Reasons ( Last Part)

166 3 4
                                    



*Wrong companions, wrong relationships

Relationships can either make or break you. Kung ano ang naidudulot sa'yo ng companions at relationshps na sinasamahan mo will determine if it is wrong or right. Kung sa halip binibuild-up ka nila e dinidestroy ka, lumayo kana. Hindi ka dyan magiging Masaya.

-BE WITH THE RIGHT PEOPLE

*You are not growing.

Kung hindi ka lalabas sa comfort zone mo hindi ka lalago at kung hindi ka lalago hindi ka Sasaya. Lahat tayo may pangarap at lahat naman siguro Masisiyahan when you reach your dreams. Naniniwala ako na lahat ng tao pinanganak na puno ng talents or gifts at naniniwala ako nakakabit na sa atin ito pagkapanganak palang natin kaya naman kung hindi ka lalabas sa shell mo para gamitin at palaguin ang mga yan it can cause unhappiness because you are neglecting a part of yourself.

-TAKE COURAGE, GO OUT OF YOUR COMFORT ZONE.

*Those that didn't happen (You know you did your part pero hindi nangyari, you know wala kang ginawa kaya hindi nangyari o kulang ang iyong ginawa kaya hindi nangyari)

Siguro there are really things in life na sadyang matagal dumating (ouch!), at hindi talaga dadating (super, duper, mega, ultra ouch!)

Ang puso ng mga tao ay punong- puno ng hopes, wishes and dreams. Kung meron ka ng mga yan it means you are hoping –umaasa in other word expecting. Sabi nila kakambal daw ng expectatation ang disappointment at kaya daw madalas nasasaktan ang mga tao ay dahil expect ng expect.

Totoo naman masakit na hindi makuha ang gustong makuha at talaga namang nakakalungkot na hindi makuha o maabot ang minimithi o inaasam-asam. Nakakalungkot ang umasa pero mas nakakalungkot yung hindi ka na umaasa kasi para mo na ring sinabi na wala ng pag-asa. Eh araw -araw ka ngang pinapahiram ng buhay di ba?

1. You know you did your part

Maraming tao ang miserable, nasasaktan at hindi Masaya dahil sa mga pangarap na hindi naabot, wishes na hindi nangyari at hopes na hindi nagkatotoo. Who would be Happy with those? Lalo na kung alam mong ginawa mo naman ang dapat mong gawin Pero kung nararanasan mo na rin lang yan piliin mo nalang maging Masaya kesa naman hindi na nga nangyari ang gusto mong mangyari magpapapaka miserable ka pa. Kung pwede ka pa namang maging Masaya pa eh maging Masaya na. Alam mo namang ginawa mo na ang makakaya mo.

-CHOOSE TO BE HAPPY. START NEW. KEEP ON DREAMING. KEEP ON WORKING.

2. You know wala kang ginawa o kulang ang iyong ginawa

Nakakawalang confidence sa sarili, nakakalungkot kapag ang dami mong gustong gawin ang dami mong pangarap na gustong maabot pero lahat yun hindi mo makuha kasi wala kang ginawa o di naman kaya kulang ang iyong ginawa. Maaring dahil ito sa iyong shyness, lack of courage o dahil lagi mong iniisip na may panahon pa hanggang sa makita mo nalang na you're already late – late, hindi dahil hindi mo na pwedeng ipursue pa but late because alam mo sa sarili mong dapat naabot na pero dahil sa wala o kakulangan mo ng gawa at tiyaga eh hanggang ngayon ay pinapangarap mo pa rin.

Ang result kapag nawalan ka ng tiwala sa sarili ay hindi ka masaya sa iyong sarili at kapag hindi ka Masaya sa iyong sarili, hindi ka Masaya overall. But remember na hindi diyan natatapos ang lahat. Piliin pa din maging Masaya at matuto na.

- FORGIVE YOURSELF. DISCIPLINE YOURSELF. NOW WORK FOR YOUR GOALS AND DO YOUR BEST!

