Chapter 28 Graduation and his Mom

Mulai dari awal
                                    

After an Hour pinauna ko na si Zed sa School at sinabing susunod nalang ako kasama si Luke, Luke was also always there for me para suportahan sa mga bagay na gusto ko, its not financial matter pero pagdating sa pagpapalakas ng loob ko at sa mga inspirational message niya sa akin and not only to me pati na din kay Zed.
He was like a priest actually kung mangaral he can really get your attention sa bawat salitang binibitawan niya to think na mas bata siya sakin ng dalawang taon pero kakaiba na ang isip niya.

Pagdating sa School nakita naman ako ni Zed kaya agad itong lumapit sakin at humalik, pero hindi ko na hinayaan na magtagal pa siya sa amin ni Luke anytime the program will start and besides baka makita pa siya ng Mama niya baka bigla siyang lapitan habang naroon ako, kilala ko si Zed he will do anything kapag gusto talaga nito kaya nag iingat din ako.

"alam mo sana isa ako sa nakaupo ngayon dyan."

"Sabi ko kasi sayo nun...----"

"Shhhhh... It's okay Luke, malay mo sa susunod na sem ako naman ang nakaupo sa isa sa mga upuan na yan, mangyayari din yun."

"Well sa pagkakakilala ko sayo hindi imposible mangyari ang gusto mo."

"Time will come to prove my self to everyone lalo na sa Pamilya ko."

"Well nandito lang ako for you Chard, and also I know that Zed too."

"Sana nga, natatakot kasi ako na baka dumating yung araw na iwanan niya din ako kasi hindi ko kaya ibigay kung anong makakapagpasaya sakanya."

"Muka namang okay na sila ng Mama at kapatid niya diba?"

"Well hindi ko alam, alam ko masaya si Zed dahil sa nangyayari ngayon pero hindi ko alam ang tunay na kwento sa pagbabalik ng Pamilya niya."

"Handa ka ba?"

"What do you mean?"

"I mean handa ka na ba harapin ang Pamilya niya?"

"Yung totoo, hindi ko alam."

"Kaya mo yan! Im sure magugustuhan ka nila at matatanggap nila kung ano man ang meron sainyo ni Zed."

"Pano mo naman nasabi?"

"Kasi you are good enough."

"Sana nga Luke, sana nga."

After the program dumiretso na kami ni Luke sa bahay pero ilang oras lang ay nasa bahay din si Zed, he was inviting me and Luke para sa konting salo salo daw sa labas.
Well actually hindi ko alam kung sasama ako, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana kanina palang nagpakita nako sa Pamilya niya.
Gusto daw ako makilala ng Mama ni Zed, nabanggit na daw niya ang tungkol samin kaya biglaan din ang pagsundo samin ni Zed, hindi naman na kami makatanggi kahit na ayaw ko, siguro nga kailangan ko ng harapin to at lakasan nalang ang loob ko.
Ito ang unang pagkakataon na ipapakilala ako sa Pamilya ng Boyfriend ko at kung ano man ang mangyari nakahanda ako. "Siguro"

"Kinakabahan kaba?" Yan ang tanong sakin ni Zed habang nasa sasakyan kami sabay hawak niya sa mga kamay ko.

"Medyo."

"Wag Chardchard ko, nagakausap na kami ni Mama, at sigurado ako na magugustuhan ka niya."

"Sana Zedzed ko kasi kinakabahan ako, hindi ko alam kung pano ako haharap sa Mama o kung matatanggap niya ba tayo?"

"Chardchard ko, dont think like that, I am pretty sure that Mom will like you as the way I do."

Napabuntong hininga nalang ako at tiningin ang sarili sa bintana ng sasakyan, habang papalapit kami sa resto na pupuntahan namin ay mas dumoble pa yata ang kaba na nararamdaman ko lalo na ng marating namin ang lugar, parang ayaw gumalaw o humakbang ng mga paa ko papasok sa pintuan ng Resto.

Isang Dipang LayoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang