TROTNP (04)

516 18 0
                                    

May tumulak sa akin kaya muntik na ako madapa kung hindi lang ako sinalo ni Anne.

"Anong problema mo!" Matapang na sigaw ni Anne.

"Sabihin mo diyan sa malanding nerd na yan! Siya ang dahilan kung bakit nag aaway ang dalawa." Si Patricia, ang kaibigan ni Vanna.

Nagsidatingan ang mga student council at ilang faculty member.

Susugurin sana ni Anne si Patricia nang dumaan mismo sa harap namin ang president ng student council.

"Don't make another scene." Mariin na sabi niya at tinignan si Anne na nakasimangot.

Nag walkout ang grupo nila Patricia samantalang si Anne ay pabulong na pinaulanan ng mura si Axel

"Akala mo naman sobrang talino na niya! Feeling chairman porket anak ng mga Gavanos."

"Umalis na tayo Anne."

Papalapit sa amin si Alona hawak ang makapal na libro. Ang maputing balat ay kumikinang dahil sa sinag ng araw.

"Porket president siya ng student council ganyan siya maka asta. Mas gwapo pa nga ang mga kuya niya."

Pinandilatan ko siya at sinesenyasan pero tumingin lang siya sa direksyon nila Aaron at Christopher na kinuha ng mga student council.

"Siya ang pinaka walang galang, bastos at mean sa mga Gavanos! He act like righteous pero napaka sama naman ng ugali. Huh! How dare him." suminghap pa siya na parang di makapaniwala.

Ibinaling niya ang atensyon sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata pero parang di niya nakikita.

"Alam mo ba na isang beses ko siyang inapproach at nireject niya ako! Hindi niya ba kilala ako? I bet he is the black sheep and the rotten child of Gavanos."

Umubo sa harap namin si Alona. Hindi nakayanan sa mga salitang binitawan ni Anne sa kapatid niya.

Nanlalaki ang mata ni Anne nang makita niya ang maputing si Alona sa harap namin.

Tila hindi nasisikatan ng araw. Alona Grace Gavanos on her junior uniforme with her thick book is infront of our face.

Her small face without make up makes her look like a real princess. Almond eyes paired with thin pink heart shaped lips. Bushy brows with dark and thick lashes with pointed nose, she look like the mini version of Taylor Hill.

"I like you..." ngisi niya kay Anne. "But I don't like your stinky attitude." bigla siyang sumimangot.

Para siyang ka edad lang namin kung hindi dahil sa uniform niya na suot.

Yumuko si Anne, tila nahiya.

"No wonder my kuya is so rude to you. You won't have my respect either no matter who you are."

Supladang naglakad palayo sa amin si Alona.

Buti na lang talaga at kami lang ang nakarinig dahil kung hindi magiging tsismis ito. Bumuntong hininga si Anne.

"Ikaw kasi puro ka salita! Sinesenyasan na kita."

Yumuko siya at huminga ng malalim. Ngumiti siya at tumingin sa akin. Nakangiti pero bakas ang lungkot sa mata.

The Return Of The Nerd PrincessWhere stories live. Discover now