"Nevermind! We'll go shopping diba?" Palubag loob niya sa sarili.

Gusto ko sana tumanggi dahil gusto ko malaman kung bakit nagkagulo sila Aaron pero alam ko rin na malungkot si Anne.

Nawala na rin ang mga estudyante na nakikiusyoso pati sila Christopher kaya pumayag na ako.

"I have my car with me."

"Then lets just meet in the parking lot!"

Sabay kami pumunta sa parking lot ng school. Nagkahiwalay din dahil magkaiba kami ng lugar na pinarkingan.

Pagkapark sa mall ay agad ko ko hinintay si Anne na nahuli. Diretso kami sa mga mamahaling botique na paborito niya.

Minsan nagtataka ako kung bakit hindi naaubos o hindi pinagbabawalan siya sa araw-araw na pag gastos niya. Oo at mas mayaman kami pero takot ako gumastos.

Pero siya walang takot na nag wawaldas ng pera sa mga bagay na meron na siya.

"You choose what clothes you want! Ako ang magbabayad."

Inilahad niya sa akin ang open closet na puno ng mga mamahaling damit para sa mga customer na special kunno.

Umiling agad ako. Ang dami na niyang nabili at kung dadagdag pa ako ay sasakit ang ulo ng magulang niya.

"Marami pa akong damit sa bahay."

"This is the last botique kung kukuha ka ng damit na gusto mo. Kapag di ka kumuha ay magiikot pa tayo." nakangisi.

Wala akong choice kundi ang maghanap ng damit. Kinuha ko ang pinaka mura pero hindi niya nagustuhan hanggang siya na ang pumili.

"Hindi ka ba papagalitan nila Tita? Ang dami mong binibili at ang mamahal."

"Papagalitan pero sandali lang naman. If I'll have sister then she doesn't need to buy because my clothes are enough." tumawa siya at inabot sa akin ang paper bag.

"You won't have sister. Matanda na sila Tita!"

"Then this will be for my daughter!" humagikgik siya at hinila ako palabas ng botique.

May dalawa agad na sumunod at may hawak nang pinang shopping ni Anne.

"Mauna ka na sa restau, ituturo ko lang kung asan ang kotse ko."

Tumango ako at naglakad na papunta sa favorite nyang korean restaurant. Umorder na ako ng usual na kinakain namin at nang dumating siya handa na ang mga pagkain.

"Dad is planning to go abroad."

"Then it's good as vacation."

Hinipan niya ang pasta at umirap sa akin.

"Doon na kami titira."

"Tito's career here is good. But outside the country has better opportunities."

"You think so? My parents has been fighting. Kapag nakikita kami ay tumitigil at kapag silang dalawa lang ay nag aaway."

"Baka ayaw ni Tita umalis? She's socialite here. She will be lonely if she goes to abroad for sure. How about you? Are you fine with it?"

Pinunasan niya ang labi niya at inayos ang pinagkainan.

"Not now. Hindi ka pa okay and I don't want to leave you alone."

The Return Of The Nerd PrincessWhere stories live. Discover now