*Things that happened (things that were beyond our control)

Bad and painful experiences, loss of loved ones and things or situations you cannot understand kung bakit nangyari o nangyayari sa'yo.

Events like these can cause you to ask 'Why me?' 'Of all people bakit sa akin pa nangyari?' At kung minsan nga sa sobrang sakit ng pinagdadaanan mo, kahit sa pinakaayaw mong tao hindi mo ito gusgustuhing mangyari.

Hindi kasiya-siya ang mawalan ng mahal sa buhay, hindi kasiya-siya ang makaranas ng masasakit at mapapait na pangyayari sa buhay at hindi kasi-kasiyang humarap sa mga sitwasyon sa buhay na sa sobrang hirap at sakit mapapatanong ka kung ano bang ginawa mo para makaranas ng ganung katinding pagsubok.

Kung ikaw ay nakakaranaas ng mga yun o alinman doon you have the right to feel unhappy but always remember that you always have the choice to not lock yourself there. You might say,'Easy for you to say because you don't feel what I'm feeling' – I'm not going to be mad because it's true , madaling magsalita pag wala ka sa sitwasyon. Pero kaya nga Happiness is a choice, is a decision kasi nga hindi lahat ng sitwasyon sa buhay ay kasiya-siya. Okay lang masaktan wag mo lang ikukulong ang sarili mo sa sakit. Gaano man parang kasama, kasakit at kahirap ang nangyari o nangyayari sa atin laging tandaan natin na it could have been worse. Meron pa din tayong dapat ipagpasalamat.

-CRY. WEEP, BUT COME OUT STRONGER AND MOVE ON.

*You don't know why you exist

"Why do I exist?" Naniniwala ako na ang pinakadepressing point/moment sa buhay ng isang tao ay yung point/moment na tanungin mo ang sarili mo kung bakit ka nabubuhay pero hindi mo alam ang sagot. Sinong bang Sasaya na nabubuhay pero hindi naman alam ang dahilan? Pag hindi mo alam ang purpose mo, hindi mo alam ang value mo. Surely hindi tayo napunta sa earth para kumain lang matulog at hindi rin para makipagkaibigan lang, magtrabaho o maghanap ng mamahalin sa buhay. You see kung ang purpose natin sa buhay ay dahil lamang para maghanap ng mamahalin edi sana kapag kinuha na ang ating minamahal dapat kasabay na din tayo, pero hindi, laging may naiiwan hindi naman siguro pwedeng naiwan ka pero yung purpose mo umalis na o nawala na dahil kung ganon ano pang dahilan at nagexist ka pa e wala ka naman ng layunin. The point is hindi mo mahahanap ang purpose mo sa buhay sa ibang tao. Bago inimbento ang aircon inisip muna nung gumawa nito kung para saan ito, laging nauuna ang layunin bago ang product. Same sa tao bago ka pinanganak may layunin ka na, hindi ka aksidente o parang kabute na bigla bigla nalang sumulpot (kahit ang kabute ay mas purpose.) At kung gusto mong malaman kung ano ang purpose mo doon mo ito hanapin sa Lumikha sa'yo, the Almighty God.

God, the author of our life, is the One who fully knows our value, the One who fully knows our purpose, the One who fully knows us. We, the creation, will never get to know our purpose without getting to know intimately our Creator.

-SEEK GOD WITH ALL YOUR HEART AND YOU WILL FIND HIM. IN HIM YOU WILL FIND THE REASON OF YOUR EXISTENCE. IN HIM YOU WILL FIND JOY.

"Before I formed you in your mother's body I chose you. Before you were born I set you apart to serve me. . ."Jeremiah 1:5

- - - - - - - - -

A/N: Kung may gusto kang itanong, sabihin you can send me a message:) God bless you. Jesus loves you:)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bakit Di Ako Masaya? (Possible Reasons Why You're Not Happy)Where stories live. Discover now