. They've been together for 2 years and 3 months. Opp! Don't even bother to ask why do I know. So kung pag susumahin ganyan na katagal ang pagiging tanga ni Ash. Long-lasting.
Minsan din naiisip ko nalang na itali nalang siya tapos wag pakawalan when that Drew is around. That guy is a danger to Ash. Bigtime! Hayy,
"Hi!" Bati sakin ni Fey. Classmate namin.
"Hello." Monotone kung balik habang nag aayos ng mga librong hiniram ko kay Ash.
"It's time for lunch. Pwede ba kung sumabay sayo?" She asked. And I just nodded. She smiled and then continued walking with me.
YOU ARE READING
Wrong Move(One SHOT)
Short StoryMay mga bagay tayong ipinipilit gawin kahit alam na nating mali at nakakasakit. Mga bagay na kahit alam mong sa una lang masaya ay isinusugal mo pa rin, masubukan lang. Bagay na alam mong sa una palang ay matatalo ka na pero pinili mo pa ring subuka...
Wrong Move
Start from the beginning
